Chapter 10

485 40 25
                                    

Arcadia's Point Of View

Chapter 10

" Ang bilis mo namang gumaling., " Bulalas ni Lily  Nagtataka nga rin ako dahil don. Siguro dahil iyon sa porselas na nasa braso ko.? simula kasi nang suotin ko iyon parang nag uumapaw ang katawan ko sa enerhiya.

"   Teka dumating naba Si Yair.? " Tanong ko nagulat pako nang Takpan nito ang bibig ko,

" Ano kaba arcadia, bakit Yair lang ang Sabi mo.? Kapag may nakarinig saiyo na iba baka ipapatay kana nila. " Mariing bulong nito,

Napanguso nalang ako dahil don, Parang Si Pinuno minsan si Lily minsan naman   
Si lucian, May dalawa ata itong pagkatao ei,

"  Mga binibini, nandito pala kayo! " Pansin ko ang pag-irap ni Lily na para bang naiinis sya sa presensya nang kakarating lang na si Kine.

" Anong problema.? " Bulong ko sakanya, Bigla naman nangasim ang mukha nito.

" Naiinis ako sa dragon nayan, Ayaw ba naman akong Papasukin dito sa palasyo Nang punong Dyos. akala mo kung sino! " Gigil nyang sabi, Mukhang napansin ni Kine ang pagbubulungan namin kaya umayos na ako nang tayo,

" Bakit ka nga pala nandito kine.? "  Nginitian ko ito, At Nagpanggap na walang nangyari.

" Pinapatawag ka Ni pinuno, Gusto ka nyang Makausap. "  Napatigil naman ako dahil don, Kaya kona kayang makita sya? Naiilang talaga ako sa presensya nya.

"   S-sige Pupunta ako,. " 

Nagmamadali lang akong naglakad Papunta sa Silid Nang Punong Dyos Bawal ko syang Hindi sundin, Baka mamaya maging abo ako bigla.

Kakatok na sana ako sa Pintuan nang Bumulaga na sya don, Halos tumalon naman ang puso ko dahil don.

"  Nagulat ba kita? "  Akma nyang hahawakan ang braso ko pero mabilis akong Umatras at yumuko,

" Ayos lang po, ako Punong kamahalan wala kayong dapat ipag-alala. "   Napatahimik naman ito kaya Hindi ko mapigilang hindi umangat nang tingin, Napalunok ako dahil nakatingin parin pala ito sakin.

"  May kailangan poba kayo sakin.? " nagbaba muli ako nang tingin, rinig ko naman ang pag-tikhim nito.

" Nais kita Turuan sa pag-gamit nang Espada. "   Gulat akong Napatingin sakanya dahil sa sinabi nya,

" Huh.? Bakit nyo naman ako tuturuan, Isa lamang akong Mababang Katulong. "  Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi ko, Totoo naman.

" Bilang isang Personal kong tagapaglingkod, Kailangan mong matutong lumaban. "   Muli akong naguluhan sa sinabi nya, Paano kapag nalaman ito ni yair.?

" H-ha.? "  Hindi ko alam ko saan ko napulit ang Sinabi ko, Ayoko ring umayaw at ayoko ring humindi.

" Bakit tila nagbago kana.? Ang isang palangiting diwatang nakilala ko, Ay naging iba na ang pakikitungo sakin. " sumbat nito sakin kaya napatahimik ako,

" H-hindi ko pa po kasi, alam na isa kayong Mataas na Dyos. "  Sagot ko naman.

Hindi kona sya narinig na Sumagot dahil Umalis na ito sa harapan ko, May kinuha itong kung ano at Ibinigay sakin. Halos Mapaupo naman ako sa sahig dahil Isang Espada ang binigay nya Sakin, napakabigat!. Kulay Pilak ang Kabuuan nito at Masasabi kong napakasimple lang nang Disenyo.

"  bukas nang umaga magsisimula ang pagsasanay,. "   Napanganga nalang ako nang iwanan na nya akong mag-isa, ni hindi pa nga ako pumapayag sakanya.

••••

Pagsak ang balikat ko nang bumalik sa kwarto ko, Naagaw na naman non ang atensyon ko ang Espadang Napakawirdong Lumipad sa harap ko nung nakaraan, Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sa isip at sa katawan ko na hawakan ang Espada na ito, Kawa wala na akong nagawa. Marahan kong Hinawakan ang Espada at kakaiba dahil napaka-gaan nang loob ko sa espadang ito, na para bang Matagal kona itong nakita.

"  Iyan ang Espada, Nang Dating punong Dyos. "  Napalingon ako nang magsalita Si Kine, hindi ko alam na nakapasok na pala sya dito sa kwarto ko.

" Bakit nandito ito.? Hindi mas magandang nasa sagrado itong lugar.? "  Meron din palang dating punong dyos.? Ang akala ko ay Si Indra lang.

"  Wala kaming magagawa, Kahit ilipat namin sa mas-maganda na lugar ang Espada nayan ay, paulit-ulit parin itong bumabalik sa lugar nato. " mahabang pahayag nya at problema dong Bumuntong hininga,

"  Bakit naman ganon.? " Tila may nagtutulak sa akin na Kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit ganon ang Espada,

" Dahil, May sariling buhay ang Espada na iyan.  At Naniniwala din syang babalik ang Gumagamit sakanya. "   Napatingin akong muli sa Espada. Grabe pati pala Espada may sarili naring buhay, Pero bakit dito mas gustong manatili nitong Espada.? at bakit hinihintay parin nya yung dating punong dyos.?

Nagdidilig lamang ako nang halaman, Yun kasi ang inutos sakin ni Kine, At ako lang ang nag-iisang tagapaglingkod sa malaking palasyo nato kaya hindi talaga ako sanay, lalo na't wala si Lily.

" Hindi ko akalain na pati ang puso nang Punong dyos makukuha mo. "  Napa-ayos ako dahil sa boses na iyon. at hindi nga ako nag kakamali ang prinsesa pala ito.

Kulay ginto ang kasuotan nyang pang prinsesa, Malawak itong ngumiti sakin na tila may Pina-plano na namang bago,

"  Ano bang, klaseng mahika ang Ginamit mo at inakit mo sila? "  Napa-atras ako nang bahagya itong lumapit sakin Sya lang ang mag-isa at hindi rin nya kasama yung Matalik nyang tagapaglingkod.

Napuno nang kaba ang dibdib ko nang Magsimula syang bumuo nang Malakas na enerhiya sya kamay nya, halos hindi ko maigalaw ang katawan ko, Bigla nalamang Bahagyang umilaw ang braso ko kung saan Suot ko ang porselas, Halos mapanganga ako nang makita ang kamay kong may Puting enerhiya na Nababalot don.

Mabilis na itinapon Sakin nang prinsesa ang nagawa nyang enerhiya at Binato iyon sa pwesto ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang iharang ang kamay kong napupuno nang enerhiya sa paparating na Enerhiya sa harapan,

Unti-unti kong minulat ang mata ko at wala sa sariling napa-atras nang Makitang Nakaupo ang Prinsesa at may bahid ang llabi nang dugo,

Anong nangyari.? nasaktan koba sya.?

"  Saan mo nakuha ang ganyang kalakas na enerhiya.? "  humawak ito sa dibdib nya at umubo, akmang lalapit ako nang samaan nya ako nang tingin.

" Patawad po, hindi kopo alam ang nangyari. "   Halos matuliro na ako dahil sa nagawa ko, Hindi ko naman iyon sinasadya Bigla nalang lumabas sakin yung malakas na enerhiya, hindi kona napigilan masyadong malakas.

" Prinsesa.! "  Humahangos na lumapit sakanya ang tagapaglingkod nya at masama rin akong binigyan nang tingin,

" Anong ginawa mo.? naghihiganti kaba sa prinsesa dahil sa ginawa sayo.? " Galit nitong sigaw, Napailing nalamang ako dahil hindi ko alam ang gagawin.

" Ipapatay t--"  Napatigil kaming lahat nang Marinig ko ang tinig ni indra, Parang nagliwanag naman ang buong paligid ko nang Makita sya.

" Kamahalan, Paumanhin po akala po namin wala kayo dito. "  Mabilis na tumayo ang prinsesa nang durram at nagbigay nang galang.

" anong nangyari sayo, prinsesa. "  Seryosong tanong ni Indra, Sandali akong tinignan ng prinsesa bago muling bumaling kay indra,matamis nya itong nginitian na parang wala nang bukas.

" Nakakamangha dahil, ilang araw palamang sainyo ang Tagapaglingkod nayan. ngunit nakapag-palabas na ito nang malakas na enerhiya. "  Saad nito.

"  Bilang Una kong personal na Tagapaglingkod kailangan nyang maging malakas. "  Halos matigil ako sa paghinga dahil don.  Masama naman akong tinignan nang Prinsesa na mukhang lalong nagpadagdag sa Galit at inis nito sakin.

Wala naman akong masabi dahil don, Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi iyon totoo at nagsisinungaling lang sya.

Good morning, Have a Great day❤️

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now