Chapter 3

890 59 4
                                    

Arcadia's Point Of View

Chapter 3

Patakbo akong pumunta sa Bahay ko Nang makita kong pumunta doon si lucian, balak ko sana syang supresahin dahil ang akala nya matatagalan ako doon sa gintong lawa.

" Lucian.! " Napahawak naman ito sa kanyang dibdib dahil sa gulat. tila hindi nya inaasahan na makikita nya ako dito.

" Hoy.! bakit nandito kana agad.? akala ko aabutin ka nang ilang buwan don. " Gulat din nyang pahayag.

" Meron kasing tumulong sakin magpalakas. At isa pa syang prinsepe, " Masayang kwento ko.

" prinsepe.? Isang himala dahil merong pumunta doon na Isang maharlikang uri,. " Bumalot ang pagtataka sa mukha nya dahil don, miski ako nga rin hindi makapaniwala na may isang prinsepe ang pupunta doon.

" Alam mobang, tinulungan nya akong magpalakas.? ramdam kona Ngayon na medyo lumakas ang espiritual na kapangyarihan ko,. " Hindi magkamaliw ang pag-kwento ko kay lucian, sana nga makita ko pa ang prinsepe na iyon. O hindi kaya, pumunta ako sa continente nang durram. Para personal na nagpasalamat sakanya kanina. Mukhang nagmamadali kasi sya kanina kaya hindi ko iyon nagawa,

" Sige nga i-kwento mo sa akin ang nangyari, Sayo sa gintong lawa. " Para naman akong ginanahan don. Sinabi ko lahat ang nangyari sakin sa gintong lawa, at halos magulat naman sya nang malamang nakita ko ang dragon. Na sinasabi nya, At nagpapalit din ito nang anyo. Marami kasing nakaka-alam na Mabangis ang dragon pero ang totoo ay hindi naman.

" Talaga bang nangyari saiyo yon sa gintong lawa.? " Masaya naman akong tumango, Sana nga ay maulit ang pagkikita namin nang prinsepe. Pero impossible narin iyon. baka nga nagkataon lang at napadpad din sya don,

" Gwapo ba ang prinsepeng nakita mo.? " Pakiramdam ko nakaramdam ako nang kilig dahil don. Hindi ko nga alam kung paano sya ilalarawan. At isa lang ang masasabi gwapo sya at mabait.

" Oo naman. " taas noong sabi ko, Hindi ko naman kailangan magsinungaling dahil totoo namang Maitsura sya,

" May paghanga kaba sa prinsepe.? " Agad akong pinamulhan dahil sa sinabi ni Lucian, Kahit kailan naman ay hindi ako nagkagusto sa ibang kauri kong diwata at hindi ko rin Naiisip ang ganon.

Agad akong nag iwas nang tingin, " Syempre hindi. Wala akong karapatan para magkagusto sa isang prinsepe,. " bahagya namang napairap si lucian dahil don,

" Ang sinasabi ko paghanga lang. iba ang gusto sa paghanga, Arcadia. " Ngumisi ito at tumayos sa pagkakaupo. sandali naman akong natigilan dahil don

Magkaiba ba iyon.?

" Arcadia, nakablik kana pala. "  humahangos na tumakbo sa pwesto namin si Iya, Isa syang diwatang tapagbantay sa Harang kaya bakit sya nandito.? Meron bang masamang nangyari.?

" Bakit nandito ka iya.? "  Salubong ko sakanya,

" Ang harang. Bigla itong humina. Nagkakagulo narin ang ibang mga diwata dahil don. " nakaramdam agad ako nang kaba dahil don. Ilang Libong taon na simula nang lagyan nang ang mga dating pinuno namin nang harang mula sa mga itim na salamangka. Na syang nagbibigay nang delubyo sa sanlibutan,

" anong gagawin natin.? "  komento rin ni lucian pati rin sya ay hindi na mapakali, kapag tuluyan nang nasira ang harang maraming mga diwata ang Manganganib ang buhay. dahil ang usok na nagmumula sa angkan nang mga itim na salamangka ay nakakamatay, tanging kauri lang nila o dyos lamang ang makakaya ang usok naiyon.

Hindi nako nagdalawang at pumunta na agad sa lugar kung saan nakalagay ang harang,  Nararamdaman ko agad ang malakas na pwersa nang makarating ako doon. Mas lalo akong nangamba nang Makita si pinuno na syang pinipilit Na palakasin ang harang,

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now