Chapter 27

137 20 15
                                    

Arcadia's Point of View

Chapter 27

" kung ganon', sino ako? bakit wala akong mga magulang.? at bakit mahina ang enerhiya ko hindi tulad ng kapwa ko diwata.? " sunod sunod kong tanong sakanya.

" malalaman mo ang lahat ng iyan, kapag nasa palasyo kana. "

" sinong nilalang naman ang sinasabi mo.? "

" walang iba kung hindi ang kapatid ko, nakatira ang espiritu nya sa isang espada. " isang nilalang ang alam kong nakatira sa espada.

" alam ko nagkita narin kayong' dalawa, sya si imre, ang nakakabata kong kapatid. " aniya, hindi ko inaasahan na magkadugo pala silang dalawa.

" ngunit, paano ako babalik.? " tanong ko sakanya

" tawagin mo ang espada, " pero paano ko tatawagin ang espada?

" hindi ko alam, at ang espada nayon. pag mamay-ari iyon ng dating punong dyos' kaya paano ko pangangahasin na tawagin iyon.? " aniya ko.

" nandoon sa loob ang kapatid ko, sya ang nagmamay-ari ng espada nayon, tawagin mo sya. " seryosong ani nya kaya napa kagat ako sa labi.

" pero, paano ko tatawagin ang espada.? "

" Sugatan mo ang sarili mo, at hayaang tumulo ang iyong dugo banggitin' mo ang espada habang ginagawa mo iyon. " paliwanag nya. napatango nalang ako.

Napalunok ako bago kumuha ng maliit na kutsilyo huminga ako ng malalim bago sugatan ang palad nakaramdam naman ako ng hapdi kaya bahagya akong mapangiwi.

" imre, ang may ari ng espada tinatawag kita ngayon kung nasaan man ako. inuutusan kita.! " aniya ko biglang umilaw ang mga dugong tumulo sa palad ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang nakalutang na espada sa labas ng pintuan agad akong lumabas ng makita kona ang pigura ni imre.

" ikinagagalak kitang makita ulit mahal kong kapatid,. " aniya ni kamil.

" tss, dito kalang pala tumutuloy.? halos halughugin kona ang buong continente dito kalang pala nagtatago.? " asik naman sakanya ni imre.

" teka, at bakit nandito ka arcadia.? alam mo ba kung anong nangyayari sa palasyo,. " ani nito.

" Kamusta na ang palasyo, ang punong dyos', nakabalik naba sya.? " iyon agad ang tinanong ko sakanya.

" nakabalik na sya, ngunit ang mga kalaban ay nakalabas na sila. hindi alam kung nasaan ang pinuno at ang punong dyos' naman ay nagpapahinga at nagpapalakas. " paliwanag nya, tila nakahinga ako ng maluwag dahil sa binalita ni imre.

" imre, umalis na tayo kailangan na nating bumalik sa palasyo. " ani ko at akmang maglalakad ng magsalita si kamil na syang' nagpatigil sakin.

" Sinabi kobang ngayon kana aalis.? " nagtataka ko syang nilingon dahil don seryoso lamang ang mukha nito na syang ikinabahala ko.

" anong Ibig mong sabihin, ginawa ko ang sinabi mo na tawagin ang espada. kaya bakit hindi pako pwedeng makabalik.? " gulong tanong ko.

" kailangan mo ng gamitin ang kapangyarihang nakatago sa loob mo, oras na arcadia. " walang bahid na emosyon nyang saad.

" teka ate! huwag' mong sabihin na ngayon mona gagawin.? " agad na kumontra si imre mas lalo akong nagtaka dahil don, kung ganon' may alam sya sa sinasabi ni kamil.

" Kailangan na nyang gamitin ang kapangyarihan nya, lalo't nakalabas na ang mga kalaban. " kapangyarihan,?

Gulong gulo na ako.

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now