Chapter 2

1K 63 5
                                    

Arcadia's Point Of View

Chapter 2

Mabilis akong nagtago sa Gilid nang mga Naglalakihang Dahon dahil may naramdaman akong presensya, At napakalakas nito. Sumilip ako nang kaunti upang makita ko Kung sino iyon, Halos mamangha ako sa kasuotan nya. Mukha syang Iginagalang dahil don purong itim iyon at Bumagay sa Kanya.

Lalapit pa sana ako nang kaunti para makita ang mukha nya nang may matapakan akong bagay na madulas. kaya nagsanhi iyon nang Pagkadulas ko.

Patay!

Isang malakas na Halingawngaw ang Bumungad sakin, Kulay puti ang balat nito at Lumilipas sa ere, Kumikinang ang balat nya na animoy May mga perlas,

Ang dragon!!

Mabilis akong tumayo upang pagpagan ang sarili, Hindi pako makaka-alis sa pwesto ko nang pumunta na sa pwesto ko ang dragon, Nanatili lamang akong nakatayo doon dahil wala naman ako magagawa.

ang plano ko lang ay magpalakas, pero mukhang hindi na iyon mangyayari.

" a fairy like you shouldn't be here. " Nilingon ko naman ang Nagsalita at yoon ang Lalaking namataan ko kanina,. Wala sa sariling tinakbo ko ang pwesto nya para iharang sya sa dragon.

" Ayoko pang mamatay, ilayo mo sakin ang dragon nayan. " pikit matang sabi ko habang nakahawak parin sa Damit nang lalaking Kasama ko,

" Alaga ko ang dragon na ito. hindi mo kailangan'ng matakot, Nakikita nya ang nilalaman nang puso ng isang nilalang na nakakasalamuha nya. At sa tingin ko nagustuhan ka nya. " Dahan dahan akong dumilit Dahil sa sinabi nang lalaking ito. Pero halos manlaki ang mata ko nang makitang hindi na ito dragon, kung hindi isang Lalaki na ito.!

" Ikinagagalak kong makilala ka diwata, paumanhin sa naging ugali ko kanina mukhang natakot kita., " Napa-awang nalang ang bibig ko ni walang kahit na anong salita ang gustong lumabas mula doon.

" Diwata. " Nasa harapan kona ito at sobrang lapit nang mukha nya, Iisipin ko nang baliw ang dragon nato, dahil kanina pa sya nakangiti.

" Kine, " sabay kaming napatingin sa dereksyon nang nagsalita at Eto yung tangapangalaga nung dragon.

" Paumanhin, kamahalan. Hindi ko naman sya nais na natakutin. " Kamahalan.? Isa syang maharlika.? pero hindi naman maitatangi sa kasuotan nya, halatang mamahalin at Presyo pa ata iyon nang ginto.

" Teka.? bakit pala kayo nandito.? " Nagsimula na akong pumunta muli sa lawa, balak kona sanang Itapak ang paa ko don nang may maramdaman akong humawak sa braso ko at nag-iwan iyon na parang kuryente sa balat ko.

" Hindi kakayanin nang katawan mo ang sobrang lakas na enerhiya nang lawa na ito., " pahayag nya at tinignan ang Lawa. Ramdam ko rin ang Lakas nito at lalo pa itong lumalakas...

Pinanood ko lang Syang pumunta sa lawa Naglabas sya nang enerhiya at unti unti ko nang Nararamdaman ang pagbaba nang enerhiya mula don. Ang galing!

Patakbo akong pumunta sa Lawa at Sumawsaw doon, Maligamgam ang pakiramdam Ang sarap lumubog.

" Hindi kaba Lalawlaw dito.? ang sarap nang Klima nang Lawa na ito,. " masayang turan ko at nilaro Ang Nagliliparang Mga paro paro..

Third person's Point Of View

" Kamahalan, hindi magiging maganda sa katawan nyo ang sobrang malakas na enerhiya., " Nag-aalalang lumapit si Kine sa kanyang amo dahil don, Kilala ang gintong lawa na isa sa mga Pinag-iipunan nang Enerhiya kaya makakasama ito sa isang nilalang.

" Nais nyang Magpalakas, Nararamdaman kong mahina ang enerhiya nya sa katawan. " Pagtataka ang bumalot sa mukha ni kine dahil don, ni Minsan ay hindi nagbigay nang kahit na anong emosyon ang amo nya sa ibang nilalang.

" Ngunit kama--" hindi na nagawang tapusin ni kine ang sasabihin nang pigilan sya nang kanyang amo. Kaya naman hindi na sya nagsalita pa ulit, Tanging pagtingin lang sa Ami Ang nagawa nya.

....

Matapos ang kalahating Oras, Humahon narin si arcadia sa Lawa. Hinanap agad nya ang lalaking nakausap nya at mabilis naman nya itong nakita. Nakapikit ang mga nito at mukhang malalim ang pagtulog, Tila may sariling paa sya Dahil pinuntahan nya ang pwesto nang lalaki. Sinuri nya ang bawat ditalye Nang mukha nang lalaki at halos mamangha sya sa Maganda at makinis nitong balat.

Wala sa oras syang Napatayo dahil bigla itong nag-dilat nang mata tila bumalik sya sa realidad.

" Uhmm. Balak sana kitang gisingin kaso, Napasarap ata ang tulog mo.. " Tanging pagtango lang ang iginawad nang lalaki sakanya kaya tila nakaramdam sya nang pagkadismaya, at hindi nya gusto ang pakiramdam na iyon.

" Oo nga pala,. tinawag ka nang Alaga mong dragon na kamahalan ibig sabihin Isa kang prinsepe.? at saang continente ka naman na bibilang.? " Tila nanigas ang lalaki dahil don. hindi nya alam ang sasabihin dahil Wala syang mahanap na kasagutan. Tila ngayon lang sya Hindi nakapag-isip nang tama dahil sa tanong nang diwata.

" Nabibilang ang kamahalan sa continente nang durram. Sya ang ikalawang Anak nang kaharian nang durram.., " Seryosong pahayag ni Kine, Sa ngayon ay hindi pa sya nagtitiwala sa dalaga kaya't hangga't maari kailangan nilang ilihim ang kanilang katauhan.

" ano naman ang pangalan mo.? " tanong ng diwata lalapitan na sana ni kine ang diwata ng magsalita ang kanyang amor na sandali nyang  ikinatigil. bakit Ang tunay nyang ngalan ang sinabi nya? anang sa isip ni kine

" Indra., " Seryosong sagot Nang lalaki.

" ang ganda naman nang pangalan mo. Pang prinsepe talaga ang datingan.. " Komento naman ni Arcadia tila nakahinga dahil don Si Nike. Mukhang hindi nito alam.ang tunay na presensya nang kanyang amo.


Arcadia's Point Of View

" Grabe, alam mo bang, Hinihintay ko na makatagpo ako nang isa sa nga True god's, dito.? " Masayang sabi ko, Pero buti nalang din at hindi ko sila nakalihis nang daan dahil. kagaya nang sinabi Ni lucian, nakakatakot daw ang mga dyos at sobrang lakas nang mga ito. dahil sila ang mga tagapagbantay nang tatlong God realm. At labing dalawang planeta

Sandali kong tinignan si Indra, At Hindi ko masabi kong paano sya Ilalarawan, Bagay sya sa titulo nyang Prinsepe at Hindi rin sya Katulad nang ibang maharlikang Uri, na minamaliit ang tulad naming mga diwata.

Bahagya akong umusog sa tabi ni Indra, para sana tanungin sya. " Prinsepe, nakasama mona ba ang mga dyos.? " Tinulak na naman ako nang pagka-chismosa. natulad na ata ako kay Lucian.

Ipinikit nya ang mga mata nya kaya, lalo akong Napatitig sa Kabuuan nang mukha nya. " Ang mga dyos, Ay Masyadong maraming Ginagawa. " napasimangot naman ako dahil don,

Wala akong ideya sa mga pangalan nang mga Dyos, sa Sky Empire. ang alam ko lang merong Mga Totoong dyos na nangangalaga sa buong Sanlibutan at nagbabalanse nang kapayapaan. Bilang isang diwatang katulad ko Meron ding Hangganan ang Mga natutunan namin. Meron din ang iba sa amin ay umaakyat sa sky Empire at doon Gustong manilbihan. Ang iba naman mas minabuting manirahan sa Lupain namin.





Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now