7

79.8K 2.3K 306
                                    

PENELOPE


    HANGGANG NGAYON gumugulo pa rin sa utak ko ang sinabi ni Wyatt, mahina na nga andar ng utak ko dinagdagan niya pa ng panibagong iisipin ko.

"Morning." Napaigtad ako ng bigla na lang may nagsalita sa likuran ko

Nandito ako sa garden at nagdidilig ng halaman, mahilig kasi ako sa mga plants at hilig kong diligan ang mga halaman ni Mommy.

"Why are you doing that? I have maid." Sabi nito

"Hilig ko kasi ito." Tugon ko

Napatango naman ito, kinuha niya ang cellphone niya at may-tinext ata.

"I have work, you want to come with me?" Tanong nito.

"Sige." Ngumiti ako sa kanya. "Wala rin naman akong gagawin atsaka nakakabagot dito."

"Okay.." Inakbayan ako nito habang papasok kami ng bahay.

Medyo nailang ako pero pinabayaan kona lang.

"Tapos pwede din ba bumili tayo ng mga makukulay na designs para sa bahay? Para naman hindi mukang malungkot tingnan yung bahay mo, tapos mag-grocery na din tayo kasi wala ka ng gaanong stock, tapos–" Napatigil ako sa pagsasalita ng makitang nakatitig siya sakin habang nakangiti. "B-Bakit?"

"Ang daldal mo pala." Umiling ito. "Change now, I'll wait for you here."

"Okay.."

Nagtungo na ako sa kwarto namin at nagbihis. Maayos naman ang naging tulog namin, hindi ko rin naman alam ang nangyari dahil nauna akong natulog sa kanya. Basta ng magising ako ay magkatabi na kami, yun lang.

After kong magbihis ay bumaba na ako, nadatnan ko si Wyatt na may kausap sa cellphone.

"I need more time, I will surely succeed with my plan." Tumingin ito sakin. "Okay bye.."

Binaba nito ang tawag at lumapit sakin.

"Let's go."

Sabay kaming lumabas ng bahay at sumakay ng sasakyan niya.

Napatunayan kona hindi naman pala masama si Wyatt, mabait siya hindi lang halata, medyo masungit pero minsan lang naman. Palagi mang seyoso ang muka niya, ngumingiti naman minsan.

Maya Maya pa ay huminto kami sa isang mataas na building na may naka-ukit na WC CORP.

"Ito yung company mo?" Tanong ko na ikinatango niya lang

Bumaba siya kaya bumaba na din ako, binalibag niya yung susi ng kotse niya sa isang lalaki bago ako hilahin papasok sa loob

"Good morning Sir."

"Good morning po."

"Magandang umaga Sir."

Kanya kanyang bati sa kanya ang mga empleyado niya pero snob lang siya at dire diretso sa elevator..

"Bakit hindi mo sila binati man lang?" Tanong ko

"Why would I? I'm their boss." Walang emosyong sagot nito

"So? Hindi porket boss ka hindi mona sila babatiin, alam mo bang mas tumatatag ang kumpanya kapag magkasundo ang amo at tauhan?" Tumaas ang isang kilay niya. "Si Daddy ko at Mommy, mabait sa mga tauhan niya."

"Okay."

Bumukas ang elevator, nauna siyang lumabas kaya sumunod na lang ako.

"Follow me Helen." Sabi nito sa isang babaeng nakaupo sa tapat ng pinto niya. "What's my schedule?"

"You have meeting to Mr. Meneses at 9:30 AM, lunch meeting to Mrs. Tan at Chinese restaurant near here and meeting to the CEO of Praisley Corp. Mr. Aquino."

Napatingin sakin saglit si Wyatt bago balingan ng tingin ulit ang secretary niya.

"Okay, go now." Sabi lang nito

Yumuko muna ang secretary niya bago lumabas.

"Feel na feel ng asawa mo ang pagiging CEO." Nakangising sabi nito. "Baka kapag nagtagal yun, mapatalsik kana bilang tagapagmana?"

"That will never be happen, sakin naka-pangalan ang lahat ng mana." Sabi ko. "Walang makukuha si Marco na kahit singko, kahit asawa ko pa siya."

"I think you need to face them." Sumeryoso ang muka nito. "You need to get what's really yours."

"Kailan kopa ng konting panahon." Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Gusto ko munang pagalingin ang sarili ko."

"Okay, I will help you to that." Ngumiti ito at tumayo. "Wait me here, I have meeting."

Tumango lang ako. Dire diretso itong lumabas, dahil wala akong magawa ay nagtingin tingin ako sa mga gamit niya.

Naagaw ng atensyon ko ang isang picture frame na nakatago sa drawer ng mesa niya. Si Wyatt yun at may katabi siyang babaeng maganda, nakangiti silang pareho at nakataas ang tig-isang kamay, pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang singsing sa daliri nila.

Ewan ko pero parang may kumurot sa puso ko dahil sa nakita ko.

Tinalikod ko ang frame at may nakasulat doon

'Persephone, you're the woman that I love the most, can't wait to marry you and see our child.'

-WYATT

'Ikaw ang pinaka-magandang nangyari sa'kin, masaya akong maging asawa mo. I'm excited to see our little version.'

-PERSEPHONE

May nakita pa akong isang envelop na nakaipit sa isang notebook, agad ko iyong kinuha at tiningnan ang laman.

Isang ultrasound picture. A picture of 3 months baby at sigurado akong ito ang tinutukoy ni Wyatt at Persephone.

They have  child...

"Why are you fvcking holding that!?" Napaangat ako ng tingin ng may magsalita.

Si Wyatt at kasunod nito ang mga kaibigan niya. Galit na lumapit sakin si Wyatt at hinila sa kamay ko ang frame at ultrasound picture.

Dahil sa paghila niya ng frame ay nasugatan ang kamay ko at napunit ang ultrasound picture.

"No, no, my baby." Inagaw niya sakin ang kaputol ng ultrasound picture at pinagdikit iyon. "No, my baby!"

"S-Sorry."

Sinubukan ko siyang hawakan pero mabilis niya akong tinabig

"YOU FVCKING TORE MY BABY'S PICTURE!" Galit na sigaw nito. "TANGINA!"

"Sorry, Wyatt hindi ko sinasadya." Naiiyak kong sabi. "Sorry talaga."

"You fvcking stupid!" Inamba nito ang kamay niya ng sampal kaya napapikit ako. "Fvcking leave Penelope."

Mabilis akong napadilat. "W-Wyatt.."

"FVCKING LEAVE!" Galit na sigaw nito at tinuro ang pinto. "Ipapasundo kita sa tauhan ko, ayaw kitang makita muna."

Biglang pumatak ang mga luha ko, tumango na lang ako at lumabas ng opisina niya.

"Miss, anong nangyari?" Tanong ng secretary niya. "nagalit si Boss sayo?"

Tumango lang ako bago dire diretsong naglakad papasok ng elevator.

Umupo ako sa ground floor sa may waiting area, doon kona lang hihintayin ang sundo ko.

Nagi-guilty ako na nasasaktan, hindi ko naman talaga sinasadya, pero naiintindihan ko si Wyatt. Napatingin na lang ako sa kamay kong may sugat at nagdurugo.

Nasa ganon akong posisyon ng bigla na lang may humawak sa kamay kong nagdurugo. Napaangat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko ng makilala siya...

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon