Chapter 16

418 31 12
                                    

Arcadia's Point Of View

Chapter 16

Na-alimpungatan ako ng may Yumugyog sakin, kaya kahit inaantok nagmulat na ako ng mata. Bungad sakin ang Mukha ni Lucian.

" bakit Lucian.?  "  Tanong ko dito tinignan ko agad ang higaan ng punong dyos ngunit Wala na sya doon, Wala sa sarili akong napatayo. mahina pa ang katawan ano bang naisipan nya at Bigla bigla nalamang syang gumalaw.?

" Nakita moba ang punong dyos.? "  Tanong ko kay Lucian,

" Oo nasa labas sya, at mukhang nagtatalo  sila ng isang poging dyos doon. "   Ani nito Hindi kona sya Muling Pinakinggan dahil lumabas nako ng Kubo, At Tama nga si Lucian nasa labas si Indra ngunit Halata parin sa Mukha nya ang pagkapagod.

Akma na sana akong lalapit sa pwesto nila ng marinig kong magsalita Si Zamir na syang nasa tabi nya.
"  Bumalik na tayo sa Palasyo, kailangan tayo doon. " 

Kita ko ang masamang titig na ibinigay ni Indra kay Zamir bago bumalik muli sa Kubo, Nagkapag tataka dahil parang may kakaiba kay indra.

"  Paumanhin, Ngunit Hindi pa naghihilom ang mga sugat ng punong dyos, "  Anang ko kay Zamir ng makalapit ako sa pwesto nya.

"   Alam ko Ang nais mong sabihin binibini ngunit Punong Dyos si Indra, Tungkulin nyang bumalik kung saan sya dapat. "  Seryosong Sabi nito, Napalabi nalamang ako dahil mukhang may away sa kanilang dalawa, Hindi kaya.?

Hindi nako muling bumalik sa Kubo siguro ay hahayaan ko munang mapag-isa si Indra. Baka Mainit lang ang Ulo non,

" Arcadia,? "   Agad na naging pamilyar Sakin ang boses na iyon. Saan ba nagtungo itong si yair?

" Yair.? San ka galing. ? "  Hindi ako Nakagalaw sa sunod nyang ginawa Kinulong nya ako sa kanyang mga Bisig At nang dahil sa ginawa nya nakaramdam ako ng kakaiba..

" Mabuti naman at ligtas ka, Hinanap kita. "  Agad akong Nagtaka dahil sa sinabi nya. Hindi naman ako umalis ng lupain.

" Hindi naman ako umalis dito, Wala rin akong oras para iwan ang mga kauri kong sugatan at walang tirahan. " ani ko Bumalot agad ang pagtataka sakanyang mukha.

" Ngunit sino ang babaeng Hinahanap ko kanina, Ka boses mo ang babaeng iyon at nang Hihingi pa ng tulong. "  

" baka naman gutom kalang.? Ikain mo nalang Yan. tara,  "  

...

" Maraming bahay ng mga Diwata ang nasira, Kailangan mating bigyan sila ng karagdagang tulong upang mabilis nilang mapatayo ang kanilang nasirang mga bahay.. "   Kasalukuyang nag uusap ngayon ang apat na Dyos, salo-salo rin Kaming kumakain na Hindi ko lubos maisip na mangyayari sa tanang buhay ko.

" Nakakainis talaga. "  Rinig kong Bulong ni Lucian habang nakatingin sa direksyon ni Damian agad ko syang tinapik dahil don,.

" Alam mo bang malaking kasalanan ang pagtitig ng ganyan sa Isang Dyos.? "  Ani ko dito ngunit inikutan lamang nya ako ng mata.

" Nandito sila sa lupain natin at walang dyos-dyos dito. "   Napatampal nalamang ako sa sariling noo dahil don, Kung nasa palasyo kalang Lucian.

" Lucian.!!! " Sigaw ng isang Diwatang guardya, Sabay Kaming napatayo not Lucian dahil don maging ang apat na Dyos ay napatingin din sa amin.

" Anong meron,? bakit Humahangos ka. Ang lakas pa ng boses mo. " Sita sakanya ni Lucian.

" Paumanhin, Ngunit May nangyari sa pinuno. Bigla nalamang sya nawalan ng Malay. "  Agad Manlamig ang kamay ko dahil don,. Parang Kahapon lang ayos pa ang kalagayan ni Pinuno bakit bigla syang nawalan ng Malay.?

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now