5

81.6K 2.4K 383
                                    

PENELOPE



    DAHIL SA NANGYARI ay tatlong araw akong nagkulong sa kwarto, hinahatiran na lang ako ng pagkain ni Crizel.

"Iha..." Mabilis akong napaupo sa kama ng pumasok si Tita Hazel. "How are you?"

"Okay naman po." Ngumiti ako sa kanya. "Sorry po kung hindi ako lumalabas ah? Kahit po kasi pangit ako, gusto ko pa ring mag-inarte."

"Don't say that." Umupo ito sa tabi ko. "Alam kong may trauma ka, wag mong sabihing kaartehan yan and one more thing, you're not ugly."

"Ang totoo po natatakot na akong makipag-halubilo sa inyo, lalo na po kay Wyatt." Sabi ko. "Hindi ko po alam pero pakiramdam ko anumang oras ay may mananakit sakin."

"Penelope, ganon lang si Wyatt pero hindi siya nananakit ng babae, hindi ka niya sasaktan." Hinaplos nito ang buhok ko. "You know what, you remind me my past. Biktima ako ng arrange marriage, Wayne is not my first husband. Lagi akong sinasaktan ng asawa ko tiniis ko yun para sa Pamilya pero tumakas ako sa kanya nung napatay niya ang dinadala ko noon."

"Naging palaboy laboy hanggang sa mapadpad ako sa lugar na'to, Wayne saw me. Pinatuloy niya ako dito sa bahay niya at inalagaan, takot pa ako sa kanya noon pero pinatunayan niyang hindi niya ako sasaktan. Naging magkaibigan kami, tinulungan niya din ako para ma-annul sa asawa ko dati. After that he proposed at me, walang ligaw ligaw, lumuhod agad siya at inalok ako ng kasal and I said yes dahil may tiwala ako kay Wayne and look at now, we're happy."

"Sana po makahanap ako ng kagaya ni Tito Wayne." Nakangiting sabi ko. "Tuwing titingnan ko po si Tito Wayne, kitang kita ko po na mahal na mahal niya talaga kayo."

"I love Wayne so much."

"Ita-try kona pong magtiwala ulit, lalo na sa inyo at sa Pamilya n'yo po."

"Thank you Penelope." Niyakap ako nito ng mahigpit. I misse my Mother so much. "I baked cookies, tara sa kusina. Nandoon din sila."

"Sige po."

Magka-angkla kaming nagtungo ni Tita sa kusina. Nandoon nga silang lahat at kumakain ng cookies.

"Penelope, join us." Nakangiting sabi ni Tito Wayne." My Beautiful Wife, baked cookies for us."

"Nang uuto na naman ang gwapo kong Asawa." Humiwalay sakin si Tita at nilapitan si Tito Wayne tsaka ito nilambing

Para silang mga magulang ko, I remembered our happy moments, I wish I could back the time, gusto ko ulit makasama ang parents ko, gusto ko ulit maranasan ang paglalambing nila sakin. I miss our bonding moments, I miss their warm hugs.

"Penelope, why are you crying?" Tanong ni Wyandel.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. "I missed my Mom and Dad."

"Nasaan ba sila?" Tanong ni Tita. "Gusto mo silang makita? Sasamahan ka namin."

"They are dead." Malungkot kong sagot. "Namatay sila matapos kong ikasal sa asawa ko. Car accident."

"Sorry to hear that Iha." Sabi ni Tita. "Don't worry, ipaparamdam ko ulit sayo ang pagmamahal ng isang Ina–ang pagmamahal ng isang Pamilya."

"Thank you po Tita Hazel."

"May iba ka bang relatives na gusto mong puntahan?" Tanong ni Tito Wayne. "Gusto mo siyang puntahan?"

"I have Tito po, kapatid ng Daddy ko." Tugon ko. "Siya lang po ang may malasakit sakin."

"What his name? Ipapahanap ko?"

"Daniel Praisley po." Kita ko namang natigilan sila. "Pasensiya na po kung hindi ko napakilala ang sarili ko."

"Oh, you're the daughter of Fernando Praisley and Cecilia Praisley." Sabi ni Tita. "They are our friends."

"So, you're the heirs." Sabi ni Wyandro. "And the Wife of Marco."

"Ex Wife." Sabad ni Wyatt

"Hindi pa sila annul Kuya, wag kang desisyon." Nakangiwing sabi ni Wyavin.

"So?" Tumingin ito sakin kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.

"Ang sarap po ng cookies." Pag iiba ko ng usapan at sunod sunod na sumubo

"Dahan dahan." Saway sakin ni Crizel. "Tatamaan ka sakin."

"Mom, uuwi ako bukas sa bahay ko and Penelope will come with me." Nabulunan ako dahil sa sinabi ni Wyatt.

Agad naman akong inabutan ng tubig ni Crizel na agad kong ininom.

"Ang kulit mo kasi!" Sita sakin nito.

"Teka, bakit kasama pa ako?" Tanong ko kay Wyatt. "A-Ayoko."

"You will be with me for only one week, don't be OA." Malamig na sabi nito. "I need to monitor you."

"Monitor? Para saan?"

"Don't ask questions, just pack your things." Tumayo ito. "You'll come with me or else I will call Marco to get you."

Lumabas ito ng kusina.

"Sumama kana iha." Sabi ni Tita. "Wala rin kasi kaming magagawa kapag nagdesisyon na siya eh."

"Don't worry, he won't hurt you." Sabi naman ni Tito Wayne. "Let him beat his own game."

"P-Po?"

"Nothing." Ngumiti ito ng tipid.  "Kumain kana lang at aalis na kayo mamaya."

Tumango na lang ako.

Nang matapos ako ay bumalik ako sa kwarto namin ni Crizel at nagsimulang mag impake.

Bumukas ang pinto at iniluwal non si Crizel, tahimik itong umupo sa tabi ko.

"Wag kang mag isip ng kung ano ano, hindi ka sasaktan ni Wyatt, may tiwala ako sa kanya." Sabi nito

"Pero hindi kita makakasa–"

"–Diba ang sabi ko wag kang masanay na umaasa sa isang tao?"

"Hindi na po."

"Pero sana wag kang mahulog sa kanya." Seryosong sabi nito. "Wala akong tiwala kay Wyatt pagdating sa pag ibig."

"Wala naman akong balak mahulog sa kanya, baka kagaya lang din kasi siya ni Marco."

"Tama yan, hindi mo pa gaanong kilala si Wyatt." Ginulo nito ang buhok ko. "Malakas ang pakiramdam ko na marami siyang sikreto."

Nag-thumbs up lang ako sa kanya.

'Hinding hindi ako mahuhulog'








A/N: DIMO SURE

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon