20

104K 2.6K 550
                                    

PENELOPE


     "HINDI NGA PO KASI GANYAN!"

"You said ganito."

"Hindi ganyan ang tinuro ko sayo!"

"Ito ang tinuro mo."

Napailing na lang ako habang pinapanood mag away si Wyatt at Parsia.

Tinuturuan gumawa ni Parsia ng lambat ang Pamilya ni Wyatt, pati si Paxton ko ay nakisali. Nakakapagtaka at wala yata si Persephone.

Pero mas nakakapagtaka nung nakita ko si Persephone ay parang wala lang. I remembered my past and Wyatt is right, I leaved my sister to them, I let them to killed my sister.

Pinatakas ako ni Ate nung time na yun pero nahabol ako ni Tito at sinasagasaan, yung ang dahilan kung bakit nawalan ako ng alaala.

But still kasalanan kopa rin dahil hindi ako nag ingat. Pakiramdam ko hindi deserve nila Wyatt ang pagpapahirap sa kanila ni Parsia pero no choice ako dahil lagi akong talo sa maldita na yun.

"WALA NA NAGULO NA!"

"Don't you dare raised your voice at me young lady." Malamig na sabi ni Wyatt kay Parsia. "I understand that you're mad at me but don't forget to show some respect at me, I'm still your Father."

Kita ko ang panggigilid ng luha ni Parsia. "Hmp!"

Tumayo ito at tumakbo palayo. Napailing iling na lang ako at nilapitan sila Tita Hazel.

"Pagpasensiyahan nyo na po si Parsia." Sabi ko. "Nahawa po kasi yan kay Ate Mildred."

Si Ate Mildred ang halos nagpalaki sa kanya, girlfriend siya ni Andy at ngayon ay nasa ibang bansa siya, doon siya nagtatrabaho.

Matabas din ang dila ni Ate Mildred kagaya ni Parsia. May trabaho kasi ako sa kabilang baryo dati kaya siya na ang nag alaga kay Parsia pero tumigil ako sa trabaho ng magkasakit si Parsia, sakto ding aalis na si Ate Mildred kaya dito na lang ako nagtrabaho.

"We understand Iha." Ngumiti sakin si Tita Hazel. "Mas malala pa diyan si Wyatt noong bata."

"Gusto nyo po ng meryenda?" Tanong ko.

"Me Mommy." Si Paxton. "I want cold water po, it's hot here."

"Wait lang."

Pumasok ako sa loob ng bahay at kumuha ng fudgee bar, kumuha din ako ng malamig na tubig tsaka mga baso at lumabas.

"Pawis na pawis ang Kuya na yan." Pinunasan ko ang likod niya ng bimpo.

"Mame, pawis din ako." Napalingon ako sa nagsalita

Bumalik na ang nagtampong bata.

"Halika dito." Umupo naman siya kabilang side ko, pinunasan ko ang likod niya at pinuyudan siya. "Amoy araw kana Parsia."

"Si Kuya Paxton din." Nakangusong sabi nito. "Bakit ako walang fudgee bar? Hindi mona ba ako mahal?"

"Wag mo ngang iniisip yan." Kinurot ang pisngi niya at pinagbalat siya ng fudgee bar. "Lagi mong tandaan na Mahal ko kayong dalawa at pantay ang pagmamahal ko sa inyong dalawa okay?"

"Kahit maldita at masungit ako?"

"Inborn na yan Nak kaya sanay na ako diyan."

Hinarap nito si Paxton. "Ikaw Kuya? Love mo ako kahit masungit at maldita ako?"

"Ofcourse." Napangiti na lang ako ng yakapin ni Paxton ang kapatid niya. "Mahal na Mahal kita, pero need mo mag-sorry kay Daddy, kasi na-hurt mo feelings niya."

"Pinagalitan niya ako eh."

"Pinagagalitan din kita."

Kahit naman galit ako kay Wyatt, deserve pa rin naman niyang magpa-ka-ama kay Parsia.

Nilapitan naman ni Parsia si Wyatt at niyakap ng mabilis. "Sorry na po "

"Sorry too, I won't raised my voice at you again."

Tumango lang si Parsia bago bumalik sa tabi ko. Nang matapos mag-meryenda ay nagpatuloy na sila sa paggawa ng lambat.

Sakto namang kadadating lang nila Andy galing sa pangingisda, tumulong si Andy sa paggawa kaya tumulong na din ako, si Tatay naman ay pumasok sa loob para magluto ng tanghalian.

"Andy, bukas kayong dalawa ni Wyatt ang mangingisda." Sabi ni Parsia.

"Parsia, bakit Wyatt lang huh?" Sita ko sa kanya. "At ilang beses ko bang sasabihin sayo na Tito Andy ang itawag mo kay Andy."

"Let her." Sabi ni Wyatt. "I'm willing to wait Parsia."

"Matagal pa yun." Nakangusong umiwas ito ng tingin. "Papahirapan talaga kita, dahil sayo naghirap kami ni Mame."

Natahimik na lang kaming lahat.

"Ikaw masayang kumakain ng masarap kasama si Kuya Paxton, samantalang kami ni Mame minsan tubig asin ang ulam o kaya ay toyo, ikaw at si Paxton nabibili nyo ang gusto nyo, kami ni Mame kailangan munang masugatan bago kami makabili ng gusto namin." Dagdag pa nito.

"I'm sorry, I didn't know.." Nakayukong sabi ni Wyatt.

"Bakit ba hindi mo hinanap si Mame?" Kita ko ang pagpatak ng luha ni Parsia. "Kung hinanap mo si Mame, ede sana malalaman mong may Anak kapa na naghihirap at naghahanap ng isang Ama."

"Parsia.." Tanging nasabi ko.

Hindi ko alam na may ganyan siyang saloobin, malakas na bata si Parsia at matatag pero hindi ko man lang nalaman na durog din pala siya kagaya ko.

"Buti pa si Andy, nagpaka-tatay sakin kahit lagi akong nagma-maldita sa kanya."

"Yeah.." Tumayo si Wyatt. "Masama akong Ama at hindi ko kayo deserve.."

Naglakad ito palayo, wala akong nagawa kundi ang tingnan ang pigura niya habang papalayo.

"Kanina ako ang nag-walk out tapos siya naman." Nagpunas ng luha si Parsia. "Gaya gaya siya, walang originality."

"Parsia, basta tandaan mo nandito lagi si Mame." Nakangiting sabi ko. "Hindi kita iiwan."

"Hindi na namin kayo iiwan." Sabi ni Wyandel.

"Sama-sama po tayo Mommy.."

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon