35

84.7K 2.4K 402
                                    



PENELOPE



        "MAGANDANG UMAGA MOMMY." Mabilis ko silang hinalikan sa pisngi. "Ang gandang umaga nito ngayon, kasama kona po kayo."

"We're happy too baby." Ngumiti si Mommy. "Pero mas masaya siguro kung nandito ang Ate mo."

"Oo nga po." Bigla akong nalungkot. "I miss Ate so much."

"I'm sure masaya na si Persephone kung nasan man siya." Inakbayan kami ni Dad. "We will visit Persephone kapag pwede na."

Parehas lang kaming tumango ni Mommy.

"Oh btw, pinakielaman kona ang kusina ni Wyatt." Ngumiti si Mommy ng malawak. "I cook breakfast for us."

"Tawagin ko lang po yung tatlo." Tumango lang sila kaya pinuntahan kona sa taas yung mag-a-ama.

Nasa C.R kasi sila nung bumaba ako, sabay sabay silang naghilamos at nag-tooth brush.

"Tapos na kayo?" Tanong ko ng makapasok ako ng kwarto.

Tumango silang tatlo, lumapit sakin si Parsia na nakapusod na.

"Mame, buhat po." Tinaas nito ang dalawang kamay niya kaya agad ko siyang binuhat. "Mame sabi ni Dade pupunta tayo sa isa niya pang bahay kapag nahuli na daw yung mga pangit."

Bahay?

Napatingin ako kay Wyatt. "Remember my vacation house?"

Umiwas ako ng tingin at namumulang tumango.

"Nakapunta kana doon Mame?" Tanong ni Parsia.

"Oo." Doon ka nabuo Nak. "N-Nagluto sila Mommy, tara na."

Lumabas kami ng kwarto at nagtungo sa kusina, nadatnan naming naglalambingan sila Mommy.

"Aysus, lantod din po parang si Mame at Dade." Sabi ng batang maldita na ikinatawa lang nila Mommy.

"Good morning sa gwapo at maganda kong apo." Bati ni Mommy.

"Good morning din po lola." Paxton

"Magandang umaga din po." Agad umupo si Parsia. "Wow, mukang masarap."

"Syempre naman, pinaghandaan ko yan."

Nagsimula na kaming kumain. Nakakamiss ang luto ni Mommy.

Naalala ko tuloy noon na tuwing may picnic kami at si Mommy ang nagluluto ay laging simot ang pagkain, wala kaming sinasayang na kahit isang butil ni Ate.

"PENELOPE!"

Nagkatinginan kami ng may marinig kaming sigaw.

"PENELOPE LUMABAS KA DIYAN!"

"Si Marco.." Bulalas ko

"IBALIK MO SAKIN ANG COMPANY, HINDI PWEDENG MAWALA YUN SAKIN!"

"Istorbo na naman!" Sabi Parsia at mabilis na tumalon pababa ng upuan tsaka tumakbo palabas.

Agad naman namin siyang sinundan. Kahit kailan talaga yung maldita na yun.

"IKAW NA NAMAN!? KAHAPON INISTORBO MO PAGTULOG NAMIN TAPOS NGAYON UMAGAHAN NAMAN NAMIN!" Sigaw ni Parsia kay Marco. "WALA KA BANG IBA PONG GINAGAWA SA BAHAY NYO HUH!?"

"Wag kang makielam dito bubuwit ka!" Galit siyang dinuro ni Marco.

"Wag na wag mong dinuduro ang anak ko!" Galit kong sabi

Napatingin sakin si Marco at biglang umamo ang muka. "Penelope, usap naman tayo oh."

"Wala kayong pag uusapan." Matigas na sambit ni Wyatt.

"Wag kang makielam! Usapan namin 'tong mag asawa!"

Napatawa ako ng pagak. "Asawa mona ako ngayon? Diba dati masahol pa sa alagang aso ang turing mo sakin? Halos diring diri kang tawagin akong asawa noon pero ngayong walang wala kana at bagsak kana asawa mona ako?"

"Patawarin mona ako Penelope sumama kana sakin, bumuo tayo ng masayang Pamilya." Nilahad nito ang kamay niya. "Tara na."

Lumapit sa kanya si Parsia at may inilapag na bato sa palad nito. "Ayan, lunukin mo po tapos sigaw kang Darna."

Bumangis ang itsura ni Marco kaya agad tumakbo sa likuran ko si Parsia. Puro kalokohan!

"Ano mas pipiliin mona ang gagong Campbell na yan!?" Dinuro nito si Wyatt. "Iyang lalaking gumahasa sayo huh!?"

"Hindi niya ako ginahasa." Naalala ko rin noon kung paano namin ginawa si Paxton. "Lumabas ka ng kwarto samantalang nag-eenjoy kami."

Hindi totoong ginahasa ako ni Wyatt dahil nagustuhan ko rin...sherep keye

"Mame, gutom na ako." Reklamo ni Parsia. "Paalisin nyo na yan."

"Okay baby." Malambing na sabi ni Wyatt.

Seryosong nitong nilapitan si Marco at walang kahirap hirap na kinaladkad palabas ng gate. Tinadyakan niya ito at nilock ang gate.

"Wag na wag nyo na ulit papapasukin yan kahit anong mangyari." Seryosong sabi nito sa guard niya na agad tumango.

"Tara na."

Dinig pa namin ang sigaw ni Marco pero nagpatuloy na lang kami sa pagpasok ng bahay.

"Mame sabi niya sakin kanina magbabayad daw kayo." Sabi ni Parsia. "Magkano ba utang mo sa kanya?"

"Baliw lang ang lalaking yun." Tugon ko. "May saltik yun."

"Bakit mo pinakasalan?" Ngumiwi ito. "Ede ibig sabihin may saltik ka din?"

"Nako Parsia napaka-bruha mo!" Gigil kong sabi. "Tumahimik kana baka masampal na talaga kita?"

"Mom!" Inis na sabi ni Paxton. "You promised me! Hindi mo sasaktan si Parsia physically!" Hinarap nito si Parsia. "Tumahimik kana Parsia ang ingay mo!"

Sabay kaming napatikom ng bibig ni Maldita.

Nagalit na si Tatay Paxton

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Where stories live. Discover now