Chapter 6

577 45 11
                                    


Arcadia's Point Of View

Chapter 6

" Arcadia, Eto pa ang mga huhugasan. " Napanganga ako nang Pinakita sakin ni lily ang huhugasan ko, Parang Pang isang Baryo ang Mga Huhugasan ko sa dami,

" Sigurado kang Ito ang Huhugasan ko.? " Pagkukumbinsi ko sakanya, Tumango naman ito. Napanganga nalang ako dahil don, Parang isang baryo ang huhugasan ko, Napakarami.! Parang mas gusto ko nalang mag sanay magdamag kesa maghugas nang ganitong karaming plato,.

" Eto pa..dapat lang yan sayo, Pangahasan ba naman ang isang prinsesa, Kulang pa ang parusa na iyan.. " Ibinagsak nya ang ilang mga platong babasagin kaya napatayo ako nasugatan pa ang braso ko dahil don,

Hindi kona mapigilan ang emosyon ko at masamang Tinignan ang Babaeng gumawa non, Ngayon ko lang Naa-lala na sya yung babaeng nanampal sakin kahapon,

" Bakit.? Lalaban ka.? Isa kalang namang Mahinang diwata, Naawa lang sayo Ang Kamahalang Yair, Kaya napunta ka dito.! " Nag ngitngit ang Ngipin ko dahil sa sinabi nya, Sumosobra na ito sa Pangungutya sa akin,

" Pasensya na sa Inasal ko kahapon pero. Wala ka naman sa lugar para laitin ako.. Isa kalang din namang Katulong.. " Agad bumalot ang inis Sa mukha nya Nagulat ako dahil Sa ginawa nya nag-ipon sya nang enerhiya sa palad nya at mabilis itong pinatama sa akin, Sa sobrang bilis hindi ko nagawang protektahan ang sarili ko,

" Hmm... Napaka tapang mo naman, Diwata hindi porket katulong ako ay parehas na tayo nang angkan, galing ako sa angkan Nang mga mandirigma kaya, Mas sinanay nila kami kesa sa inyo.. " Anas nya, Wala naman akong nagawa kung hindi ang tignan lamang sya paa-alis,

" Arc--anong nangyari sayo.? " Dali dali akong tinayo ni lily, Nag-aalala ang mukha nya kaya nagpilit nalang akong ngumiti kahit alam kong hindi iyon gagana,

" Sino ang gumawa sayo nyan.? Isa ba sa tagapaglingkod nang Prinsesa nang durram.? " Ang kaninang maamo nyang mukha ay biglang naging seryoso kaya napalunok nalang ako. Napatango nalang ako dahil wala naman saysay kung maglilihim pa ako,

" Sinasabi kona nga ba ei, Puntirya talaga nya ang mahihinang katulad natin, palibhasa galing sya sa angkan nang mga Mandirigma kaya, Matapang! " Natawa nalang ako dahil Sa Itsura nya. Parehas sila ni lucian kapag naiinis,

" Natatawa kapa Ngayon.? Alam mo bang Muntik ka nang mawalan nang buhay.? nararamdaman kong mahina ang enerhiya mo, " Napatahimik naman ako dahil don, Alam kong panandalian lang ang naging paglakas nang enerhiya ko sa katawan.

" Ayos lang naman ako, Hindi naman ganon napuruhan ang katawan ko,. " Inirapan ako nito nang Ngitian ko sya. Mag kaugali talaga sila ni Lucian,

Inalalayan nalang nya Akong Tumayo, Naupo Kami sa hagdan upang magpahinga.

" Ayoko nang maging mahina. Sa tuwing nakikita ko ang Mga katulad ko, Wala akong magawa para Ipagtanggol sila.! " Bulalas ni lily parang tinamaan naman ako dahil don,

" Ayoko na lagi nalang inaapi nang ibang angkan, dahil lang sa Hindi tayo malakas. , " Dugtong nyang muli. Sa totoo lang Ayaw konarin mangyari iyon, naa-lala dati nung Makagawa nang pagkakamali si pinuno ay Halos ipahiya na sya nang Ibang angkan. Bata pa ako non kaya tanging pagtingin lang kay amo ang nagawa ko. Pero pati ngayon ganon pa din ang Nagagawa ko.!

.....

Bumalik nalamang kami sa Ginagawa Dahil kailangan pa naming Tapusin ang binigay na gawain sa amin, Hindi Porket isa akong Personal na katulong ni Yair Ay hindi nako-Gagawa nang Ibang gawain dahil. Iba ang Pamamalakad dito sa Heavenly palace.

