25

91.6K 2.4K 673
                                    

PENELOPE



   LAST DAY na ng burol nila Tita kaya mas maraming tao, tumutulong na din akong umasikaso dahil busy din sila Kuya Wyandro.

Si Wyatt naman ay hindi pa rin lumalabas ng kwarto niya, sinubukan kong kausapin pero ang gusto niya lang daw ay mapag isa.

"Hindi pa din lumalabas si Wyatt?" Tanong ni Ezar kaya tumango ako

Isa siya sa mga kaibigan ni Wyatt

Kunot noong tinalikuran ako nito at nilapitan ang iba pa nilang kaibigan. Nag usap ang mga ito saglit bago maglakad patungong hagdan.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng sunod sunod na kalabog, bitbit ni Von si Wyatt sa kwelyo at hinila pababa. Kasunod nila ang iba pa nilang kaibigan

"What the fvck is your problem Vondechi!?" Galit na tanong ni Wyatt.

Gulo gulo ang buhok nito, namumula ang mga mata at malaki ang eyebags.

"Tangina ka eh!" Galit siyang dinuro ni Von. "Timawa ka kasi sa kalungkutan at pagdadalamhati!"

"You don't care about me–" Sinapak siya ni Von.

"Anong balak mo sumunod din kita Tita!?" Kinwelyuhan siya ni Von.

Yumakap naman ang dalawang bata sakin dahil na rin siguro sa takot.

"Gustong gusto ko."

"Gusto mo?" Hinila niya patayo sa kwelyo si Wyatt at pinaharap samin. "Tangina mo pala, kung gusto mo lang ring mamatay agad kahit hindi mo pa oras, dapat hindi kana gumawa ng dalawang bata! Sana hindi ka na lang nag-pamilya kung gusto mo ring mawala!"

Halatang natigilan si Wyatt habang nakatingin samin, sunod sunod na nagbagsakan ang mga luha nito at napaupo na lang.

"Aba, pinaiyak mo si Dade!" Hinubad ni Parsia ang suot niyang sapatos at binalibag sa muka ni Von. Sapul. "Sinuntok mo si Dade, yan tuloy umiyak!" Nilapitan nito si Wyatt at niyakap. "Gusto mo ikaw suntukin ko huh!?"

"Walang dudang Anak ka ni Wyatt." Napailing iling si Von. "Pahirapan mo 'yang Ama mo." Inirapan lang siya ni Parsia. "Attitude!"

Nilapitan din namin ni Paxton si Wyatt, umupo ako sa lapag at sinapo ang pisngi niya.

"Alam kong mahirap Wyatt, pero magpakatatag ka." Nginitian ko siya at pinunasan ang mga luha niya. "May natitira ka pang Pamilya, nandiyan pa si Paxton at Parsia, nandito din ako para sayo."

"I'm sorry for being selfish." Niyakap ako nito. "I'm sorry for my act, sorry Penelope.."

"Daddy, stop crying." Nanggigilid ang luhang sabi ni Paxton. "I hate seeing you crying."

"Tumahan kana nga Dade, ang pangit mo na nga eh!"

"Tahan kana daw sabi ni Maldita." Pinunasan ko ang mga luha niya.

"Mahal na mahal ko kayo." I just smiled to him and nodded.

Tumayo kami.

Binalingan ni Wyatt ang mga kaibigan niya. "Fvck you all."

"Mame, nagmura si Dade sampalin mo dali!." Sabi ni Parsia. "Hindi siya nagpaalam sayo!"

"Parsia, that's our way to say Thank you." Wyatt chuckled. "Imbis na Thank you, we say Fvck you."

"Ah.." Tumango tango ito at nakangiting bumaling sakin. "Fvck you Mame."

Napaawang na lang ang bibig ko at mahinang sinampal ang bunganga niya.

"Bakit!? Nag-te-thank you lang ako!" Maktol nito.

"Masama pa rin yun!" Sita ko sa kanya. "Para lang sa mga Dade mo ang salitang yun!"

Inis na sinipa ni Parsia si Wyatt sa binti. "Dahil sayo nasampal ako! Hmp!"

"Oh, sorry baby." Binuhat siya ni Wyatt. "Pero tama ang Mame mo para samin lang ang salitang yun, it's bad."

"Bad pala eh bakit pwede nyong sabihin?"

"No more question Parsia." Pinal na sabi ni Wyatt kaya napanguso na lang batang maldita at napairap.

Nasa ganoon kaming posisyon ng may dumating na hindi ko inaasahan. Nanghihina at nanginginig na napakapit ako kay Wyatt.

"Hon.." Lumapit si Persephone kuno kay Wyatt at humalik sa labi. "Sorry Hon kung nawala ako ng ilang araw, you know, our company need me."

"Condolence Mr. Campbell." Wika ni Marco na nakangising nakatingin sakin. "Hi Wife..miss you."

"H-hindi mo ako asawa." Mariing sabi ko. "Hindi kita asawa."

"Oo nga ang pangit mo para maging asawa ni Mame." Mataray na sabi ni Parsia. "Si Dade Wyatt ang asawa ni Mame."

"Bilis naman, nakabuo ulit." Natawa si Marco. "Ang gandang bata.."

"And one more thing, ako ang asawa ni Wyatt." Inirapan ni Persephone ang Anak ko. "We're married."

Napatingin ako kay Wyatt, seryoso din itong nakatingin sakin. Tangina, may nalalaman ka pang babawi at mahal, kasal ka pa lang gago ka.

"Bagay kayo." Kinuha ko si Parsia kay Wyatt. "Isang plastic at isang gago."

"You have no respect at me now little sister." Mapanuyang sabi ni Persephone.

Tumawa ako ng malamig. "I'm not your sister, you're not Persephone. Alam mo kung paano ko nasabi?" Napalunok ito. "Persephone doesn't like pink and hair color."

I smirked bago sila talikuran.

"Mame, totoo po ba yun yung Asawa ni Dade?" Tanong ni Parsia.

"Anong malay ko sa putanginang Tatay mo!" Hindi ko mapigilan ang inis sa boses ko.

"Lutong ng mura natin ah, daig pa lechon."

"Penelope." May humawak sa braso ko kaya inis ko itong nilingon. "Ipapaliwanag ko lahat–"

"–Wag na putangina mong malandi ka!" Galit kong sabi. "Kahit kailan malandi ka!"

"Pene–"

"–Ah leche ka, magbigti ka ng hinayupak ka!"

Binigay ko sa kanya si Parsia atsaka sila nilayasang mag ama.

Malandi!

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon