Chapter 11

451 37 13
                                    

Arcadia's Point Of View

Chapter 11

" Mali yan, ulitin mo Buhatin mo nang maayos ang espada mo. "  Kasalukuyan akong Tinuturan ni Kine At hanggang parin. Hindi ko magawang buhatin nang maayos ang espadang hawak ko,

" M-mabigat kasi,. "  Nauutal ko sabi Napakamot naman ito sa batok kaya nahihiya akong tumungo.

" Hindi ka matuturuan ni Amo, kaya ako muna ang Magtuturo sayo. Ano gusto mo bang bukas nalang,?bukas pa ang dating nya. "  Ani nito, kaya bigla akong pinamulhan, Seryoso talaga ang Punong Dyos sa sinabi nya na tuturuan nya ako.

" K-kaya ko naman, gawin na natin Ngayon. "  Ani ko, tumango naman sya inayos kona rin ang sarili ko, Pinilit ko hawakan nang maayos yung espada.

Nagsimula nang sumugod si Kine kaya halos mataranta ako kung paano Ang gagawin ko sa espada,.

" Iwagayway mo. " malakas na sogaw ni kine kaya ginawa ko Naman halos makahinga ako nang maluwag dahil Naiwasan ko ang Pagsugo nya.

Pagod akong nahiga sa Kama matapos nang pagsasanay namin, Hindi ko akalain na mahirap pala ang ganong pagsasanay at yun din ang Unang beses kong makahawak nang Espada dahil ipinagbabawal iyon sa lupain namin.

" Kamusta ang pagsasanay mo? " tanong ni lily at naupo sa tabi ko,

" Ayos lang, " simpleng sagot ko.

" Alam mo Arcadia..may Napapansin ako sayo.. "  nangunot naman ang noo ko dahil don, bakit? may kakaiba ba sakin? wala naman akong Napapansin,

" Ano ba yon? "  Tanong ko din sakanya, humawak pa ito sa baba nya na tila nag-iisip nang sasabihin.

" Kapag kasi nababangit ang pangalan nang punong dyos, Hindi ka lagi mapakali, may problema kaba sakanya.? " inosenteng tanong nito, Nasamid tuloy ako sa sarili kong laway.

" H-hindi ah. " pagtanggol ko at umiwas nang tingin, Parang si Lucian talaga sya, napaka-kulit.

" May gusto kaba sa punong dyos.? " Literal na nanlaki ang mata ko sa sunod nyang tinanong.

" Ano kaba lily, Paano mo nasasabi ang mga ganyang bagay.? pano kung marinig ka nila Jan sa labas.? "  pangaral ko dito,

" Bakit.? Hindi naman masamang magkagusto sa punong dyos, Hindi ba.? " Gatong nya pang muli, Mabilis kong kinuha ang espada ko, bahagya naman akong natawa dahil dali-dali itong lumabas nang kwarto.

Humiga nalang ako sa kama, Napunta ang mga mata ko sa espadang bigla nalamang lumapit sakin, Kakaiba ang Espada nayun sa totoo dahil parang may buhay na espiritu ang nanunuluyan don.

Nilapitan ko ang Espada at sinipat ang kabuuan nito, Namangha ako sa desenyo dahil kakaiba, Para syang gawa sa yelo na babasagin at may Nakaukit na kakaibang Letra, sa tingin ko ay pangalan ito.

Dahil Hindi pako dinadalaw nang antok nilibot ko nalang ang kabuuan nang kwarto ko at masasabi ko ng napakalawak nito, mukhang pwede na Kaming tumira lahat dito nang mga kauri ko,

" Kamusta ang pagsasanay mo.? " Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita, agad ko naman hinarap ito.

" K-kakatapos lang po, punong dyos. " magalang kong Sagot yumuko ako upang magbigay nang galang.

" Hindi mo na dapat gawin ang bagay  nayan, Kaibigan kita Kaya hindi mona kailangang gumalang Sakin. "  Ani nya, Kaya sinunod ko nalang.

" Mukhang Nasiyahan ka sa paglilibot mo dito. "  biglang umtras ang dila ko dahil sa tanong nya,. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.

" Ayos Naman po, maraming kakaibang bagay ang makikita. "  Sagot ko naman

" Yung porselas, Huwag mong hubarin yan, Ramdam kong Hindi pa masyadong malakas ang katawan mo. "  Napatingin naman ako sa braso ko kung saan nakalagay porselas, sa totoo lang ayos Naman ang pakiramdam ko, Ang lakas lakas na nang katawan ko e.

