6

79.6K 2.7K 670
                                    

PENELOPE



     ANG LAKI NG BAHAY ni Wyatt, mas malaki pa sa bahay namin pero parang ang lungkot ng atmosphere, parang may kulang.

Marami siya katulong at mga bodyguards kaso hindi yata nila alam ang salitang ngiti. Poker face lang lahat sila parang si Wyatt

"Berna.." May lumapit samin isang katulong. "Bring her things to my room."

Kinuha naman sakin nung babae yung bag at umalis.

"Iisa lang kwarto natin?" Tanong ko kay Wyatt at tipid na tango lang ang sinagot nito. "P-Pwede bang sa ibang k–"

"–No." Putol nito sa sinasabi ko. "We will sleep in one room."

"Bakit mo ba ako sinama dito?" Tanong ko

Napapikit naman ito na parang nagpipigil ng inis kaya bahagya akong napaatras. Malay ko bang bigla na lang niya akong barilin

"Can you stop asking question!?" Iritang sabi nito. "And stop talking."

Umupo ito kaya tahimik lang din akong umupo. Ano yun? Isang linggo lang kaming ganito? Hindi ko yata kakayaning, hindi maging madaldal–

"Why are you not talking?" Kunot noong tanong nito kaya napangiwi na lang ako

"Lakas ng amats mo hehe." Nginitian ko siya ng peke. "Sabi mo tumahimik ako."

"Ask question."

Sarap niya pong batuhin ng tsinelas hehe.

"Bakit mo ako sinama dito?" Tanong ko

"I don't know." Sagot lang nito

"Ang ganda ng bahay mo." Nilibot ko ang paningin ko. "Mas malaki pa ito kaysa sa bahay namin, kaso parang ang lungkot.."

"The source of happiness in my house is gone." May dumaang lungkot at galit sa mga mata niya na agad ding nawala.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko

"I am."

"Hindi ka okay, nararamdaman ko ang lungkot at galit mo. Alam mo Wyatt minsan hindi masamang ipakita ang tunay mong nararamdaman kasi hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan malakas ka." Umiwas ito ng tingin. "Pinapakita mo ngang malakas ka pero dahil doon lalo kang nadudurog."

"I don't want to show my real emotion, I need to be strong in front of everyone even I'm not."

"Mabigat ang dinadala mo."

Ngumisi naman ito ng makahulugan. "Well, mabigat talaga because it's big."

"Huh?" Ano daw? Parang iba na ang sinasabi niya eh

"Nothing."  Umiling ito at tumayo. "Go upstairs, I have visitors."

"Teka, saan kwarto mo?"

"Last room, black door."

Tumango na lang ako bago umakyat sa itaas. Mabilis ko namang nahanap ang kwarto niya dahil nag iisang black lang ang pinto.

Malaki ang kama ni Wyattt, malinis din at mabango, naghahalo ang amoy ng downy at amoy niya. May malaking veranda din siya.

Dahil medyo madilim ay binuksan ko ang kurtina at sliding door ng veranda. Humiga ako sa kama at pumikit hanggang sa makatulog ako

Nagising ako at alas seven na ng gabi, nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba na ako kaso wrong move dahil maraming tao at lahat sila ay nakatingin sakin.

"Babe, who is she?" Tanong nung isang babaeng halos wala ng suot kay Wyatt. "Maid?"

Kumandong ito paharap kay Wyatt at gumalaw galaw kaya napangiwi na lang ako.

"Can you get us Ice?" Malamig na utos nung isang lalaki

"She's not maid." Walang emosyong sabi ni Wyatt at tinulak paalis sa kandungan niya yung babae. "I told you stay in my room."

"N-Nagugutom na kasi ako." Sagot ko

"Okay.." Lumapit ito sakin. "Follow me."

Nauna itong maglakad kaya sumunod na lang ako.

"Sit, I'll prepared food for you." Sabi nito kaya agad akong umupo

Pinagmasdan ko lang siyang gumalaw, ang gwapo pala talaga niya, may nakakatakot siyang awra pero kapag kasama mo siya mararamdaman mong lagi kang ligtas.

"Stop staring at me." Lumingon ito sakin kaya tumingala ako

"Ang dami mo pa lang alagang butiki." Biglang sabi ko.

"There's no lizard here." Dinig ko ang pagpipigil nito ng tawa kaya napakagat labi na lang ako dahil sa hiya

Daming idadahilan, butiki pa talaga

"Eat now." Sabi nito at umupo sa kaharap kong upuan

"Hindi kaba babalik doon?" Nagsimula na akong kumain. "Okay na ako dito, balikan mona yung mga kaibigan mo."

"They will be fine without me." Tugon lang nito. "Just continue eating, you're so thin."

"Nagkalaman na kaya ako."

"Medyo nagkalaman na nga." Nakatingin ito sa dibdib ko. "Pero mas maganda kung madagdagan pa yan."

"Heh, bastos." Inirapan ko siya. "Bumalik kana nga lang doon, hinihintay kana sigurado nung babaeng kamuka ng pinsan kong malantod na haliparot na kabit na pangit."

"It sounds like you're jealous." Ngumisi ito

"Jealous? Bakit ako magseselos? Nagsasabi lang ako ng totoo, wag kang feeling masyado."

"That girl is Jean." Pakielam ko?. "She's one of my fubu, she's beautiful and sexy."

"Hindi siya maganda, maputi lang, hindi rin siya sexy, para nga siyang kawayan kapag nakatayo eh, pantay lahat."

"You know what." Dumukwang ito na ikinagulat ko. "Stop being jealous, maybe she's my fubu but you're my favorite woman."

"H-Heh, tigilan mo ako." Bahagya kong nilayo ang muka ko sa kanya. "Kumakain ako."

"Fine, I won't come near to other woman again." Umayos ito ng umupo. "But be my woman."

"H-Huh?"

"I don't want you to be my sister Penelope." Seryosong sabi nito. "I want you to be my Obsession."

"Iwasan mo ang paghithit ng katol." Tanging nasabi ko.

"Since I laid my eyes on you, you're mine now." Dumukwang ulit ito sakin at hinawakan ang pisngi ko. "And I won't let any man to get you away from me, you're mine Penelope, only mine."

"You're Wyatt Campbell's Obsession.."

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon