28

92.5K 2.3K 314
                                    


PENELOPE


   "WOW, GANITO PALA ITSURA NG MALL!" Manghang manghang sabi ni Parsia habang nililibot ang paningin niya. "Grabe ang laki, ang daming tao, ang daming mga tinda."

"Parsia, wag masyadong malakas ang bunganga, parang galing kang bundok." Sabi ko dito

Umirap ito. "Sa isla ako galing po, hindi sa bundok."

"Baby, saan mo gustong pumunta?" Malambing na tanong sa kanya ni Wyatt

"Sakto gutom po ako, gusto ko kumain sa jollibee." Ngiting ngiting sabi nito. "Lez go Dade."

Putok na lahat ang nguso at may sugat sa noo napaka-hyper at daldal pa rin. Ibang klaseng bata

Kagaya ng sabi ng batang maldita, nagtungo kami sa Jollibee. Umupo kami samantalang si Wyatt ay nag-order sa counter

"Mame, sino yung matabang pangit na nakatayo sa labas?" Tanong ni Parsia. "Yung kulay red na may pakpak at malaki puwet."

"Parsia, siya si Jollibee." Si Paxton ang sumagot. "He's not ugly, he's cute."

"Ang pangit kaya, kamuka niya Nanay ni Carla."

"Parsia, tumahimik ka." Saway ko dito. "Ang ingay mo."

"May nagsasalita po bang tahimik?" Pamimilosopo nito na may kasamang irap.

Sarap sapukin!

Dumating si Wyatt, kasunod nito ang tatlong crew na may dalang tig-da-dalawang tray.

"Ang dami naman." Nakangiwing sabi ko. "Grabe bibitayin ba kami? Hehe."

"Mame, timawa ang maganda mong Anak kaya mauubos ko lahat yan." Nag-flip hair ang maldita at nagsimula ng kumain.

Kumain na lang din ako habang pinanonood si Maldita na akala mo isang taon hindi pinakain. Todo asikaso naman sa kanya si Wyatt

Hindi ko naman masisisi ang Anak ko, sa ilang taon namin sa isla puro lamang dagat ang kinakain namin dahil wala kaming pera. Ilang beses lang kaming nakapag-manok at baboy.

Lagi siyang iniinggit ng mga kalaro niya na madalas ay may pasalubong na jollibee galing sa mga magulang nila. Sinubukan ko namang pag ipunan pero hindi talaga kaya dahil kapos na kapos kami, nakakahiya namang manghingi kila Tatay.

Buti na lang maintindihan siya kahit maldita at matabil ang dila.

"Mame, alam ko pong maganda ako pero hindi nakakabusog ang kagandahan ko." Mahanging sabi nito na ikinangiwi kona lang

"Sa susunod dila mona ang mamamaga." Sabi ko pero irap lang ang sinagot nito

"Eat a lot too Penelope." Sabi ni Wyatt. "You're so thin."

Thin? Adik ba siya? Medyo mataba nga ako eh, dala na rin ng panganganak ko.

"Paxton, bakit hindi mo kinakain yung french fries?" Takang tanong ko

"Mom, I'm allergic to potato." Sagot nito. "Like Dad."

"Sige, ako na lang kakain nito." Nilayo ko sa kanya yung french fries

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso kami sa isang botique na may magaganda at mamahaling damit.

"Gusto ko nito Dade!" Inangat ni Parsia ang isang dress na kulay pula. "Cute niya."

"Limited edition po ang dress na yan." Sabi ng isang sales lady. "Bale, may couple po yan na para kay Mommy."

"I will buy that dress." Ani Wyatt. "Make sure the couple, will suit to my Wife."

"Yes sir." Umalis yung saleslady

Sinamaan ko naman ng tingin si Wyatt at siniko sa tiyan. "Wife ka diyan!"

"Kunwari pa." Sabad ni Maldita

Sasapukin ko sana siya pero dumating na yung saleslady dala yung dress. Inabot niya ito sakin na agad ko namang kinuha

Maganda yung dress, may ribbon sa bewang at makikinang na design.

"Dad, dapat tayo din." Sabi ni Paxton.

"Miss, give me father & son shirt color red."

"Yes sir."

Kumuha ng t-shirt yung saleslady na kulay red din, FAMILY SHIRT

After naming bumili ng sandamakmak na damit ay dumiretso kami sa bilihan ng laruan.

"Dade, gusto ko po nito." Tinaas ni Parsia ang isang malaking frozen doll.

"Just put all you want in the basket." Malambing na sabi ni Wyatt at tuwang tuwa naman si Maldita. "How about you honey? Want some toy?"

Napairap ako. "Gago, muka ba akong bata?"

"Not these toys honey." He smirked. "I'm referring to sex toys."

Mabilis kong dinampot ang isang robot at binato sa kanya. Natatawang sinalo niya lang ito.

"I'm just kidding honey." Natatawang sabi nito. "But I will order now incase of emergency."

"Ipapalaklak ko sayo lahat yun, hayop ka!"

"Honey, I miss make love with you." Ngumuso ito. "Gusto ko lang maging ready para kapag sinagot mona ako bakbakan agad."

"Siraulo! Hindi kapa nga nanliligaw eh."

Kinuha ko ulit ang isang robot at akmang ibabato sa kanya pero mabilis siyang tumakbo palapit sa dalawang bata.



     HAPON NA DIN ng makauwi dahil naglaro pa kami sa mall.

"Tita Wyana binili ako ng maraming laruan at damit ni Dade." Imporma ni Parsia sa Tita niya. "Pinabilhan ko din po kayo, marami namang pera si Dade."

"Thank you Sia." Hinaplos ni Wyana sa pisngi si Parsia. "Masakit paba sugat mo?"

"Hindi na po."

"Akyat muna kami." Sabi ni Wyatt at binuhat yung dalawang bata. "We're tired for this day."

Nagtungo kami sa kwarto ni Wyatt, humiga yung dalawang bata sa kusina samantalang kami naman ay naupo sa couch.

"I have a good news for you." Sabi ni Wyatt. "Malapit mo ng makita ang mga magulang mo."

"Salamat." Nakangiting sabi ko. "Miss na Miss kona sila Mommy."

"I'm sure they're miss you too."

"Basta mag iingat ka." Umiwas ako ng tingin. "A-Ayokong mawalan ng Ama ang mga bata, Ayoko silang maging malungkot."

"That will never be happen Penelope, hinding hindi ako mawawala sa inyo." Hinawakan nito ang pisngi ko at pinaharap ako sa kanya. "Ihaharap pa kita sa altar at gagawa pa tayo ng maraming little Wyatt at little Penelope.."

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon