Chapter 14

410 34 17
                                    

Arcadia's Point Of View

Chapter 14

Maraming nangyari kahapon at Naging Masaya naman Kaming lahat nang mga kauri ko, napag-alaman ko din na sa tuwing Kaarawan ni Zamir ay ginagawa nya ang ganitong bagay, at nagpapasalamat naman ako dahil don.

" Arcadia, "  Tawag sakin ni Lily.  ipinagpatuloy ko lang ang Pagdidilig ko nang halaman dahil malapit ng bumukadkad ang Bulaklak na lotus.

"  Bakit ba nawala ka nalang kahapon, may nangyari ba.? "   Napatigil naman ako dahil sa sinabi ni Lily, Hindi na kasi ako bumaik pa doon sa lawa nang mga Diwata dahil sa Nakita ko. Pero Hindi na iyon dibale.

Akma pa sanang magsasalita si Lily nang Sunod-sunod na mga Gwardya ang Pumunta dito. Halata ang Hingal nila dahil lsa ginawang pagtakbo, Ang iba naman sakanila ay Duguan at mahihina na Ang espiritual na kapangyarihan.

" Pakiusap, Punong kamahalan. "  sigaw Nang Isang Gwardya na sa tingin ko ang Mataas sa kanila.

Tinignan ko nalang ang pagbukas nang malaking pintuan ni Indra, Lumabas sya doon seryoso ang postura nito na animo'y alam na nya ang nangyayari.

" Ang demonyong Dragon na may tatlong Ulo ay muli na namang  nagpakita, At mas naging malakas iyon. Kasalukuyan po itong Malapit sa lupain nang mga Diwata. "  Binalot agad ako nang Kaba at takot matapos sabihin nang Gwardya ang Huli.

Wala Naman sigurong masamang nangyari sakanila Hindi ba.? ligtas naman silang lahat.

Lumitaw narin ang iba pang dyos, nagulat din ako sa Pagsulpot ni Yair, Nakauwi na sya Hindi ko alam kung saan sya nang-galing nang ilang buwan.

" Kailangan na nating pugsain ang halimaw na iyon, baka magdulot pa iyon ng malaking gulo. " rinig kong pahayag ni Zamir,.

Pinanood ko lang silang umalis sa paningin ko habang ako Naman ay Nababalot na nang takot para sa mga kauri ko. Sana ayos lang sila!.

" Arcadia.? "  Kita ko ang pag aaalala sa mata ni Lily kaya bahagya kong pinisil ang kamay nya.

Naghintay lamang kami sa pagdating Nila Yair ngunit Wala parin sila, Napatayo akong Bigla nang Makita si Kine.

" Kine.? Ano nang balita? napugsa naba ang Demonyong dragon.? "  Sunod sunod kong tanong sakanya.  Matagal ito bago sumagot at Mukhang nagdadalawang isip pa.

" A-ang totoo, Maraming mga Diwata ang nasugatan dahil sa pagsugod ng halimaw, Ngunit nandon naman ang ibang dyos para tulungan sila. "    Napakagat nalamang ako sa labi dahil don,

" K-kamusta Ang lupain.? A-ayos lang ba.? "  Kita ko ang Lungkot sa mukha ni Kine, Kung Ganoon Hindi ayos Ang lupain namin.

Akma na Sanang Aalis si Kine sa Harapan ko nang mabilis kong nahuli Ang braso nya. Hindi ako makakapayag na Hindi sila Makita, Gusto ko lang naman Siguraduhin na Ayos lang sila. Tama!

" Sasama ako! "  seryosong Pahayag ko sakanya.

" Ngunit delikado ngayon doon. Hanggang ngayon ay Nakakulong parin sa Ginawang harang ni indra Ang dragon,  Maaring makalabas ito Kahit ano Mang oras. "    Ani nito,.

" pero Hindi ako mapapanatag habang ang Mga Kauri ko ay nasa panganib. "  Hindi ako papayag na Makita silang nahihirapan habang ako ay nandito lang.

"  A-arcadia. Sasama ka.? "  Namamasa na Ang mata ni Lily dahil sa pag-iyak, hindi ko kasi sya isasama sa Pagpunta sa lupain masyadong delikado baka pati sya ay mapahamak.

" Mag-iingat ako, Pangako yan. "   Pangungumbinsi kopa dito Agad naman nya akong niyakap kaya tinugonan ko nalamang iyon.

"  Kapag bumalik ka dito ng Meron Sugat, Tandaan mo Hindi na kita papansinin. "  Napatawa naman ako sa sinabi nya,.

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now