SPECIAL CHAPTER

90K 2.5K 279
                                    


       "MAME!" Napatingin ako sa isang bulinggit na ngumangawa. "Mame!"

"Ano na namang problema mo?" Binuhat ko siya. "May sumpong kana naman."

"Mame, away ako ni Precious." Humikbihikbi ito. "Away ako ni Precious!"

Napahinga na lang ako ng malalim bago magtungo sa sala, nadatnan ko doon si Precious na naglalaro ng manika.

"Precious, ano na namang ginawa mo kay Wyaxandra?" Kunot noong tanong ko.

"Sinira niya yung favorite doll ko kaya kinurot ko siya." Sagot nito. "Siya naman may kasalanan eh."

"Diba sabi ko pagsabihan mo lang? Gusto mong malaman ng Kuya mo ito?"

"Wag Mame!" Lumapit ito samin at pinagdikit ang dalawang palad niya. "Sorry na Wyaxandra, bati na tayo."

"What's happening here?" Speaking of Paxton.

Kapapasok lang niya kasunod si Parsia at ang Ama nila.

"Bakit umiiyak na naman si Wyaxandra?" Kunot noong tanong ni Wyatt at lumapit samin. "Bakit baby?"

"Away ako Precious." Sagot nito

Ilan taon na kaming mag asawa ni Wyatt, biniyayaan ulit kami ng dalawang babaeng Anak na ubod din ng maldita.

Si Precious Campbell at Wyaxandra Campbell.

"Dade, nisira niya yung doll ko." Nanggigilid ang luhang sabi ni Precious. "Nakurot ko po siya, sorry."

"I told you Precious huwag manakit." Sermon sa kanya ni Paxton kaya tumulo ang mga luha nito. "Bad ang manakit."

"Sorry.."

"It's okay." Binuhat ni Paxton si Precious. "Basta wag mo ng ulitin okay?"

"Opo." Nagpunas ito ng luha. "Sorry Wyaxandra."

"Okay na yun, bati na tayo." Tugon ni Wyaxandra.

"Oh, okay na?" Singit ko. "Luto na ang niluluto kong cupcake, tara na."

Nagtungo kaming lahat sa kusina, nagsiupo ang mga ito kaya kinuha kona ang cupcake at nilapag sa lamesa.

"Kamusta school?" Tanong ko kay Paxton at Parsia.

"Good Mom." Tipid na sagot ni Paxton

"Ganon pa rin po, maraming may ayaw sakin." Umirap si Parsia. "Syempre ayaw ko din sa kanila, ano sila gold? Ako pa mag-aadjust, kung ayaw nila sa maldita, ayaw din ng maldita sa kanila."

Grabe, buong akala ko mababawasan pagiging maldita nito kapag lumaki pero mas lalong lumala.

Sana lang kapag lumaki si Precious at Wyaxandra, mabawasan ang pagiging maldita nila.

"Matuto ka ring makipag-kaibigan." Sabi ko dito. "Bawas bawasan din pagiging Maldita."

"Mame may friends naman akong bahagya." Tugon nito. "Si Zaem, yung Anak ni Ninong Ezar. Pinapansin naman niya ako pero hindi ganon kadalas, mahirap din kasi pansinin yun dahil masungit at matabil ang dila."

"Ako Mame, kailan mag-school?" Tanong ni Wyaxandra.

"Next year." Sagot ko. "Kayong dalawa ni Ate Precious mo."

"How about me Hon? Hindi mo ako kakamustahin?" Sabad ni Wyatt. "I'm existing too."

"Ito naman excited, kamusta naman work ng gwapo kong asawa?"

Ngumiti ito ng malawak. "Very good, because I'm inspired."

"Inspired kasi maraming chicks na nakikita." Sabi ni Parsia. "Naku Dade, yari ka kay Mame."

"That's not true!" Angil ni Wyatt. "Loyal ako sa Mommy nyo."

"Joke lang Dade, di ka mabiro."

Kahit kailan talaga.

Pagkatapos naming kumain ng cupcake ay nagtungo kami sa sala at nanonood

Nasa carpet ang mga Anak namin samantalang nakaupo kami ni Wyatt sa sofa habang pinagmamasdan sila.

"Bilis ng panahon noh?" Nilingon ko si Wyatt. "May binata na tayo at malapit ng magdalaga si Parsia."

"And soon they will have their own family." He said. "I'm happy dahil napalaki natin sila ng maayos."

"Sigurado ding magiging ayos ang buhay nila kahit mawala na tayo."

"In your next life, I will find you again and marry you again kaya wag kang mag asawa okay? Ako lang dapat."

"Hahanapin din kita Wyatt." Pinagdikit ko ang mga labi namin." Maraming salamat at Mahal na Mahal kita."

"Thank you too and I love you too my treasure..."

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Where stories live. Discover now