Chapter 41

259 14 4
                                    

Third Person's Point of View

" Mabuti at hindi malalim ang patalim na itinusok sayo, "   nag aalalang tumingin si kine sa kanyang pinuno ng hindi manlang ito magsalita namumutla ang mga  labi nito dahil sumala ng hindi na siya kausapin ng dalaga ay maraming nagbago. nagkaron ng problema sa mga ministri at pinag uusapan ang tungkol sa pagpapalit ng bagong punong dyos'

" pinuno, ano bang nangyari at nagkaron kayo ng sugat dapat ay nagpapahinga pa kayo. " 

Hindi nakatanggap ng  sagot si kine kaya naman ay tumayo nalang sya sa isang tabi pinapakiramdaman ang pinuno nyang kanina pang walang imik.

"  kine, nais mong malaman kung sino ang gumawa nito hindi ba? "  natigilan si kine at napatingin sa pinuno, nagtaka agad ito ng mapait itong ngumiti.

"  si arcadia, sya may gawa nito.   "  hindi naka imik si kine agad syang nilamon ng maraming katanungan.

" ngunit bakit niya gagawin ang ganong bagay. "  alam ni kine sa sarili kung paano nila ingatan ang isat isa kaya paano napunta saganito ang lahat.

"  dahil ako ang pumatay sa kaibigan niya. "  Agad itong natigilan bago ma proseso sa isip ang sinabi ng pinuno

" ngunit hindi nyo iyon magagawa.  "

" hindi nga ba? naalala mo ng minsan akong nawalan ng kontrol sa sarili isang itim na enerhiya ang lumabas sa katawan ko, nawalan ako ng malay ngunit pag-gising ko ay hindi kona maalala ang mga nangyari.  " alam iyon ni kine, ngunit hindi parin siya maniniwala na magagawa iyon ng pinuno

" ngunit pinu— " 

"  iwant mo muna ako. "  hindi na naka-imik si kine at lumabas nalamang ng silid maraming problemang kinahaharap ang pinuno kaya bakit kailangan pang siyang masugatan lalo na't ngayon ay nanganganib ang pwesto niya sa pagiging punong dyos'

Nagpapahinga ang punong dyos' sa kanyang silid ng makaramdam ito ng itim na awra agad na pamulat ang dalawa nyang mata at isang lalaking nakangisi ang bumungad sakanya'.

Seryoso lamang ang tingin niya dito hindi niya ito pwedeng maliitin dahil sa mga oras nayon ay wala siyang laban mas malakas sakanya ang lalaki.

" sino ka? "  hindi niya ito kilala at bago lamang sa paningin niya

Pagak na natawa ang lalaking siyang kausap niya.

"  ilang libong taon na, simula ng makalabas ako sa kulungan na iyon at may bago narin pala silang punong dyos',  ngunit hindi narin magtatagal ang pag-upo mo sa pwesto mong iyan.  "   agad natabunan ng katanungan ang isip ni indra dahil kahit saan sa palasyo iyan ang naririnig niya ang pagpapalit ng bagong punong dyos'.

Ngunit wala syang ideya kung sino ang papalit sakanya.

"  kung ganon sino....sino ang sinasabi mong papalit sakin? "  malumanay niyang saad.

Ngumisi ang lalaki at halos lumabas na ang lahat ng mga ngipin nito

"  walang iba kung hindi ang babaeng minamahal mo.. ang kakambal ng dating punong dyos', marami talagang supresa ang mundo, haha!  " 

Napayukom ang kamao niya dahil don hindi niya alam kung dapat niya bang paniwalaan ang lalaki.





Arcadia's Point of View

" kanina kapa walang imik simula ng bumalik ka dito sa palasyo sabihin mo nga arcadia meron bang nangyari?" sermon sakin ni imre ngunit nanatili akong walang imik

" imre, alam mo ba sinaktan ko si indra... "  bigla nalamang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon ramdam ko ang biglang patayo nito sakanyang pwesto

pagak akong natawa ng maalala ang nangyari kanina.

"  galit na galit ako sakanya' hindi kona naintindihan ang sarili ko at bigla ko nalamang siyang sinaktan.. hindi kona alam imre  "   napahikbi nalamang ako dahil sa sobrang bigat ng dibdib ko.

Lumapit naman sa pwesto ko si imra hinawakan nito ang kamay ko.

"  wala kang kasalanan hindi mo dapat sisihin ang sarili mo "  umiling naman ako dahil don.

"  pero pano kung hindi naman pala si indra ang gumawa non? paano kung ibang nilalang yon?  "   sumeryoso namab agad ang mukha nito.

"  iyan ang kailangan nating alamin.  "  paano kung hindi naman talaga si indra ang gumawa non? paano kung iba, paano kung ginaya niya lang anv wangis ni indra para magkaron kami ng ganitong away.




Imre's Point of View

Nang marinig ko ang sinabi ni arcadia ay nakumbinsi akong alamin kung si indra nga ba talaga ang gumawa non ang pagpatay kay lucian.

Agad akong pumunta kay ate abala ito sa isang pre-perasyon mukhang gusto na niyang madaliin ang lahat. ang pag gising ng kapangyarihan ni arcadia.

"  ate... "  tawag ko dito ng makapasok sa silid niya, sandali ako nitong tinignan bago bumalik sa ginagawa agad nangunot ang noo ko ng makita ang ginagawa niya.

huwag niyang sabihing....

"  ate! pwe-pwersahin mo bang lumabas ang kapangyarihan ni arcadia? alam mo namang mapapahamak siya.  "  anas ko dito

"  ayoko ng maghintay imre, napakatagal kong nag tiis at naghanda para lamang dito.  "  at hanggang ngayon hindi parin nagbabago ang pasya niya.

Gusto nya paring maghigante sa pagkamatay ni zaniya sa pamamagitan ng pag-gamit niya kay arcadia.

"  pero sa tingin moba magiging masaya si zaniya kapag nalaman niya ang ginagawa mo? nilalagay mo sa kapahamakan ang kapatid niya.  "  tinignan ako nito ng seryoso napalunok nalamang ako dahil don.

" alam mo namang hindi na siya muling mabubuhay hindi ba?  " napailing ako, hindi ko alam sa tinagal ng panahon sobra na ang hinanakit ni ate.

Mabilis akong napatingin sakanya, nanginginig ang mga labi ko dahil nagkaron na agad ako ng suspetsya.

" i-ikaw ba ang p-pumatay k-kay l-lucian? "  wala sa sariling napa-atras ako dahil don, napailing ako dahil sa nalaman.

"  upang magtagumpay ang plano  kailangan nating magsakripisyo ng buhay.  "  walang emosyon nitong sabi, parang biniyak ako dahil don bakit kailangan niyang gawin ang bagay nato? bakit!!!

"  ate! paano mo nagawa yon kaibigan ko si arcadia paano mong nagawang patayin ang kaibigan niya sa pamamagitan ng pag-gamit sa mukha ni indra.  " pakiramdam ko ay para akong nabasag, inakala ko.. na hindi niya tutuparin ang plano niya pero nagkakamali ako.

" hindi ba't sinabi ko sayo na wag kang mapapalapit kay arcadia? dahil sa huli gagamitin lang din natin siya." napaluha ako dahil sa sinabi niya sunod sunod akong napa-atras hanggang sa mabilis akong tumakbo palabas.

Patawad arcadia! patawarin moko ng dahil sakin nawalan ka ng minamahal. patawad!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now