39

86K 2.2K 276
                                    

PENELOPE


     MAAYOS ANG OPERASYON ni Wyatt, muntik maputulan ng kamay pero buti na lang hindi.

"Dade, kailan ka lalabas ng Hospital?" Tanong dito ni Parsia. "Ilang araw kana dito, hindi kaba naiinip?"

"Bukas pa ako lalabas." Sagot sa kanya ni Wyatt. "Miss mo ba si Dade?"

"Opo." Tumango tango si Parsia. "Bilisan mo magpagaling ah? Pupunta pa tayo sa isa mo pang bahay."

"Opo Anak."

"Naka-impake na 'yang maldita mong Anak." Singit ko. "Excited ng pumunta sa vacation house mo."

"Gusto ko na ngang lumabas eh." Umusli ang nguso nito. "Gusto kona kayong makasama 24/7."

"Konting tiis na lang po, bukas ay uuwi kana."

Nasa ganon kaming eksena ng bumukas ang pinto at iniluwal non ang mga kaibigan niyang may dalang puting lobo at mga pagkain.

"Buhay kapa pala." Nakangising sabi ni Von. "Balloons for you."

"Tangina nyo, puting lobo? I'm not dead!" Wyatt glared at them.

"Arte mo, pasalamat ka nga ginastusan kapa namin eh." Sabi ni Rohan at umupo sa tabi ni Paxton.

"Kamusta naman ang pagtambay dito?" Tanong sa kanya ni Clode. "Sayang dapat pala nung inoperahan kita, pinutol kona kamay mo eh."

"Ang dadaldal nyo po." Sabad ng malditang bata at kinuha ang dalang cake ni Acer. "Ikain na lang natin yan."

"Parsia, wag makapal muka." Nakangiwing sabi ko. "Mahiya ka naman."

"Mame, bakit po ako mahihiya? Hindi naman sila kahiya hiya." Ngumuso ito. "Ang sarap kaya sa feeling ng pinaliligiran ng mga gwapo."

"Parsia!" Magkasabay na saway sa kanya ni Paxton at Wyatt.

"KJ nyo naman, ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-ga-gwapo eh!" Maktol nito. "Sa Isla kasi pangit mga tao, si Andy lang pogi tsaka yung mga poreyner na turista."

"Parsia, kumain kana lang." Sabi ni Paxton at inupo siya sa tabi nito. "Tama na muna yang pagiging madaldal mo, baka masampal ka ni Mommy."

"Hindi ako sasampalin niyan, masaya din yan kasi puro pogi dito." Nakangising sabi nito.

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ng kamay ni Wyatt sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, madilim ang muka nito.

"Wag kang magselos, kahit naman gwapo sila mas gwapo ka sa paningin ko." Nakangiting sabi ko. "Ikaw lang naman Mahal ko."

"Ako lang gwapo sa paningin mo?" Pigil ang ngiting tanong nito.

"Opo, bukod kay Daddy at Paxton."

"Isang lalaki na naman po ang nabakla." Hirit ni Lack. "Napagdaanan namin yan Wyatt, lahat tayo ganyan."

"Btw, what happened to Daniel and Marco's case?" Pag iiba ng usapan ni Wyatt. "Ano ng lagay?"

"Kulong." Nakangising sagot ni Shawn. "Wala na men, bagsak na sila."

Nabawi na ang company at kasalukuyang sila Mommy ang umaasikaso nun.

"Kasal na lang ang kulang sa inyo." Sabi ni Archer. "Kailan ba yan?"

Nag-init ang pisngi ko ng ngumiti sakin si Wyatt.

"After my recovery, pakakasalan ko agad si Penelope." Dinala nito ang kamay ko sa labi niya at hinalikan iyon. "Hindi kona pakakawalan ang babaeng ito, hirap kaya maghanap ng kagaya niya."

"Ganyan dapat, loyal lang tayo."

"Ganito po dapat." Sumabad na naman yung Maldita. "Kain tayo, inggitin natin si Dade na lugaw muna ang kinakain."

"Magandang idea yan Wyatt liit."

At ayun, kumain sila doon habang tinatakam si Wyatt na masama ang tingin sa kanila.

"Mom, kain kana din po." Alok ni Paxton.

"Wag na, dadamayan kona lang ang Daddy nyo baka umiyak eh." Natatawang sagot ko.

"Hon!" Ngumuso si Wyatt kaya hindi ko mapigilang hindi kurutin ang pisngi niya.

"Wag ka ng mag-inarte, kapag gumaling ka papakainin kita ng masarap." Malambing kong sabi

Ngumisi ito. "I want to eat you."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito, pasimple akong tumingin sa mga kaibigan niya, nakahinga ako ng maluwag dahil mukang walang nakarinig.

"Bunganga mo!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Kapag may nakarinig sayo!"

"Patay malisya ang mga yan, kinakain din ng mga yan ang mga asawa nila."

Mahina ko siyang hinampas na ikinatawa niya lang.

"Puro ka talaga kalokohan, parang Anak mo."

Pinagsiklop ulit nito ang mga kamay namin. "Hon, saan mo gustong ikasal?"

"Kahit saan." Ngumiti ako. "Gusto ko yung simple lang pero memorable."

"How about beach wedding?" Suhestiyon nito. "A simple but memorable beach wedding."

"Pwede rin." Tumango tango ako. "Isa din sa pangarap ko ang beach wedding, pero bago tayo ikasal gusto kong bisitahin muna natin si Ate Persephone."

"Yes, hihingin din natin ang blessing niya." Hinalikan ulit nito ang kamay ko. "Akin kana, wala ng pwedeng umagaw sayo. Mahal na mahal kita, kayo ng mga bata."

"Mahal din po kita Wyatt Campbell ang isang suplado at masungit na Mafia Boss."

"Mas mahal kita Penelope Praisley Campbell, ang isang supladang madaldal na House Wife ko."





A/N: MAHAL KITA SELF, ANG ISANG MALDITANG AUTHOR

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon