16

98K 2.7K 1K
                                    

PENELOPE



    INIISIP KO MINSAN kung mahal ba ako ni Lord o hindi, ang hirap na nga ng buhay ko noon, mas lalo pang humirap ngayon.

Gusto kona lang magbigti pero alam kong hindi pa ako pwedeng mamatay dahil hahanapin kopa ang baby Paxton ko at may inaalagaan pa akong maldit–

"MAME! PWEDE BA AKONG MAGMURA!?"

Muntik ko ng maitapon ang ginagawa ko dahil sa sumigaw. Anak ng tokwa!

"MAME! PWEDE BA!?" Tiningnan ko si Maldita na parang mangiyak ngiyak na kaya wala sa sariling tumango ako.

Lumapit siya sa pintuan naming kahoy at.. "PUTANGINAMO CARLA! MAMATAY KANA! GAGO KA, HINDI KANA NAMIN BIBIGYAN NG ULAM!"

Nanlaki na lang ang mga mata ko kasabay ng pag awang ng bibig ko.

"Parsia!" Saway ko dito. "Gusto mong masampal!?"

"Nagpaalam ako sayo." Umirap ito. "Wag mo ng bibigyan ng ulam si Carla ah?"

"Bakit na naman ba kayo nag aaway?" Tanong ko dito

"Inaasar ako eh, wala daw akong Tatay!" Inis na sagot nito. "Ano naman kung wala akong Tatay? Maganda naman ako, eh siya nga may Tatay pangit naman! Pamilya niya kaya pinaka-pangit dito sa isla!"

"Tumigil ka Parsia!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Sasampalin talaga kita!"

"Puro na lang ako pinagagalitan mo! Pagsabihan mo din kasi yung mga umaaway sakin!" Padabog itong pumasok sa kwarto namin.

Malditang bata!

"Naririnig kona naman yung bunganga ni Sungit." Sabi ng kapapasok lang na si Tatay Ando.

Kasunod nito si Andy–Anak niya at kaibigan ko.

"Wala na pong bago." Iling kong sagot at tumayo, nagmano ako sa kanya. "Kamusta po ang pangingisda?"

"Nakahuli naman kahit papaano." Tugon nito. "May nabenta na kami, yung mga natira at iluluto ko para may ulam tayo."

"Wag po kayong mag alala Tatay, kapag po binayaran ako ni Aling Yayang sa labada ko, ibibigay ko po sa inyo yung kalahati–"

"–Hindi na kailangan Penelope, ayos lang yun. Malapit na eskwela, mag-ipon kana lang para makapag aral si Parsia." Ngumiti si Tatay. "Sige, magluluto lang ako."

Nagtungo ito sa likod bahay namin kung nasaan ang kalan na de-kahoy.

"Ano Andy, ilan chicks mo ngayong araw?" Nakangising tanong ko.

"Wala, puro pangit." Nakasimangot na sagot nito. "Ano yang ginagawa mo?"

"Mga souvenir, ibebenta namin bukas ni Parsia para pandadag gastusin dito sa bahay." Tugon ko.

"Ano kaba, wag mo ng alalahanin yun, hindi kana iba samin Penelope." Ginulo nito ang buhok ko. "Nasaan si Malditang sungit? May pasalubong ako sa kanya."

"PARSIA, NANDITO NA SILA TATAY!" Sigaw ko.

Bumukas naman ang pinto ng kwarto at iniluwal non ang nakabusangot kong Anak.

"Ano pasalubong ko ngayon Andy?" Tanong agad nito

"Tito Andy!" Pagtatama ko

"Andy." Umirap ito sakin bago agawin ang dala ni Andy. "Wow, donut, salamat Andy."

"Parsia, Tito Andy nga! Napakakulit mo!" Singhal ko sa kanya. "Tigas ng ulo mo!"

"Eh bakit ba kasi gusto ko Andy eh!"

"Tama na, mag aaway na naman kayo eh." Pumagitna samin si Andy. "Pabayaan mona Penelope, sanay na ako diyan sa maldita mong Anak."

Dinilaan ako ni Parsia kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Iinggitin ko si Carla." Nakangisi itong lumabas with matching kembot.

"Ang maldita ng Anak mo." Natatawang sabi ni Andy. "Wala man lang nakuhang kabaitan sayo."

Wala talaga..

Halos mag-li-limang taon na din akong nakatira dito sa isla sa Batangas. Natagpuan ako nila Tatay Ando na duguan at parang wala ng buhay. Sila ang nag alaga sakin–samin ni Parsia.

Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil kung hindi nila ako nakita ay malamang patay na ako, ganon din si Parsia.

Mag-li-limang taon na pero ang sakit na dinulot sakin ng mga taong pinagkatiwalaan ko ay nakabaon pa rin sa puso ko. Sobrang takot na akong magtiwala, pero tinuruan ako nila Tatay at Andy na magtiwala ulit. Pero kila Wyatt ay hinding hindi na ulit.

Ginamit nila akong lahat, kinuha nilang lahat sakin at wala ng natira.

"Magbibihis lang ako, tutulungan kita." Nagtungo si Andy sa katabing kwarto namin.

Paglabas niya ay iba na ang suot niya, umupo siya sa harap ko at tinulungan ako sa paggawa ng souvenirs.

Maya maya pa ay tinawag kami ni Tatay para kumain.

"Nasaan si Parsia?" Tanong ni Tatay

"Nas–"

Hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng may sumigaw. "HOY, PENELOPE LUMABAS KA DIYAN!"

Dali dali akong lumabas at kita ko ang galit na muka ni Ate Calita–Nanay ni Carla. Hawak nito sa magkabilang kamay si Carla na umiiyak at si Parsia.

"Bakit ho?" Tanong ko

"Yang maldita mong Anak!" Binitawan nito si Parsia. "Binato sa ulo ang Anak ko at sinabunutan!"

"Yung Anak mo kaya yung nangunguna!' Sabi ni Parsia. "Asar siya ng asar na wala akong Tatay! Bakit pinakiki-elaman niya yun huh!? Masama ba kung wala akong Tatay!? Bakit pa ako magta-tatay eh may Nanay na ako!? Kalait-lait ba ang mga walang Tatay huh!? Porket maldita ako, puro ako na lang ang mali sa inyong lahat! Alam nyo ba kung bakit naging ganito ugali ko!? Dahil sa inyong lahat! Mga plastic kasi kayo, kabait-bait ni Mame sa inyo tapos sinisiraan nyo kapag nakatalikod! Kayo ang masama hindi ako! Pinagtatanggol ko lang ang sarili ko at si Mame!"

Tumakbo ito papasok ng bahay. Agad ko naman siyang sinundan. Nakita ko siyang nakahiga sa papag at umiiyak.

"Parsia, Anak.." Umupo ako sa tabi niya

"Ano? Kakampihan mo rin sila?" Pinunasan nito ang luha niya. "Sige doon kana din!"

"Sinong may sabing kakampihan ko sila? Ikaw ang kakampihan ko, Anak kita eh." Niyakap ko siya. "Salamat sa pagtatanggol sakin Parsia, sorry kung minsan nasisisi kita."

Mag-li-lima pa lang siya pero napaka-matured na niya, sa sobrang matured para mag-kaedad lang kami kung magsalita siya.

"Sorry din kung nasasagot kita minsan." Humiwalay ito sa yakap. "Masama ba akong Anak? Sobrang sama ba ng ugali ko?"

"Maldita ka lang at masungit." Natatawang sabi ko. "Pero sana pakinggan mo si Mame, nakakalimutan mona ang salitang paggalang at respeto nak eh."

"Hindi na po." Ngumuso ito. "Promise, mamatay man si Andy."

"Hoy naririnig kita." Sabay kaming napalingon sa pintuan ng kwarto namin. "Anong mamatay ako?"

"Bawal ka dito Andy!" Binato siya ng unan ni Parsia. "For girls lang itong kwarto na'to."

"Kakain na po kasi!" Nilapitan siya ni Andy at binuhat. "Kailangan ng kumain ng malditang prinsesang si Parsia."

"Maganda naman."

Natawa na lang ako sa sagot ng Anak ko

'JUSKO Wyatt, may ipapamana kana lang bakit yung ka-maldituhan at kasungitan mo pa?'






A/N: ANG MGA GAGO DAPAT TINATAGUAN NG ANAK HAHAHAHA

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon