Chapter 28

131 21 4
                                    

Arcadia's Point of View

Chapter 28

" nasa ikatlong lebel ka palang ng kapangyarihang ibinibigay ko sayo, arcadia. "  mas itinutok ko ang sarili at pinakiramdaman ko ang katawan, kapag kasi hindi ko nakokontrol ang enerhiya sa katawan ko bigla nalamang akong susuka ng dugo.

Siguro nasa isang balde na ng dugo ang naisuka ko.

"  nakikinig kaba sakin.? " napa-angat ako dahil sa sinabi ni kamil pilit akong ngumiti sakanya kaya mas lalo nyang dinagdagan ang enerhiya na nasa katawan ko.

" kamil naman, baka bago pako matapos sa pagsasanay ko ay baka mamatay nako. "  ani ko sakanya pero hindi ako nito sinagot kaya napanguso nalang ako.

" kapag nakayanan mona ang kabuuan ng kapangyarihan ko ay makakamit mona ang katawan ng isang immortal hindi kana agad mamatay. " yun lang ang sinabi nya bago ako talikuran.

Malalim akong huminga bago muling mag konsentrasyon iyon lamang ang gagawin ko upang pakiramdam ang katawan ko.

Pero hindi mawala ang nasa isip ko, kamusta na ang palasyo at kamusta narin ang punong dyos' matagumpay kaya nyang natalo ang mga kalaban.?

**

" oh. uminom ka muna, kanina kapa nakatingin sa kalangitan.. iniisip mo ba sya.? " napalingon ako dahil sa hulo nyang sinabi

" ha, ang palasyo ang iniisip ko at hindi ang punong dyos' " depensa ko naman pero tinaasan lang ako nito ng kilay.

" ngunit, wala naman akong sinabing pangalan binibini,. " panunukso nya kaya wala sa oras kong ininom ang binigay nyang tubig.

" may tanong ako arcadia, naririnig mo parin ba ulit ang boses sa isip mo.? "  tanong nito.

" hindi na, nung simulan ko ang pagsasanay hindi kona muling narinig ang boses nayon.. "  aniya ko tumango tango naman ito at tumingin din sa kalangitan.

Pero teka... bakit parang napaka-importante sakanya non.

" imre, kilala moba ang dating punong dyos'? "  wala sa sariling tanong ko sakanya' nanatili parin ang atensyon nya sa kalangitan.

"  iginagalang at mahal sya ng lahat. "  biglang saad nya, bigla non nakuha ang atensyon ko. wala talaga akong alam sa punong dyos' dahil hindi iyon nabanggit saming'  lupain.

"  kaya ba tinanong mo sakin king naririnig ko ang boses sa isipan ko. "  ani ko tumango naman sya.

"  para ko na syang' nakakatakdang kapatid,. " bahagya nanlaki ang mata ko, ibig sabihin ay nakilala at nakita na nya ang unang punong dyos'.?

" kung ganon', anong itsura nya.? anong ugaling meron sya' ? " tila isa akong bata dahil sa paraan ng pagtatanong ko sakanya.

" ang totoo nyang m—”  natigil sya sa sasabihin dahil bigla nagsalita si kamil.

" magsisimula na ulit ang pagsasanay, arcadia. mas igihin mo ang konsentrasyon mo... "  tumango sa sinabi nya.

Bumuo na naman sya'  ng isang malaking liwanag ngunit mas malakas iyon kumpara sa dati, pakiramdam ko ay biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa malakas na enerhiyang nasasagap ko.

" kapag nagawa mong'  kayanin ang malakas na kapangyarihan na ito ay, makakamit mona ang katawan ng isang immortal... "  ani nya, matapang naman akong tumingin sa malaking puting enerhiya. napalunok ako ng tuluyan na itong pumasok sa loob ng katawan ko.

Bigla nalamang akong napa-upo at napasapo sa dibdib, mas malakas ito ang init-init ng katawan ko para na itong sasabog.

wala sa sarili akong napasuka ng dugo, nagsisimula ng manlabo ang paningin ko,. ikinuyom ko ang kamay ko hindi pwedeng dito lang ako matatapos, nangako ako na magiging malakas ako, at ipag tatanggol ang mga kauri ko, kaya hindi ako pwedeng sumuko. hindi dito ang magiging kamatayan ko.

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now