Pinanood ko nalang na lumabas nang Kwarto si Indra, at syaka sinara ang Pintuan Tumingin ulit ako sa porselas ko at may Kaunting liwanag ang nang-galing don, Nakaramdam na naman ako nang malakas na enerhiya. Huh? Ako lang ba pero Sa tuwing Nasa Malapit si Indra lumalakas Ang Pwersa nang porselas nato para bang napupuno nang enerhiya,.

" Zaniya, Hindi moto pwedeng gawin. "

" Pero eto lang ang tanging paraan, para maging ligtas ang lahat. "

Habol hininga akong Nagising mula sa Pagtulog, Bigla nalang sumulpot ang boses nayon, Tanging Mga boses lang nila ang naririnig ko dahil napakalabo lahat nang imahe, At Ang tanging malinaw lang sakin ang isang malaking Kristal at Napakaliwanag nito.

"  Arcadia ayos kalang.? Eto na Ang pagkain mo. "  Nabalik ako sa realidad nang Magsalita si lily nginitian ko nalang ito.

" Salamat, kumain kanaba? "  Tanong ko dito, Nakangiti naman itong umiling

" Sabay tayo hehe... "

••••

" teka nga arcadia, may sakit kaba.? bakit kanina kapa tulala.? "  ani ni Lily.

" Ha? ayos lang naman ako, "  Tinignan pa ako nito nang mabuti, Bigla naman itong pumalakpak na syang ipinagtaka ko.

" Siguro kaya ka tulala dahil dumating narin ang Punong Dyos Hindi ba.? Ayieee " sinundot sundot nito ang Tagiliran ko.

" Ano kaba Hindi nga, "  Pag tanggi ko. natigilan lamang kami nang may kumatok sa pinto at niluwal non si kine.

" Arcadia, Simula nang pagsasanay mo sa kamay ni amo. " Nanlaki ang mata ko dahil don, paano ko nakalimutan ang ganong bagay.

Dali-dali kong kinuha ang Espada ko at Nakalimutan kong mabigat pala ito at muntikan ko nang Mahulog.

Halos matisod pa ako para lang mabilis na makarating sa Pagsasanayan ko, Mabilis akong yumuko Nang makita si Indra na prenteng nakaupo, Hindi ko akalain na nandito na pala sya.

" Bitawan mo ang Espada mo. " mabilis ko naman iyong nabitawan pero Saktong tumama iyon sa paa ko kaya halos mangiyak ako sa sakit, Tinawanan naman ako ni Lily at kine na nanonood din pala sakin.

Umayos nalang ako nang tindig at Hindi na dinamdam ang sakit nang paa ko.

" Buhatin mo ang mga yan. "  may tinuro itong isang Puting bagay pero hindi ko alam kung ano..

" ano bayan? "  Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil don, gusto ko ring malaman kung ano yon.

" Sako, na naglalaman nang mabibigat na bato. kailangan mo yan buhatin at dalhin sa kwarto mo. " napanganga naman ako dahil don, Hindi ba nya alam na babae ako? paano ko mabubuhat ang Sako na naglalaman nang puro bato? Hibang Naba ang dyos nato?

" Teka nga? Nanadya kaba? " hindi ko na napigilan ang emosyon dahil sumabog na ito, mas maganda siguro kung si kine nalang ang Nagtuturo sakin,. Kainis!

" Hindi. Yan ang tamang pagsasanay sayo. " Dugtong nya at Sumimsim nang tsaa,. Napabuga nalang ako nang hangin dahil sa inis.

" Sige, bubuhatin ko yan at kapag naidala ko yan sa kwarto ko, Ano naman ang magiging premyo?. " Mayabang kong tanong Deretso naman ako nitong tinignan.

" Ibibigay ko sayo Ang espadang Nasa kwarto mo. "  Ang bagay nayon? ang pagmamay-ari nang dating Punong Dyos? i-ibibigay nya sa isang tulad kong mababang-uri?.

" Seryoso kaba.? " pagkaklaro ko ulit, ngunit Hindi nako nakarinig nang sagot sakanya. Pumunta nalang ako kung saan nakapwesto ang Sako, Wala sa sariling napalunok ako nang Makita kona ang kabuuan nito.

" kaya mo yan arcadia, "  Anang ni lily pilit naman ako ngumiti sakanya. Siguro nagbibiro lang ang Indra nayon, Alam nyang Hindi ko mabubuhat ang bagay na ito kaya imposibleng ibigay nya sakin Yung espada.

Bumuga muna ako nang hangin bago Hawakan ang Sako, Mabilis kong inangat ang mga braso ko pero napatigil ako nang mapagtanto ko kung gaano kabigat ang Sako nato, mukhang aabutin ako nang Ilang linggo para madali ito sa kwarto ko.













Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now