Chapter 8

491 38 5
                                    

Arcadia's Point Of View

Chapter 8

" Nasan na kaya Ngayon,ang kamahalan."
Nagtataka nga din ako dahil hindi pa rin umuuwi si indra, Alam ko naman na lagi itong umaalis sa palasyo nya. pero babalik din ito,

" Baka naman may ginawa lang, "  Lumingon sakin si lily at bumusangot Nagtaka naman ako dahil don,

"  Masarap pa naman yung niluto kong ulam para sakanya, "  Mas lalo nya pang hinabaan ang nguso nya kaya nagmumukha na syang pato dahil don,

" Tumigil kana nga, edi tayo nalang ang kakain. tutal wala naman sya. " Agad nag ningning ang mata nito at sunod sunod na tumango.

" Sige ihahanda ko lang. " Tumango nalang ako sakanya, Pumasok naman sa isip ko sila pinuno at lucian, ayos lang kaya sila,? Kailan kaya nila ako bibigyan nang Sulat.? Gusto ko na silang makasama.

Napa ayos ako nang Upo Ng makita si Lily na may hawak na Plato Agad nyang inilagay iyon sa maliit na Lamesa, Tinignan ko naman ang niluto nya.

" Anong tawag jan.? "  Kakaiba kasi ang itsura parang hindi galing dito.

" Yan ang bago kong natutunan, gusto kasi nang Kamahalan na Gumawa ako nang Ulam mula sa mundo nang mga tao, kaya Inaral ko iyon. "  Masayang paliwanag nya. Ganito pala ang pagkain sa mundo nang mga tao, Kakaiba.

" At ang tawag sa Ulam na iyan ay, Kaldereta., "  tila nahirapan pa ito sa pagbigkas sa Pangalan nang Ulam, dahil ako rin kakaiba sa akin ang pangalan nang ulam.

Kumuha na ako nang Kutsara at agad na tinikman iyon, Namangha naman ako dahil ang sarap nit, Hindi ko alam na may ganito palang taglay na galing si Lily sa pagluluto,

" Ano sa tingin mo.? Masarap ba.? " tumango naman ako, Paano kaya kapag natikman ito ni pinuno lalo na si lily.? Mahilig din kasi iyon sa pagkain nang nang mga tao,

Hindi ko na alam kung Nakailang kanin ako dahil sa nasarapan talaga ako sa Ulam, Iyon lang talaga ang pumasok sa panlasa ko, dahil kakaiba talaga ang lasa,mukhang sinunod lahat ni Lily ang mga Pampalasa at mga sahog,

Matapos naming Kumain Hinugasan Kona agad ang mga Plato, Lumabas din muna ako nang kwarto dahil Hindi pa naman ako inaantok,

Sumalubong Sakin ang sariwang Hangin Napangit naman ako dahil, Naa-lala ganito ang Gawain ko sa lupain namin. Kaya lagi akong Pinapagalitan ni Pinuno, dahil gabi na nasa labas parin ako. Umangat naman ang tingin ko sa Buwan,

Mabilis akong napalingon dahil sa kaluskos, Nawala ang atensyon ko sa tinitignan ko dahil don,

" Sino yan.? "  Tanong ko dahil patuloy parin yung pag-galaw nung dahon, napalunok nalang ako dahil baka kung anong meron jan. hindi kapa mas nakakatakot pa sa dragon.? Hindi kaya isang kalaban na nakapasok.?

Unti unti nang Lumabas Ang Nakatago sa Dahon, Nagulat pa ako nang mapagtantong Kung anong bagay ito, Isang....Aso.?

" Ano ginagawa mo dito.? "  Agad ko namang itong binuhat, At talagang Nasiyahan ako ang Kapal nang balahibo nito at mukhang alagang alaga,

Pinasok ko ito sa Palasyo dahil mukhang Naligaw ito, bukas ko nalang hahanapin ang nagmamay-ari sakanya.

" Hoy, Arcadia saan mo nakuha ang aso nayan.? " Lumapit ito sakin at Tinignan din ang Hawak kong aso,

" Nakita ko lang jan sa mga dahon, Kinuha ko muna mukhang naligaw eh. "  Ani ko at hinaplos ang Balahibo nang aso mukhang nagustuhan naman nang aso dahil mas dumikit pa ito sa akin.

" Naku, mamaya baka Hindi yan aso, malay mo nagpanggap lang na aso para makapasok dito.! "  Pangangaral nito sakin napanguso naman ako dahil don.

" Hindi naman halata. Mukhang aso naman talaga ito ei, "   nginitian ko ang aso At hinaplos ulit ang balahibo, Wala namang kakaiba sa aso.

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now