EPILOGUE

93.2K 2.2K 228
                                    

PENELOPE


    "MAME, BAKIT PUPUNTA MUNA TAYONG SEMENTERYO?" Tanong ni Parsia

"May bibisitahin tayong dalawang importanteng tao." Tugon ko na ikinatango niya lang

Isang buwan bago ang recovery ni Wyatt, ang daming nangyari sa mga araw na yun, ang dami kong nakilalang mga bagong kaibigan kagaya na lang nila Emery, Lei, Madeline at Rye

Nakasama ko sila bago ang kasal ni Emery, ang saya ko nga dahil masaya na si Emery at Ezar kasama ang maloko nilang Anak na si Zaem.

"We're here." Anunsyo ni Wyatt at pinatay ang makina ng sasakyan.

Bumaba kami ng sasakyan, binuksan ni Wyatt ang padlock ng isang parang bahay. Bumukas ito at nauna siyang pumasok, agad naman kaming sumunod.

"PERSEPHONE PRAISLEY"

"PRINCE PRAISLEY CAMPBELL"

"Mame sino nakalibing diyan?" Tanong ni Parsia.

"Kapatid ko at Anak nila ng Daddy mo." Sagot ko. "Si Tita Persephone mo at pinsan mong kapatid mo din."

"Ibig sabihin may Kuya pa ako?" Tanong nito.

"Oum, Kuya nyo siya ni Kuya Paxton mo."

Tumango lang ito.

Lumapit ako sa lapida ni Ate at ni Prince nagsindi ng kandila, naglapag din ako ng bulaklak.

"Hi Ate ko, sorry kung ngayon lang ako." Nakangiting sabi ko. "Ang daming nangyari sa maraming taon, sorry Ate kung hindi kita nabalikan ah?" Tumulo ang mga luha ko na agad kong pinunasan. "Ate, sana happy na kayo ni Baby Prince diyan."

"Persephone." Pinantayan ako ni Wyatt. "Please take care our son there, hinding hindi ko kayo kalilimutan ng Anak natin, nasa parte pa din kayo ng puso ko."

"Ate yung Mahal mong lalaki, ako muna ang mag aalaga ng panghabangbuhay." Pinagsiklop ko ang kamay namin ni Wyatt. "Hihingin namin ang blessing mo dahil ikakasal na kami, diba parehas pa tayong tinuhog? Sana Ate gabayan nyo kami ni Baby Prince, may Anak na din pala kami." Nilingon ko ang dalawang bata at sinenyasan na lumapit samin. "Pakilala kayo sa kanila."

"Mom, they already know me, lagi kami dito ni Daddy." Sabi ni Paxton. "I always brought chocolates for Kuya Prince."

"Hi Tita, Hi Kuya." Kumaway si Parsia dito. "Ako po si Parsia Wyatt Campbell, sana po wag nyo akong multuhin, sila Mame na lang."

Natawa na lang kami sa sinabi nito.

"Pano Ate? Aalis na kami dahil may pupuntahan pa kami." Paalam ko. "Wag kang mag alala lagi kaming dadalaw, kumpleto kami sa susunod."

Saglit pa kaming nag-stay bago tuluyang umalis.

Halos ilang oras ang byahe namin bago kami makarating sa vacation house ni Wyatt.

"Wow, ang ganda!" Manghang sabi ng batang maldita at tumalon talon. "Fresh na Fresh ang amoy dito, hindi amoy isda."

Walang nagbago sa Vacation house ni Wyatt, maganda pa rin at maaliwalas.

"Mame, gusto ko doon tayo sa dagat." Aya ni Parsia. "Sige na."

Agad itong tumakbo palabas, sinundan naman siya ni Paxton.

"Para talagang tagabundok si Parsia." Natatawang sabi ko. "Kala mong hindi lumaki sa tabing dagat."

"Ganyan talaga mga bata." Inakbayan ako nito. "Sundan natin ang mga bata."

Lumabas kami ng bahay, natanaw namin yung dalawang bata sa tabing dagat na tumatakbo.

"MAME ANG GANDA NG DAGAT!" Sigaw ni Parsia.

Maganda talaga yan Anak, diyan ka namin ginawa ng Tatay mo.

"Hon, naalala mo  diyan natin ginawa si Parsia." Sabi ng katabi ko

"Oo, sinumpong ka ng kalibugan mo eh."

"Dinakma mo kasi."

Siniko ko siya sa ikinatawa niya lang.

"Mame, kailan pupunta sila Andy sa atin?" Tanong ni Parsia na pinaglalaruan ang buhangin

"Sa isang linggo." Sagot ko

Nakauwi na si Ate Mildred at pupunta sila samin dahil imbitado sila sa kasal namin ni Wyatt sa isang buwan.

"Mame!" Ngumiti sakin ng matamis si Parsia at sinabuyan ako ng tubig.

"Ikaw bata ka!"

Agad ko siyang hinabol at tuwang tuwang tumakbo naman ito, nakisali na din samin si Paxton at Wyatt.

"Dade, yan na si Mame!" Nagtago ito sa likod ni Wyatt.

"Parsia here!" Tawag sa kanya ni Paxton kaya agad siyang tumakbo doon.

Akmang lalapitan ko siya pero mabilis na pinulupot ni Wyatt ang mga braso niya sa bewang ko.

"Thank you for coming in to my life Hon." Malambing na sabi nito. "You changed me a lot Honey."

"Marami din salamat Wyatt." Hinarap ko siya. "Salamat sa mga tulong mo at sa pagsagip sakin mula kay Marco, maraming salamat sa lahat Wyatt. Mahal na Mahal kita at hinding hindi mababago yun."

"Mahal din kita Penelope." He kissed my forehead. "Hinding hindi ko hahayaang mawalay kayo sakin ng mga bata."

Ngumiti ako sa kanya at pinatakan siya ng maraming halik sa labi.

"SALI KAMI!"

May mga batang sumingit sa pagitan namin. Binuhat ito parehas ni Wyatt.

"Mahal namin kayo ng Mommy nyo." Nakangiting sabi ni Wyatt.

"I love you Dad." Hinalikan ni Paxton si Wyatt sa pisngi. "Love you Mommy." Hinalikan din ako nito sa pisngi.

"Mahal kita Dade ko." Humalik si Parsia sa labi ni Wyatt. "Mahal din kita Mame ko, kahit lagi tayong nag aaway."

Hinalikan din ako nito sa labi.

Lahat tayo ay may pagsubok, kayanin lang natin ang mga ito at magiging maganda ang resulta.

I'm Penelope Praisley and I'm happily inlove with Wyatt Campbell...




–END

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon