Chapter 21

190 22 12
                                    

Third Person's Point of View

Chapter 21

Hindi mawari ng Isang nilalang kung bakit Ganon nalamang ang Galit ng prinsesa sa isang mababang nilalang Wala itong ginawa subalit halos patayin na nya ito.

" tulungan moko. " Isang humahangos na diwata ang lumapit sakanya pawis na pawis na ito dahil sa ginawang pagtakbo.

" tulungan moko, nagmama-kaawa ako sayo.. iligtas mo sya. " ani nito habang hinihingal malalim syang bumuntong hininga Hindi nya kayang gawin ang nais ng dalaga sapagka't Hindi nya totoong katawan ang nakikita nito Ngayon.

" Hindi kita matutulungan binibini, paumanhin. " ani nya agad na bumalatau sa mukha ng dalaga ang pagkawala ng pag-asa.

" Ngunit, maari kong Makita ang hinaharap ng nilalang na nais mong tulungan.. pero kakailanganin ko ng isang bagay mula sa nilalang na iyon. " paliwanag ko agad naman itong naglabas ng kung ano Isang panyo. may burda ito ng isang magandang bulaklak.

" Yan Ang bagay na ibinigay nya sakin, " kinuha ko ito at hinawakan.

Ngunit Ganon nalamang ang aking pagkabigla ng Makita ko hinaharap nya, ngunit Hindi maaari bakit ganito ang nakikita kong Tadhana sakanya. imposible.

" maayos naba.? maari Mona ba syang tulungan? " tinignan ko ang dalaga na nagsimula ng humikbi, Isang nilalang lang ang makakatulog sa dalaga na iyon, ngunit nasa Mundo sya ng mga tao.

" may pupuntahan akong Isang lugar, bantayan mo ang nilalang na iyon. " bilin ko sakanya akma na akong aalis ng hilain nya ang laylayan ng aking damit.

" paparusahan sya ng sampong ulit gamit ang kidlat, sa ngayon nasa silid na sya ng katarungan. " ani nya. na syang kinakunot ng noo ko.

" Anong ginagawa ng mga opisyal.? Hindi nila pipigilan ang gagawing pagpaparusa? " tanong ko ngunit umiling lamang ito.

" Isa lamang Kaming mababang nilalang, bakit pa kami pagsasayangan ng panahon ng mga opisyal.? " mapait na turan ng dalaga.

Malalim namang Napabuntong hininga ang lalaki tila Hindi alam ang gagawin Hindi nya pwedeng baliwalaen ang paghingi nito ng tulong dahil nagkaron sya ng kursuridad sa babae.

" pupuntahan ko ang punong dyos, sa Oras nato ang nilalang lang na iyon Ang makakatulong sakanya, gawin mo Ang lahat upang pigilan ang pag paparusa." sunod sunod namang tumango ang dalaga kaya agad nyang inihanda ang sarili.

Sa loob Ng ilang libong taon, magagamit na nyang muli ang katawang matagal nyang tinago.

Arcadia's Point of View

Magkaposas ang dalawa kong kamay kanina parin ako nauuhaw ngunit tila walang paki-elam ang mga nagbabantay sakin, Wala pa ang parusa ngunit gusto na nila ako mamatay.

mamatay nako, malapit nakong mamatay.

Pinilit kong lumunok ng laway upang papano ay mabasa naman ang lalamunan ko, dahan dahan akong nag-angat ng tingin dahil rinig ko ang pagbukas ng selda.

Iniluwa non ang prinsesa.

" tama nga ang aking tagapag-silbi, bagay nga sayo ang seldang ito.. madumi katulad ng iyong budhi.. "  napadaing ako ng hawakan nya ng mahigpit ang panga ko.

" wala akong makitang kakaiba sayo para akitin mo ang mga dyos... "  ani nyang muli at pabatong binitawan ang mukha ko.

Pagak naman akong natawa na syang ikinakunot ng kanyang mga kilay.

" Oo nga kamahalan, wala rin akong makitang kakaiba sa sarili ko para akitin ang mga dyos, kaya bakit napakalaki ng galit nyo sakin.? " seryosong saad ko sakanya na syang ikina-seryoso ng kanyang mukha.

"  Nais ko lang mawala ka sa landas ko, Lalo na sa punong dyos... " ganoon ba sya kabaliw sa punong dyos kung kaya't pati ang Isang katulad ako ay papatayin nya?

Wala nakong narinig na salita pa sa prinsesa at umalis na ito syaka naman ako napabuga ng dugo. Humihina ng unti-unti ang katawan ko simula ng mawala ang porselas na bigay ni indra.

" igagawad na sayo ang parusa, ito na ang tamang Oras.  "  anunsyo sakin ng isang kawal, Hindi ito kawal ng palasyo kung hindi kawal ng continente ng durram.

Para akong Isang kriminal ng hilain nila palabas bahagya pa akong napapikit ng sumilay sakin ang init ng araw. bumungad sa mata ko ang mga kauri ko na may awang tingin, hinanap ng mata ko si heys ngunit Hindi ko ito Nakita. hindi naman nila sinaktan si heys Hindi ba.?

Magandang Lugar ang bumungad sakin, may apat itong posted na syang sumusuporta sa Isang magandang lugar may maliit na trono doon na gawa sa bato, Hindi nako nagulat ng biglang umupo doon ang prinsesa ngunit napuno ng bulungan ang buong lugar.

" hindi sya maaring umupo Dyan, "

" ang mga dyos lamang Ang pwedeng umupo Jan, Isa iyang kalapastanganan. "

Agad narinig iyon ng prinsesa.

" ako ang nakahanap sa diwatang nagnakaw sa libro ng unang punong dyos, Wala ang mga dyos at Ako lamang Ang pinaka-mataas na opisyal dito. Wala parin ba akong karapatan.? "  nakangit i nitong sabi, Wala namang nagawa ang mga ibang opisyal kung hindi Ang sumang ayon.

" Umpisahan na ang parusa... "  napalunok ako ng marinig ko ang mga katagang sinaad ng prinsesa.

lily,Lucian, pinuno. patawad dahil Hindi kona matutupad ang nais kong pangarap para sa angkan natin... patawarin nyo ako.

Napikit ako ng simulan na nilang buksan Ang Isang malaking bilog at Isang madilim na kalangitan ang bumungad punong puno ito ng kidlat kaya Hindi ko maiwasang Hindi mapalunok. nakaramdam nako ng sobrang takot dahil sa mga nilalang na maaari kong iwan.

Tila bumagal ang pagtama ng kidlat sakin at tanging pag pikit nalamang ulit Ang nagawa ko nangangatal na Ang labi ko.. ngunit ilang Segundo Wala akong naramdaman na sakit malakas na hampas lamang ng kidlat ang narinig ko ngunit Hindi ako Nakaramdam ng sakit.

" Arcadia... "  halos maiyak ako ng maramdaman ang pagkakayakap sakin ni heys Hindi ko sya magawang hawakan dahil nakaposas ang dalawa kong kamay.

" h-heys... " simula ng tumulo ang luha ko ng humarap sya sakin nasaksihan ko kung paano lumabas ang dugo mula sa labi nya, Wala akong nagawa kung hindi Ang pagmasdan sya kung paano dumura ng dugo.

" Isang kalapastanganan.! " sigaw ng prinsesa kita sa mata nito Ang galit dahil Hindi tumama sakin ang unang hampas ng kidlat.

"  heys, umalis kana paki-usap.. " paki-usap ko dito pero tanging ngiti lamang ang natanggap ko

" pa-alisin ang lapastangan na ito at hagupitin ng sampung ulit! "  galit na sabi ng prinsesa habang ako ay umiiling nalamang

Paki-usap wag.!

Lily's Point of View

Narito ako sa tahanan ni arcadia dito nakatira ang kaibigan nyang si Lucian, pinuntahan ko sila para ibalita na maayos lang so arcadia sa palasyo.

" talaga, kung ganoon ay Kilala nya rin ang iba pang mga dyos? "  manghang tanong ni Lucian kaya tumango ako.

" Oo at alam moba, pakipot din itong si arcadia ayaw umamin sa nararamdaman nya tungkol sa punong dyos. " kinikilig kong sabi pero natigilan ako ng biglang sumeryoso ang mukha ni Lucian.

"  walang ibang inisip si arcadia kung hindi Ang magpalakas dahil sa ipinanganak syang mahina ang kapangyarihan, ngunit Hindi ko mapipigilan kung magmamahal sya. ang ikinakatakot ko lang ay baka manganib ang buhay nya sapagka't hindi simpleng nilalang ang nagugustuhan. " mahaba nitong kwento agad naman ako Nakaramdam ng lungkot para Kay arcadia.

Tumingin ako sa paligid at kasabay non ang malakas na ihip ng hangin ngunit pakiramdam ko ay may kakaiba doon.

" Teka, Hindi kapaba Babalik sa palasyo? " tanong ni Lucian kaya sakanya nabaling ang atensyon ko.

"  Babalik narin po ako, wala po syang kasama doon. " at sana rin maayos lang ang lagay nya.  hindi ko alam pero bakit Ang sama ng kutob ko, bakit parang may nangyayaring kakaiba?






Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now