CHAPTER 1

5.9K 134 32
                                    


ELIANNA'S POV

Amoy ng pinakuluang gata at asukal ang bumalot sa buong bahay namin.

"Elianna 'yong niluluto mo!" rinig kong paalala ni Papa.

"Opo" dali dali akong pumunta sa kusina para tignan ang niluluto ako.

Kasalukuyan akong nagluluto ng bibingka na malagkit para ibigay sa lola ko at kay Gael na nobyo ko. Mahilig lang talaga akong mag luto ng mga kakanin lalo na 'yong ginagamitan ng malagkit ng bigas dahil may lupa kami na pinagtatamnan ng palay.

Ang kaso nga lang ay nasalanta iyon ng bagyo dahil dalawang linggo lang na nakakaraan ay may tumamang bagyo dito... Nanaman.

Kada taon nalang sigurong ganito, palagi kaming nasasalanta ng bagyo dahil taga Region 2 kami at prone na maglandfall ang mga malalakas na bagyo, nariyan na noon iyong Lawin at Ompong tapos nakatapos lang kaming masalanta ni bagyong Baste.

Hanggang ngayon ay wala pa ring kuryente at Signal dito sa distrito namin pero maswerte ako dahil may powerbank naman ako at may Games ang Phone ko para malibang naman ako.

Si Gael ang Vice Mayor ng municipality namin at anim na buwan na kaming mag nobyo at nobya pero noong nakaraang buwan ay niyaya niya na ako magpakasal. Siya ang una kong naging nobyo, hindi ko nga alam kung bakit siya nagkagusto sa akin gayon hindi naman ako kilala dito sa distrito dahil hindi ako pala-labas, pero kwento niya sa akin ay nabighani daw siya sa kagandahan ko!

Hindi ko naman siya masisisi, alam kong may hitsura talaga ako.

Masasabi ko na medyo matagal niya akong niligawan, mga tatlong taon pero hindi nga lang tuloy tuloy dahil sa tatlong taon na 'yon ay parati siyang busy dahil nga sa kabila kabilang eleksyon at sa trabaho.

Mahal na Mahal ko si Gael dahil hindi naman masama ang ugali niya kaya hindi nakapagtataka na nagkagusto na ako kaagad sakanya.

Nang matapos ko ng lutuan ang bibingka ay pinalamig ko muna ito saka ako nag bihis para makalabas. Nagsuot lang ako ng bestida na ibinigay sa akin ni Nanay Pasing, vintage daw ito at hindi na magkasya sakan'ya kaya sa akin nalang.

Na patingin ako sa full-length mirror at napaikot pa, ang ganda! Bumagay talaga sa akin itong bistida ni nanay. Kinuha ko ang bibingkang malagkit na niluto ko.

Mabuti nalang at hindi na maputik kaya hindi na ako nahihirapan sa pagpunta sa bahay ni Nanay Pasing, kung bakit ba kasi ayaw niyang iwan itong lupain niya.

"Nay Pasing" tawag ko sakan'ya nang makapasok ako sa bahay niya.

Nagitla ako dahil nakaupo lang pala siya sa harap ko habang kumakain ng abokado'ng may asukal. Lola ko sa Ama si Nanay Pasing at nasa 80's na siya.

"O buti naman at napagpasyahan mong bisitahin ako" aniya habang naningkit ang mga mata para tignan ako ng mabuti "AY! Elianna pala, akala ko si Diana" pagkokorekta niya.

Kaya nga nagtaka ako e, halos araw araw ko naman siyang binibisita.

"Bibingkang malagkit para sa Nanay Pasing ko" magiliw kong ani habang ini-model ang hawak kong bibingka.

"Paano ko 'yan makakain e wala na akong ngipin para manguya' yan" aniya habang tinitignan ang bibingka.

"Edi lunokin niyo nalang po"

"Ano, tuloy talaga ang kasal mo?" she asked bitterly.

May mga tutol nga sa pagmamahalan namin ni Gael at ang number one hater namin ay ang lola ko na si Nanay Pasing. Ayaw niya kay Gael dahil pulitiko daw ito at mukhang lupain lang ang habol sa akin.

Serie 3 - Abducted (On Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon