9

76.5K 2.5K 406
                                    

PENELOPE


    MASAKIT ANG mga mata ko ng magising ako, akmang tatayo na ako pero natigilan ako may brasong nakapalupot sa bewang ko.

"Mamaya na tayo bumangon.." Nakapikit na sabi ni Wyatt at siniksik ang muka sa leeg ko.

"Wyatt..."

"Let's stay like this for awhile.." Bulong niya

Pinatakan niya ng halik ang leeg ko na ikinataas ng balahibo ko. Pakiramdam ko matatanggal na ang puso ko. Leche!

Pinabayaan kona lang siya, inabot ko ang buhok niya at sinuklay yun gamit ang kamay ko.

"Wala kang trabaho?" Tanong ko dito

"I have.." Tugon nito. "Pero hindi ako papasok, we will have a date later."

"D-Date!?" Gulat kong tanong.

"Yes Honey.." Inalis nito ang muka niya sa leeg ko at ngumiti. "Gusto kong bumawi sayo.."

"Ano kaba, okay lang yun." Napakagat labi ako para pigilan ang ngiti ko. Kinikilig ako hehe

"It's not okay for me." Seryosong sabi nito at hinaplos ang pisngi kong may mga chismosang tagyawat. "I'm all yours today Honey.."

"Penelope pangalan k–"

"I preferred to call you Honey." Bumangon ito, at ngayon ko lang napagtanto na boxer lang ang suot niya.

Napaawang na lang ang bibig ko ng makita ang malaking bakat sa pagitan ng hita niya.

"Don't stare at my buddy." Ngumisi ito. "Nanunuklaw yan."

"H-Heh!" Umiwas ako ng tingin.  "Maliligo na ako."

"Let's take a shower together."

"Sapukin kaya kita?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Puro ka kamanyakan."

"Just take a shower." Ginulo nito ang buhok ko

Tumayo naman ako at diretsong pumasok ng banyo. Saglit lang akong naligo, lumabas ako ng nakatapis lang ng tuwalya kaso wrong move kasi nandoon pa si Wyatt.

"Uhm.."

"What happened to your arm?" Kunot noong tanong nito

Napatingin ako sa braso ko na may malaking peklat, paso ito ng plantsa na gawa ni Marco at ng isang naging babae niya.

"Gawa ni Marco yan.." Tugon ko kaya lalong nangunot ang noo nito. "Maliit pa nga yan eh, kumpara sa nasa likuran ko."

"Magbihis kana." Kita ko ang pagtiim ng bagang nito. "I'll take a shower."

Dire diretso itong pumasok sa banyo, ako naman ay mabilisang nagbihis. Umupo ako sa harap ng salamin at nagsuklay, nilagyan ko din ang muka ko ng isang product na pampaalis ng tagyawat na bigay ni Tita Hazel.

Lumabas si Wyatt ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya ang bewang, pasimple akong lumunok bago mag iwas ng tingin.

"S-Saan tayo pupunta?" Tanong ko dito

"We will go to Zambales, I have vacation house there." Tugon nito at pumasok sa walk in closet.

Napatango lang ako, saktong natapos ako tsaka siya lumabas. Simple lang ang suot niya pero ang gwapo niya.

"Let's go?"

Tumango lang ako. Lumabas kaming dalawa ng bahay niya at dumiretso sa sasakyan niya.

"Want drive thru for our breakfast?" Tanong nito.

"Sige.."

Dumaan kami sa drive thru at nag-order ng pagkain. Kumakain ako habang nasa byahe, dahil nag-da-drive si Wyatt, sinusubuan ko siya.

"I'm full." Sabi nito at kinuha ang iniinom ko tsaka uminom. "Ubusin mona yan."

Ginawa kona lang ang sinabi niya.

"Wyatt, sorry ulit sa nangyari kahapon ah?" Sabi ko. "Promise hindi na ako mangingielam ng gamit mo."

"It's okay." Ngumiti ito ng tipid. "Masyado lang akong nadala ng emosyon ko dahil first picture yun ng baby ko."

"Si Persephone, anong kinamatay niya?" Tanong ko, biglang nag iba ang mood niya. "Wag mo ng sagutin–"

"She got kidnapped one day before our wedding." Seryoso man ang pagkakasabi niya pero maririnig mopa rin ang kalungkutan. "And her body was found near the church kung saan dapat kami ikakasal."

"Sorry.."

Dapat pala hindi kona tinuloy, ang daldal ko kasi eh!

"Nahanap ko ang ibang kasabwat pero ang mga mastermind ay hindi kopa nahahanap." Tumingin ito sa gawi. "I already found the witnessed but she can't remember what had happened."

Tumagal pa ang tingin nito sakin bago bumalik ang tingin niya sa daan.

"Wag kang mag alala Wyatt, siguradong mahahanap mo din ang mga gumawa non." Sabi ko. "Napakawalang puso nila!"

Tumango lang ito..

"I will never forgive them, I will fvcking kill them like what they did to my fiance and my child." Kita ko ang galit sa mga mata nito at nararamdaman ko din iyon.

Hindi na lang ako kumibo kahit gusto ko siyang salungatin about sa pagpatay, baka magalit lang ulit siya sakin.

Napuno lang ulit kami ng katahimikan hanggang sa biglang nag-ring ang cellphone niya.

"Answer it." Sabi nito

Agad ko namang kinuha yun at sinagot

"Hello?"

"D-Dada?" Boses ng isang batang lalaki. "D-Dada."

Napatingin ako kay Wyatt. "Dada daw."

"Loudspeak mo." Agad ko namang sinunod ang sinabi niya. "What's up my little man."

"Dada." Masayang sabi ng batang lalaki.  "When po ulit ikaw, uwi sakin?"

"Busy pa si Dada." Ngumiti si Wyatt. "Don't worry malapit na."

"Okay po Dada, love po kita."

"Love ka din ni Dada mo, nak."

"Bye bye Dada, my teacher is here na po."

"Okay PX."

Namatay ang tawag kaya pinatong kona ulit ang cellphone niya sa dashboard

"Anak mo?" Tanong ko

"Yes." Tumango ito. "To other woman."

Hanep, nangongolekta ng panganay

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon