Chapter 36

135 11 0
                                    

Lily's Point of View

Nakatanaw ako sa labas habang hindi mapigilang himasin ang mga kamay ko, nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin sakanya ngunit ayoko ng patagalin pa ang lahat kailangan na nyang malaman na wala na Ang aming pinuno

"  lily kanina kapa tahimik dyan "  biglang sulpot ni heys na nakangiting umupo sa tabi ko

"  natatakot akong sabihin kay arcadia ang totoo " 

"  a—anong  totoo? " malalim akong huminga at tumitig sakanya

"  a—ang pinuno.. wala na sya heys d—dalawang libong taon na ang lumipas,ako at ang dyos' na si yair lang ang nakaka-alam— lily.. "  mabilis akong napalingon ng marinig ang boses ni arcadia agad akong nakaramdam ng kaba dahil kitang kita ko sa mata nito ang pangungulila at kaguluhan

" anong ibig mong sabihin lily?!  " 

Arcadia's  Point of View

Kailangan kong sundin ang sinabi ni indra na hindi ako pwedeng magpakita sa marami kaya napag pasyahan ko nalang na pumunta kila lily hindi rin umuwi si  indra buong magdamag sa palasyo nya kaya tanging' ako lang ang mag isa, alam ko naman na marami syang gagawin kaya hindi ko na inabalang puntahan pa sya' sa bulwagan

nagdala ako ng mga pagkain para samin tatlo dahil paniguradong hindi pa kumakain yung dalawa papasok na sana ako sa silid ni lily makita ko ito sa bintana hindi nya napansin ang presensya ko at sunod kong nakita naman ay si heys balak kona sanang pumasok ngunit natigilan ako sa sinabi ni lily

" natatakot akong sabihin kay arcadia ang totoo " maraming tanong agad ang namutawi sa isip  ko at inaalala kung may hindi ba sinabi si lily sakin

" anong totoo? "  nanlalamig na ang mga kamay ko dahil sa sinaad ni lily biglang bumigat ang dibdib ko sa sunod nyang sinabi pakiramdam ko ay sumabog ang kabuuan ko

” a—ang pinuno.. wala na sya heys d—dalawang libong taon na ang lumipas,ako at ang dyos' na si yair lang ang nakaka-alam ”   pakiramdam ko ay ilang ulit akong  pinatay nanigas ako sa kinatatayuan at gulong gulo ang isip

si pinuno,  wala na?

" lily "  maraming tanong ang gusto kong sbihin sakanya ngunit sa kawalan ng enerhiya sa nalaman tanging pangalan nalang nya ang nasabi ko

Gulat itong napatayo sa pagkakaupo habang ako kay nabitawan ang mga dala mabilis akong pumunta sa pwesto nya at hinawakan ang magkabilang balikat nya,  bumibigat na ang dibdib ko at nag iinit narin ang mga mata ko

"  s—sabihin mo?  mali lang ako ng pagkakarinig Hindi ba? sabihin mo!. "  malakas kong sigaw tila nawalan ako ng hangin sa katawan ng makita syang magsimulang humikbi

" patawad, hindi ko agad sinabi sayo patawarin mo ako arcadia.  "  sinubukan nitong gumalaw ngunit madiin kong hinawakan ang balikat nya kaya't natigilan sya

"  ang espiritu nya? nasaan? si lucian nasaan din sya? " meron itong inilabas na Isang papel sa kanyang bulsa kaya doon napunta ang mga mata ko

" ang alam ko lang nasa kamahalang yair ang espiritu ni pinuno ngunit si lucian hindi kona alam, matapos nyang iabot ang sulat na ito para sayo  umalis narin sya "    nanginginig ang mga kamay ko ng abutin ang sulat nanlalabo na ang mga mata ko dulot ng luha

Hindi kona inabalang buksan ang sulat at mabilis silang tinalikuran ngunit natigilan ako sa paghakbang ng hawakan ni lily ang braso ko

" saan ka pupunta arcadia, huwag' ka ng umalis baka mapahamak na naman "  walang buhay ko syang' hinarap wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi ang sobrang bigat ng dibdib ko

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now