Chapter 7

552 46 5
                                    

Arcadia's Point Of View

Chapter 7

" Bakit ang tahimik mo naman.? Kahapon kopa pansin yan, " Tumabi sakin sa pag-upo si lily Habang ako ay nakapangalung baba lang, Hindi ko lubos maisip na Isa pala syang Dyos, At ang masaklap pa. Sya ang namumuno sa tatlong dyos,

" Lily, Gaano ba kalakas ang Chief God.? " Wala sa sariling tanong ko, Umayos naman sya nang upo at Mukhang nasasabik na magkwento,

" Sobrang lakas nya, Maaring sya na ang Magiging bagong Supreme deity, Walang makakasabi sa lakas nyang taglay. " Kaya pala. Kaya pala madali lang sakanya yung ginawa nya sa Golden lake, dahil Malakas talaga sya.

Naawa lang sya sakin nang Mga oras nayon, Kaya nya ako tinulungan. Bakit ba may iba akong iniisip.

" Arcadia,. " Napalingon ako sa tumawag sa boses ko at si Yair ito, Hindi ko alam kung saan nag susuot ang makulit na dyos nato,

" Kamahalan, Bakit po.? " Tamad kong sagot sakanya., Nangunot naman ang noo nito

" Kailan pa kita sinabihan na tawagin mo ako nyan. " Tanong nito,

" Kailangan ko po itong gawin bilang paggalang, Isa po kayong Dyos kaya Kailangan igalang kayo.. " Sagot ko naman, Nanatiling nakakunot ang Noo nito Habang nakatingin Sakin, Hindi ko naman mapigilan ang mailang. Bakit ganon sya makatitig,

" May ginawa ba sila sayo.? Sinaktan kaba nila.? " Napa-angat ang tingin ko dahil sa sinabi nya, Hindi ko alam ang tinutukoy nya,

" Wala nam--"

" Napansin ko ang Biglang pag hina Ng Espiritual na kapangyarihan mo, May ginawa ba sila sayo.? " Napalunok nalang ako dahil bilang naging seryoso ang Boses nito, Parang hindi sya ang Yair na Laging madaldal at makulit,

" Wala naman silang ginawa sakin,. " Sa totoo lang ayoko na nang-gulo At kapag sinabi ko ang totoo Baka lalo lang lumala ang lahat,

Magsasalita pa sana ito nang, May nauna nang magsalita samin. at napaka pamilyar nang boses na iyon,

" Pinunong Yair, " Bati ni Kine, Sandali ako nitong tinignan bago ulit balingan si Yair,

" Bakit ka nandito.? bakit wala ka don sa amo mo.? " Tila inis nyang sabi,.

" May pinapasabi lang si amo,. Kailangan mong sumama sakin para makausap ka nya,. " Wag sana akong isama ni Yair, Ayoko talagang makita Si Indra.

....

" Wahhhh, Nakit moba yun Arcadia.? Ang gwapo talaga Ni Master Kine... " tiling sabi ni Lily kaya hindi ko maiwasang mapangiwi, May Paghanga ba sya sa dragon nayon.?

" At teka nga, bakit kanina tinitignan ka Ni master kine.? kilala mo ba sya.? " Mausisa nyang tanong Napailing nalang ako dahil don,

Yair's Point Of View

Hindi ko maiwasang mainis sa tuwing nakikita ko ang lalaking ito sa harapan ko, Sa loob nang Ilang milyong taon, Hindi ko Parin Ma tapatan ang kapangyarihan nya.

" Bakit moko Pinapunta dito,. " Bagot kong tanong at uminom nang tsaang nasa harap ko,

" Ang harang... Nag sisimula na naman itong masira, " Napatigil ako dahil don. Naiyukom ko nalang ang kamao ko, Ako lang ang May kayang Takpan ang Harang, Pero ngayon nagsisimula na naman itong masira. Mukhang Hindi kona mapipigilan ang paglabas nang lalaki nayon,

" Kailangan mong Pumunta ngayon sa lupain nang mga Diwata, " Pag-uutos nya,.. Wala akong magagawa dahil Sa ngayon ako lang may kayang Isarado ang harang na iyon. nakakainis!

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now