CHAPTER 7

3.3K 124 54
                                    

Elianna

"I can't believe you're getting married!" Natutuwang ani ni Aira habang inaayos ang buhok ko.

"Yes, ang bilis nga e." matamlay kong ani habang napangiti ng mapakla.

"Girl, kasal mo ito. Tignan mo yang hitsura mo," itinapat niya ako sa vanity mirror. "daig mo pa ang dadalo sa lamay."

"True mamsh." usyoso ng make-up artist na kasalukuyang nagaayos sa akin.

"Umayos ka Elianna huh, kasal mo ito. Memorize mo na ba ang wedding vow mo?" pagpapaalalang tanong ni Aira.

"Ofcourse, matagal ko ng memorize." I told her and rolled my eyes.

"Sus! Dapat isa puso mo, hindi iyong memorize lang. Isapuso mo at huwag lang isaulo." pangaral niya habang itinatali sa bun ang buhok ko.

"Ito ang bagay na blush color mo, coral dahil may kaputihan ka." the make up artist said as she brush my cheeks with make up. "Mamayang honeymoon mo dapat ganito ang kulay ng blush mo para- AHHHH OMG HONEYMOON!" Hindi naka pagpigil sa kilig si Junior at napatakip pa ng bibig.

"Galingan mo doon insan! Para saan pa iyong ipinunta natin sa isang salon para ipakalbo iyang puday mo!" naglululundag si Aira at nakipag high-five pa kay Junior. "Lugi nga e, ang konti pala ng bulbol mo." kinalabit niya ako.

"Si Papi Gael kaya? Marami?" maharot na tanong ni Junior at biglang tumawa ng pagkandalakas lakas.

"Siguro." tumatawang sagot ni Aira.

Napahilot ako ng sentido at pinigilang matawa. Nakakainis talaga kapag sila ang kasama ko. Mga mahaharot!

"Tumigil nga kayo!" I commanded, trying my best not to burst in laughter.

"Sus! Excited ka rin." pinindot pindot ni Junior ang tagiliran ko.

"Stop." nagkunwari akong naiinis.

Like c'mon, it's my wedding day at later na ang honeymoon ofcourse I'm excited!

I'm ready to spend the rest of my life with Gael. Siya na talaga ang para sa akin. I'm ready to be a good wife and I'm ready to built a family with him.

I promise to be the best wife and the best mom to our future kids. Although, hindi pa namin napag-usapan if we wanted kids right away pero if ever man na gustuhin namin ay ayos lang naman sa akin.

Si Gael kaya? Maayos siya doon?

9 AM ang start ng ceremony, then after that ay deretso sa reception tapos matatapos iyon hanggang gabi then deretso na kami sa honeymoon.

Sa Palawan ang honeymoon namin, ako mismo ang namili. Gael suggested na sa Europe kami mag honeymoon pero masyadong malayo at hindi naman pwede na magtagal kami doon because he can't neglect his duties as a vice mayor.

"Ayan! Ang ganda ganda mo na! Mas lalo ka pang gumanda. " puri sa akin ni Junior.

Napatingin ako sa sarili ko mula sa vanity mirror. I look so beautiful, light make-up lang siya pero mas naeenhance ang features ko. My hair also looks great kahit simpleng bun lang siya.

Serie 3 - Abducted (On Hold) Where stories live. Discover now