Chapter 32

168 21 14
                                    

Arcadia's Point of View

Chapter 32

" matanong ko lang arcadia, bakit nangingitim ang ilalm ng mata mo.? "  napabuga ako ng hangin sa tanong ni imre, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kagabi.

"  wala to, marami lang iniisip. "  sagot ko nalang sakanya

" sino ang iniisip mo kung ganon? ”

"  si indra—yung mga kaibigan ko.. ” mabilis kong sagot agad naging mapanukso ang tingin nito kaya napa-iwas ako ng tingin.

Sakto namang dumating si kamil kaya bahagya akong nakahinga ng maluwag paniguradong tatadtarin na naman ako ni imre ng mga tanong. 

"  anong dahilan at nandito ka kamil.? " tanong ko sakanya' tumayo ako sa pag kakaupo.

"   oras na upang bumalik ka sa palasyo.. "  natigilan ako dahil sa sinabi nya. napalunok ako dahil sa balitang iyon ngunit hindi ako mapalagay dahil seryoso parin ang mukha nito.

"  pero may gagawin lang misyon. "  misyon.?

" Ngunit kamil, wala kang sinabi na pagbalik ko sa palasyo ay may gagawin akong misyon. "  aniya ko sakanya.

Hindi ito umimik at nanatili parin syang' seryoso. napayuko ako dahil sa sinabi nya.

misyon? ano namang klaseng misyon ang gagawin ko?

"  anong misyon ang nais mong gawin ko.? " ini-angat kona ang ulo ko at seryoso syang' tinitignan.

"  kailangan mong kuhanin ang libro ng dating punong dyos.’ " natigilan ako dahil sa sinabi nya, kung hindi ako nagkakamali, yun ang libro na nabasa ko at ang dahilan kung bakit ako kaparusahan.

" bakit kailangan mo iyon,? isa yong importanteng bagay sa palasyo. hindi iyon maaaring mawala roon. " aniya ko sakanya.

"  kailangan ko iyon, upang mabasa ang nilalaman ng libro.. "   kumunot ang noo ko, sa pag kaka-alam ko meron nakasulat sa libro ngunit hindi ko na matandaan kung ano iyon.

"  at kapag naibigay kona sayo ang libro, anong kapalit ang matatanggap ko. " 

" malakas na kapangyarihan, hindi ba't gusto mong lumakas.? "

Natigilan ako dahil sa sinabi nya, ibang kamil ang kaharap ko parang hindi sya ang kamil na syang' nagturo sakin.

"  a-anong ibig mong sabihin,? hindi—” 

"  mas lalong maging malakas,  map-proprotektahan mo ang mga mahahalaga sayo kung mas malakas. " 

" hindi ba't sinanay mo ako? kung ganon' ay para saan iyon? " 

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya, hindi ko mawari napakahirap alamin ng iniisip ni kamil, masyado suang malihim.

"  hindi sapat ang lakas na meron ka.  "  tumalikod na ito sakin, ngunit may sinabi pa bago tuluyang umalis.

"  gawin mo ang lahat upang makuha ang libro. ibigay mo iyon sakin at huwag' mong babasahin ang loob non. " 

wala akong nagawa kung hindi panoorin ang pa-alis na pigura ni kamil. naguguluhan ako sa biglang pag akto nya ng wirdo, alam kong seryoso sya' sa maraming bagay ngunit, bigla iyong nagbago..

"   arcadia, pasensya na bigla na namang dumating si remi. teka? nasaan na si ate umalis na? ”  sandali kong tinignan si imre, inosente itong nakatingin sakin.

Sasabihin koba? na ang ate nya ang may binabalak na kakaiba sa palasyo?.

" may problema ba? "  bahagya akong natauhan dahil kay imre. nginitian ko ito ng kaunti

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now