Chapter 31

141 18 11
                                    

Arcadia's Point of View

Chapter 31

" zaniya " nagtaka ako dahil sa pag banggit ni imre sa isang pangalan.

" anong zaniya, imre. hindi monaba ako nakikilala.? si arcadia ako! "  bulalas ko sakanya tila nagising naman sya' muli syang bumalik sa dati nyang ekspresyon.

" bakit umalis ka sa harang.? alam mo bang nagagalit si ate. "  napakamot ako sa ulo dahil din, alam ko ng magagalit ko si kamil ngunit sinubukan ko lang kung matatanggal ko ang harang ngunit hindi ko akalain na magagawa ko pala.

" paumanhin imre, hindi ko naman sinasadya. "  bahagya akong yumuko, dapat pala ay hindi nako tumakas. malaki ang utang na loob ko kay kamil dahil tinulungan nya akong magpalakas.

At ngayon nakamit kona ang gusto ko, talagang masaya na ako. naging malakas din ako tulad ng pangako sa sarili.

" bumalik na tayo, gusto ka ng makausap ni ate. " huling sabi bago maunang maglakad.

Lumingon pa ako sa lugar, isang malaking salamin ang muli kong nasilayan nakita ko ang repleksyon ko, ngunit pakiramdam ko ay may kakaiba sa salamin na iyon.

" sinabi ko sayong' huwag' kang kikilos ng hindi ayon sa utos ko. pinapahamak mo lamang ang sarili mo! " napapikit ako dahil sa galit na boses ni kamil. totoong nakakatakot ito kesa kay pinuno.

"  paumanhi, kamil. hindi ko sinasadya.  " hinging tawad ko sakanya. mariin naman itong pumikit na tila nag titimpi ng galit.

" sa susunod na sumaway ka sakin, may kaparusahan kang matatanggap. maliwanag. " sunod sunod akong tumango hindi ko alam ang biglang paghihigpit sakin ni kamil, siguro ba dahil matagal akong nawala sa palasyo.?

Nakahalukipkip lamang ako, kanina pa ako kainakin ng kainipan wala akong magawa ni hindi rin ako pwedeng mag-lakad, lakad dahil baka ay may makakita sakin.

Para tuloy ako naging isang kriminal.

"  alam kong  naiinip kana. paumanhin sa pinakitang ugali ni ate. " biglang sumulpot sa tabi ko si imre ngunit nanatili parin ang atensyon ko sa kawalan.

Gusto kona talagang puntahan ang mga kaibigan ko, pero dahil malaki ang utang na loob ko kay kamil ay hindi ko sya magawang sawayin.

" ayos lang imre, naiintindihan ko rin si kamil. siguro gusto nya lang akong protektahan, matagal akong nawala at iniisip nyang baka magulat ang makakakita sakin. "   bahagya akong ngumiti sakanya na sinuklian naman nya.

"  mahigpit talaga si ate, ganon din sya sa akin nung' ako yung sinasanay nya.. " natatawang Komento nya, sandali akong napatigil ng may maalala kanina.

" oo nga pala, bakit binanggit mo ang pangalan na ' 'zaniya' kanina.? "  bahagya itong natigilan.

" ahh, may naalala lang kasi ako. meron akong isang importanteng kaibigan. ang totoo kamukha mo sya. " nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

Napatango naman ako sa sinabi nya. ang totoo ibang iba ang imre na nakita ko kanina. puno ng pangungulila ang mukha nya.

Bumuntong hininga ako, at tinignan ang paligid natigilan ako ng makita ang isang pamilyar na lalaki, bumilis ang pintig ng puso ko at napalunok.

Hindi ko makakalimutan ang awra nya, kahit malayo sya alam kong' sya iyon.

kamusta na kaya ang lagay nya.? hinanap ba nya ako ng tumalon ako.?

" arcadia, kailangan na nating' umalis. "  nawala ang atensyon ko sa tinignan dahil sa sinabi ni imre.

Siguro may tamang panahon para muli kaming magkita, sana ay mabuti ang lagay nya. buti nalang at maayos na ang espiritual nyang kapangyarihan.

" arcadia, ramdam moba ang sumusunod satin.? "  bulong ni imre napa-angat ang tingin ko ng makaramdam ng malakas na enerhiya.

" oo, base sa kapangyarihan nya, hindi sya kalaban. "  at bakit kami sinusundan, hindi kaya may nakakita na sa akin?

Halos mapasigaw ako ng biglang huminto sa harapan namin ang sumusunod sa amin ni imre. agad kong hinanda ang sarili

"  remi, bakit ba nagpapalit ka agad ng enerhiya mo.? alam mo bang delikado ang ginagawa mo.? " malakas na bulyaw sakanya ni imre, doon lamang ako naging kampante dahil kilala pala ito ni imre.

" paumanhin, binibini ngunit nais ko lang subukan ang kakayahan ng diwata, hindi naman ako nabigo. magaling talaga ang nagturo sakanya... "  natatawang ani nito.  hindi ko tuloy mapigilang mawirduhan sakanya.

"  nais moba akong makilala.? "  napakurapkurap pa ako bago tumango.

"  sige, ngunit sa isang kondisyon. pwede ko bang mahawakan ang iyong kamay.? "  ibibigay koba ang nais nya—?

"  sige na arcadia, hindi ka nya sasaktan. "  panatag na sabi ni imre.

Unti-unti kong inabot ang kamay ko sa lalaking nag-ngangalang remi. pumikit ito ng mahawakan na nya ang kamay ko kaya bahagya akong napanguso. hindi ko alam na may iba pa palang kakilala itong si imre.

Binawi kona agad ang kamay ko ng bitawan na nya ito ngumiti ito ng malapad sakin.

"  magpapakilala na ako, binibini.  isa akong diwata katulad mo.. " nanlaki ang mata ko dahil don, hindi ko naramdaman ang pagiging diwata nya.

" ngunit hindi ko ramdam na kaisa kita,? " gulong tanong ko dito.

" dahil ay namatay na ako bilang diwata, binuhay ako ng isang kaibigan at nakakuha ng isang magandang regalo mula sakanya. "  paliwanag nito.

"   tama sya, arcadia. kaibigan namin syang' dalawa ni ate. may pagka wirdo sya ngunit pagtyagaan mona. " tinapik ni imre ang balikat ko kaya tanging' pag tango na lamang ang nagawa ko.

Nauna na akong pumanhik sa kwarto dahil nag uusap pa si imre at yung remi. nakahiga na ako ngayon sa kama ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok.

itinaas ko kamay sa era napatingin ako sa braso ko at isang ala-ala ang bumalik sa aking isipan. yung porselas, nasaan na kaya iyon? ang huling kita ko doon ay nasa kamay iyon ng prinsesa ng durram.

Siguro kung hindi ko nawala iyon sa braso ko ay, kasama ako ni indra na makabalik sa palasyo.

Ngumiti ako ng maalala ang kanina, hindi ko man nakita ang mukha nya ngunit ang awra nya ramdam na ramdam ko iyon, kahit na nakatalikod sya sakin ay alam ko sya iyon.

ang punong dyos'.

Nangungulila kaya sya sakin? nais nya pa ba akong makita? magiging masaya ba sya kapag nakita nya ako ulit?

Wala sa sarili akong napa upo at hinawakan ang pisngi, ramdam ko ang pa init ng mga pisngi ko.

" ano ba ang mga sinasabi ko.? ganito ba ako kasabik.? "  napasabunot ako sa sarili dahil sa mga naiisip.

Umiling ako ng umiling hanggang sa mawala ang kakaiba kong iniisip para sa punong dyos' hanggang sa maramdaman kona rin ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.



Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now