29

90K 2.4K 473
                                    

PENELOPE



     "WOW, LAKI NG BAHAY MO DADE!" Tuwang tuwa sabi ni Parsia. "Hanep po yung swimming pool nyo may falls."

"It's not swimming pool." Natatawang sabi ni Wyatt. "It's fountain baby, nasa likod ang pool ko."

"Ganon na din yun Dade, parehas naman may tubig."

"Let's go inside Parsia, I will tour you." Sabi ni Paxton

Tumakbo naman yung dalawa papasok ng bahay.

"Mas gumanda bahay mo." Sabi ko. "Ilan na nadala mong babae dito?"

"Apat." Sagot nito na ikinakunot ng noo ko. "Ikaw, si Mommy, si Wyana at si Parsia."

"Eh si pekeng Persephone?"

"Never." Umirap ito. "Sampalin ko pa yun sa harap mo eh."

"Taray."

Pumasok kami sa loob ng bahay, wala namang masyadong nagbago.

"Dito natin gagawin yung magiging baby pa natin." Nakangising sabi ng katabi ko. "Soundproof kwarto ko."

"Namo!" Hinampas ko siya sa braso. "Tumigil ka sa kamanyakan mo baka masapak kita."

"Naglalambing lang eh, sungit."

"Nanlilibog ka gago!"

"Masyadong mainit ang ulo ni Misis sakin.."

Inirapan ko lang siya at mabilis na tinalikuran, ayokong makita niya ang pagngiti ko, hindi niya ako pwedeng makitang Marupok.

"Mame, ang laki ng kwarto ko po dito." Nakangiting sabi ni Parsia. "Maraming laruan at damit po doon."

"Happy kana niyan?"

Umirap lang ito bago balingan si Wyatt. "Saan matutulog po si Mame? Ilagay nyo po siya sa bodega ah?"

Aba't!

"We will sleep in one room baby." Sagot ni Wyatt dito na ikinalaki ng mga mata ko.

"Hoy, anong one room? Baka gusto mong sumabog muka mo!"

"Easy Hon, hindi kita gagapangin." Ngumisi ito. "Pero kung gagapangin mo ako pwedeng pwede."

"Bakit mo po gagapangin si Mame? Ahas kaba?" Inosenteng tanong ng maldita.

"Dad, Mom don't talk adult staff in front of us." Singit ni Paxton. "Especially in front of my sister."

"Sorry my young man." Natatawang sabi dito ni Wyatt. "Let's go to kitchen, nagpahanda akong meryenda."

Nagtungo kami sa kusina, may cake at spaghetti na nakahain, sa tapat ng isang plato ay may bulaklak at chocolates.

"You will sit here beautiful." Inalalayan ako paupo ni Wyatt sa mayroong bulaklak at chocolates. "I bought flower and chocolates for you."

"Salamat." Pigil ngiting sagot ko.

"So? Siya lang binilhan mo po?" Nagtatampong tanong ni Parsia. "Ang daya, siya lang sinuyo!"

"Wag ka ng magtampo, binilhan kita ng maraming chocolate." Pang uuto dito ni Wyatt. "Nasa ref."

"Thank you Dade."

Inggiterang maldita reh.

Nagsimula na kaming kumain.

"Dade bakit may cake at spaghetti po? Sino may birthday?" Tanong ni Parsia.

"I just want to celebrate." Tugon ni Wyatt. "Kasi nasa akin na kayo ng Mommy mo."

"Buti pa ito hindi panis, yung kapitbahay po namin sa isla magbibigay na lang ng handa hindi pa masarap."

Napakadaldal!

"Baby don't say that." Saway sa kanya ni Wyatt. "Dapat kahit ano pang binigay sa'tin, matuto tayong magpasalamat."

"Nagpasalamat naman ako po." Tugon nito. "Sabi ko 'salamat po, sana sa susunod sarapan nyo ang luto."

Natatawang umiling na lang si Wyatt.

"Diba, hindi ka rin makapaniwala sa ugali ng maldita mong Anak." Inismiran ko siya. "Matabil masyado ang dila."

"Nakuha niya nga pagiging madaldal mo eh."

"At kagandahan." Dugtong ko

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso kami sa sala, binuksan ni Wyatt ang T.V

Nanonood kami ng biglang pumasok ang mga kaibigan ni Wyatt na mukang papatay ang awra pero mabait naman.

"Dade, ang pogi nila." Malantod na sabi ni Parsia

Mabilis ko namang pinitik ang bunganga niya. "Wag kang malantod!"

"What y'all doing here?" Masungit na tanong ni Wyatt

"Sama ng ugali mo." Sabi ni Karson. "Masama bang bisitahin ka?"

"Upo po kayo Ninongs." Sabi ni Paxton kaya nagsiupo sila.

"Ninong?" Ngumuso si Parsia. "Bakit ako walang Ninong pa?"

Napatingin sakin si Wyatt. "Hindi pa siya binyag?"

Umiling ako. "Hindi pa, wala akong pera eh."

"When is her birthday?"

"April 2."

"Pabibinyagan natin siya sa araw ng birthday niya." Kinandong nito ang nakangusong maldita. "Magkaka-Ninong kana, okay?"

"Okay po."

"Anong naka-register na apelido sa kanya?" Tanong ni Wyatt.

"Campbell." Napakagat ako ng labi at umiwas ng tingin. "Parsia Wyatt Campbell ang pangalan niya."

"R-Really?"

"Ka-ugali na, kapangalan pa." Natatawang sabi ni Colm. "What a perfect combination."

"Shut up!" Inirapan siya ni Wyatt. "Wag nyong inaasar ang Anak ko."

"Tama, wag nyo akong asarin." Umirap din ang maldita. "Hindi inaasar ang magaganda."

"Nasosobrahan kana sa kahanginang maldita ka." Sabi ko dito

"Bakit ayaw mo akong kampihan? Hindi mona ba ako Anak?" Pagda-drama nito kaya binatukan ko siya. "Aray! Dade si Mame oh!"

"Ang arte mo kahit kailan."

"Maganda naman, ikaw pangit!"

"Pangit? Ede pangit ka din kasi ako Mame mo."

"Ah basta pangit ka!"

"Malditang bata hmp!"

Inirapan namin ang isa't isa at tinalikuran.

Pangit pala ah, hindi kita papansinin.

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon