52

12 3 0
                                    

Rina's Pov

"Bat ngayon ka lang?" Tanong ni Railey sakin pag uwi ko.

"Galing ako kila Chenle." Sagot ko kaya napatingin s'ya sakin.

"Lahat kami nandon." Dugtong ko. Maling akala nanaman tong isang to.

"Sa Wednesday uwi ko." Sabi n'ya pag upo ko sa sofa. Wednesday?

"Agad agad?" Tanong ko kaya tumango s'ya.

Monday palang naman ngayon, may time pa kami para magbonding.

"Bat parang paiyak ka na d'yan?" Sabi ni Railey na ewan ko ba kung nangaasar s'ya o hindi.

"Asa ka." Sabay irap kong sabi kaya natawa s'ya.

"Netflix tayo." Aya n'ya at umupo sa tabi ko. Wala naman akong magagawa kaya hinayaan ko nalang s'yang buksan yung tv at pumili ng movie na papanoodin.

Chenle's Pov

"Sure ka bang ayaw mo umuwi?" Tanong ko kay Hallie. Kasalukuyan kaming nasa labas at naglalakad lakad.

"Ayoko pa. Baka kung ano ano nanamang masabi nila." Tugon n'ya. Napatingin naman ako sa damit n'yang sobrang laki sakanya, ngayon ko lang napansin.

Tumigil muna kami dito sa may bench para umupo.

"Naligo ka na ba?" Tanong ko sakanya.

"Oo naman," Sagot n'ya. Ay eh? Sana ol

"Kaninang umaga pa. Tas naligo din ako kanina habang wala pa kayo, sensya na." Sabi n'ya kaya natawa ako. Pero san n'ya nakuha yung damit n'ya?

"Kanino yan?" Tanong ko at itinuro yung suot n'ya.

"Ah eto, kay Winwin. Pinahiram n'ya muna ako ng mga damit, sinobrahan n'ya na para daw di na ako bumalik para manghiram." Sagot n'ya kaya nanlaki yung mga mata ko. Emz, sweet as shogar.

"Bati na kayo?" Tanong kong muli. Curious ako kaya maraming tanong.

"Di naman kami nag away." Sagot n'ya. Ay hindi ba?

"E ano yung nangyari noon?" Tanong ko pt1000000

"Ah ayun...ako naman may kasalanan non," Nakayuko n'yang sabi. Hindi ko kase talaga alam yung nangyari sakanila ni hyung.

"Deserve ko naman yung kung anong meron kami ngayon, sa sobrang tanga ko ba naman." Dugtong n'ya at natawa ng mahina.

"Ayos lang yan. Malay mo may chance ulit." Sabi ko at inilagay sa bulsa ko yung kamay ko.

"Di na naman ako umaasa. Tsaka, sure akong may pinopormahan na si Winwin. Deserve n'ya ng taong hindi tanga." Mahaba n'yang sabi.

Wala naman kaming balita na may pinopormahan si hyung, pwera nalang sakanya.

"Balik na tayo sa dorm, baka kakain na." Aya ko kaya tumayo na kami at nagsimula na maglakad pauwi.

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now