Pinagpagan Ko ang basa kong kamay Nang matapos ko nang isalansan ang mga Nahugasan kong plato, Napahawak ako sa balakang ko nang maramdaman ang pagsakit non,

" Tapos kana ba Arcadia.? " Nilingon ko si Lily at tinanguan Nagtaka pa ako dahil meron itong dalang parol,

" Anong gagawin mo jan.? " Takhang tanong ko sakanya nag kibit balikat naman ito at mabilis akong hinila, Halos masubsob ako dahil don.

" Alam mo bang may lugar nating mga diwata, Kung saan Pwede tayong humiling.? " masayang turan nya.

May ganong lugar pala dito sa heavenly Palace.? Meron pala kaming sariling lugar kung saan pwede naming gawin ang anumang bagay,

Tumigil kami sa Isang Sapa, Nag ningning ang tubig nito katulad sa Gintong lawa ang pinagkaiba lamang dahil mas maningning ang kulay sa gintong lawa. Isa lang ang masasabi ko sa lugar na ito, Nakakamangha. At napaka ganda,

Ibinaba ni lily ang Parol at pinalutang iyon sa Tubig.Sinundan kopa kung pano alunin ang parol, May malaking Puno sa tapat namin at may Mga Maliliit na alitaptap ang nagsisiliparan, nakakamangha dahil kahit maliwanag nakikita na ang Ilaw nila.

" Humiling na Tayo. " nasasabik na sabi ni Lily ipinagdikit nya ang dalawang palad at pumikit, Sumunod nalang din ako sa ginawa nya.

Matapos naming Humiling Naglakad lakad kami sa Lugar at masasabi kong may hawig ito sa Gintong Lawa.,,

" Nung nalaman ko ng Lugar na ito, Lagi akong himiling Dito. " Pahayag nya. pinakinggan ko naman sya at tinitignan din ang maganda tanawin,

" Pero simula nang Mawala ang Karamihan sa atin, Naging malungkot na ang lawa na ito., Yung ibang kauri naman natin na nanatili parin dito ay, hindi na Pumupunta para Dalawin ang lugar nato.. " Lumungkot ang boses nya dahil don,

" Pero ngayon hindi na, Napansin moba.? Simula nang dumating tayo Nagsisilabasan na Ng mga ilaw nang lawa... " manghang ani nya, Kaya sumang Ayon nalang din kami,

Pabalik na Sana kami, Nang Sabay kaming napatigil ni Lily, Para akong Nanigas sa kinatatayuan ko dahil Sa nasa harapan ko ngayon, Pangatlong pagkikita na naman ngayon. Indra,

" Hala, Hindi Alam na pupunta rin pala dito Ang punong kamahalan, " Bulong ni lily na narinig ko naman,

Lumakas naman ang Kabog nang dibdib ko Nang Tumingin ito sa Dereksyon ko, Kasama nya rin ngayon si kine na Alaga nyang Dragon. Mukhang nagulat din ito nang makita ako,

" Paumanhin po Punong kamahalan, Hindi po namin Akalain na pupunta rin po kayo dito patawad po.... " Nagulat ako sa ginawa ni lily Lumuhod ito sa harap ni Indra.

" Napadaan lang din kami, Dito Hindi mona kailangang humingi nang tawad. " Malamig nitong sabi, Wala na ang Atensyon nito sakin, Nakatanaw na ito ngayon sa Lawa. Bakit ba sa ganito kaming lugar lagi nagkikita.?

Walang Pasabing Hinila ako ni Lily Paa-alis, Kaya halos mabali na ang leeg ko nang lingunin si Indra.

" Huwag ka nang tumingin Arcadia, tara na. " Kabado nitong usal.

" Bakit.? mabait naman sya ah! " totoo naman ang sinasabi ko, Hindi tulad don sa Kapatid nyang Prinsesa na Nakapa sungit.

" Hindi moba sya kilala.? " Mariing bulong nya, Patuloy parin ito sa paghila sakin.

" Sya ang prinsepe nang Durram, Hindi ba.? " Simpleng sagot ko naman, Nakakunot naman ako nitong tinignan na Parang ang laki nang kasalanang nasabi ko,

" Anong prinsepe.? Sya ang Punong Dyos, Sya ang namumuno Sa tatlong Dyos. Sya si Indra, Ang pinaka mataas na Dyos dito Sa heavenly Palace. " Natigilan ako dahil sa Sinabi nya, Nanlalaki pa ang mata nito Sa mga sinabi, habang ako ay hindi ma i-proseso ang mga sinabi nya,

Punong dyos.? pinaka mataas na Dyos sa Heavenly palace.? Ibig sabihin nagsinungaling sya sakin.?








Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now