21

98.1K 2.4K 420
                                    


PENELOPE


      FIVE AM pa lang ay gising na ako, gagawa kasi ako ng souvenirs para maibenta, sila Wyatt at Andy naman ay naghahanda dahil papalaot sila.

Sila Tita Hazel naman ay umuwi na kahapon sa Manila dahil may mga business silang tatapusin, pero babalik naman daw sila next week para bumawi.

"Alis na kami." Paalam ni Andy. "Baka gabihin na din kami, nagbaon na kasi kami ng tanghalian."

"Mag iingat kayo." Sabi ko. "Narinig ko sa radyo kanina na baka umulan, umuwi kayo kapag paulan na ah?"

"Opo."

Naunang lumabas si Andy.

"I'll go now." Paalam ni Wyatt pero hindi ako kumibo. "Just take care our children."

Tumango lang ako. Napahinga ito ng malalim bago lumabas

Nagpatuloy na lang ako sa paggawa ng souvenirs. Six thirty na ng matapos ako, saktong kagigising lang din ni Parsia at Paxton.

"Morning Mama." Nilapitan ako ni Paxton at hinalikan sa pisngi. "Where's Daddy po?"

"Pumalaot." Sagot ko kaya napatango siya.

"Mame, ano po pagkain?" Tanong ni Parsia. "Pandesal?"

"Oo, bumili si Andy kanina." Tumayo ako at nagtungo sa kusina. "Gusto nyong gatas?"

"Opo." Sabay na sagot nila.

Nagtimpla ako ng dalawang basong gatas, kinuha ko din ang pandesal bago bumalik sa sala. Nadatnan kong nakaupo ang dalawa at nagmumuni-muni

Magkamuka nga talaga sila, pwede na silang kambal.

"Mame, uulan yata." Pagkasabi ni Parsia ay biglang bumuhos ang ulan

Hindi naman malakas kaso yung hangin ay malakas. Nag aalala ako para kila Andy, sana bumalik na sila. Delikado ngayon

"Sandali lang ah."

Tumayo ako at sinara ang pinto, pati nga bintana ay sinara ko dahil umaanggi. Nilagyan ko din ng mga palanggana ang tapat ng mga butas ng bubong namin.

"Pumalaot pa sila Andy?" Tanong ni Tatay na kalalabas lang ng Kwarto. "Aba'y umuulan."

"Baka po pabalik na sila." Sagot ko

Tumango lang si Tatay.

Unti unting lumakas ang ulan at hangin na sinamahan na ng kidlat at kulog. Medyo kinakabahan na ako dahil baka napano na sila sa dagat.

"Mommy, bakit wala pa sila Daddy?" Tanong ni Paxton na nakayakap sa bewang ko.

"Malapit na yun." Sabi sa kanya ni Parsia.

Naghintay pa kami ng ilang oras, dumating ang tanghalian ay walang umuwi hanggang sa sumapit ang gabi. Mas lalong lumakas ang ulan, pakiramdam ko liliparin na yung bahay namin.

Unti unting namumuo ang luha ko dahil sa pag-aalala, bigla akong nabuhayan ng loob ng bumukas ang pinto at iluwal non si Andy na basang basa.

Nakasampa sa balikat niya si Wyattt na walang malay at duguan

"Anong nangyari?" Alalang tanong ko

"Tumaob ang bangka namin, noong pauwi na kami" Hiniga nito sa upuang kahoy si Wyatt. "Tinangay ako ng alon pero hindi niya ako binitawan, pino-protektahan niya ako sa mga bato kaya nangyari sa kanya yan."

"Kumuha ka ng gamot Andy." Hinubad ko ang damit ni Wyatt.

Puro pasa siya at sugat.

"Mommy, okay lang si Daddy ko diba?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Paxton

"Malakas yan." Kita ko ang panggigilid ng luha ni Parsia. "Babawi pa yan sa amin."

Ginamot ko ang mga pasa at sugat ni Wyatt. Nang matapos ko siyang gamutin ay nilipat siya ni Andy sa kwarto namin nila Parsia.

Kailan ko siyang bantayan atsaka mas komportable dito sa kwarto namin dahil may foam.

"Matulog na kayo." Sabi ko sa dalawa matapos ko silang suotan ng jacket. "Ako magbabantay sa inyo at Daddy nyo."

Tumango lang ang dalawa at humiga. Binantayan ko sila lalo na si Wyatt pero hindi kinaya ng antok ko kaya nakatulog ako

"Kasalanan ko ito eh.." nagising ako ng may narinig akong umiiyak.

Madilim pa sa labas at malakas pa din ang ulan. Napatingin ako kay Parsia na nakaupo sa gilid ni Wyatt at umiiyak.

"Sorry ah?" Kausap nito kay Wyatt. "Wag kang mamamatay ah? Hindi kapa nakakabawi sakin tsaka kay Mame, gusto ko pa pumunta sa Manila..Sorry na kung dahil sakin nasa ganyan kang kalagayan."

"Wala kang kasalanan.." Biglang nagsalita si Wyatt at dinilat ang mga mata niya. "It's my choice Parsia, gusto kong bumawi sa inyo ng Mommy mo, sa katunayan kulang pa nga itong natamo ko eh."

Nakatingin lang ako sa kanila at pinakikinggan ang mga sinasabi nila.

"I hurt your mother so much Parsia,  sinira ko ang tiwala niya sakin." Dagdag pa nito. "Tama ka hindi ko kayo deserve ng Mommy mo."

"Susuko kana agad?" Pinunasan ni Parsia ang mga luha niya. "Hindi mona kami susuyuin? Iiwan mona ulit kami?"

"No, hindi ko kayo iiwan."

"Mahal mo ba si Mame ko?"

"Yes, I love her so much."

Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ay ang pagkirot din nito.

"Hindi nawala ang pagmamahal ko sa Mommy mo.."

"Yun naman pala eh, gawin mo ang lahat para maging love ka din ni Mame ko.."

"Boto kana sakin?" Ngumisi si Wyatt sa Anak niya.

"Medyo, pahihirapan pa din kita noh." Inirapan siya ng Anak niya. "Dapat si Mame lang ang love mo ah? Gusto ko ng kumpletong Pamilya."

Tumulo na lang ang luha ko dahil sa sinabi ni Parsia.

Kumpletong Pamilya..

Sorry Anak malabo na, kaya ko siyang tanggapin pero hanggang Ama nyo na lang ni Paxton, hindi na hihigit pa doon. Alam kong selfish ang desisyon ko pero nasaktan ako eh

Mapapatawad ko siya pero matagal pa, kung sana noon niya pa na-realize na mahal niya din ako ede sana masaya tayo. Pero huli na siya. Hanggang ama nyo na lang siya.

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon