Chapter 39

134 10 0
                                    

Arcadia's Point of View

Tumigil ang paa ko sa palalakad hindi ko namalayan na dito ako sa palasyo ni yair dinala ng mga paa ko. Iikot na sana ako pa-alis ng may humigit sa braso ko tinignan ko naman iyon at ang maamong mukha ni yair ang bumungad sakin.

" dito ka muna "  aniya tumango nalang ako ngayon ko lang din naramdaman ang pagod gawa ng paglalakad

"  alam mona... ang tungkol sakanila ng prinsesa? "  biglang bumalik sa ala-ala ko ang mga iyon.

tinignan ko si yair na nakatingin din sakin.

" alam moba ang tungkol sakanila? " tanong ko sakanya' malalim itong bumuntong hininga bago umiling

" nalaman ko nalang ng makabalik nako dito, hindi ko alam kung bakit nya inilihim sayo. "  tama. hindi kona rin kilala kung sya parin ba ang indra na nakilala dalawang libong taon ang nakalipas.

Gusto kong maniwala sa magiging paliwanag nya ngunit natatakot ako sa malalaman ko, na baka hindi na nya ako mahal kaya nagpakasal na sya. na baka naaawa lang sya sakin kaya nya ako tinaggap dahil ako ang nagligtas ng buhay nya.

Akmang tatayo na sana ako upang umalis sa lugar ngunit agad akong nakaramdam ng pananakit ng dibdib niyapos ko agad ito at dahil sa panghihina ay natumba ako, agad naman akong inalalayan ni yair ngunit dahil sa sobrang panghihina nanlalabo na ang mga mata ko at kinain na ako ng dilim.

Isang maliwanag na kapaligiran lamang ang nakikita ko, wala na kahit na ano tanging isang liwanag lamang. 

teka, nasaan ako? hindi ba't nawalan ako ng malay. eti naba ang palasyo para sa mga espiritu?

" hindi kapa lumisan, arcadia " ang boses nayon. sobrang pamilyar sakin.

Hinarap ko ang boses na narinig ko at ang syang kawangis ko ang naktia ko... sino kaba talaga?

Ngumiti ito at lumapit sakin, base sa suot nya ay hindi sya kung sino lamang puno ng ginto ang suot nyang damit. 

" sa wakas, makakausap na kita.  mahal ko'ng kapatid. "  narinig kona sakanya ang salitang iyon ngunit hindi parin ako kumbinsido na totoo ba ang sinasabi nya.

"  alam kong hindi ka naniniwala sakin dahil sa rami mong pinagdaanan, patawad kung kasama mo lang ako hindi ka maghihirap. "  malungkot itong tumingin sakin, punong puno ang mga mata nya ng pangungulila

"  b-bakit moba sinasabi sakin ang mga bagay nayan? at kapatid? wala akong kapatid simula ng isilang ako "  aniya ko sakanya.

"  Tama ka, dahil ang magulang natin ang syang' gumawa ng lahat sa mundo at tayo ang kanyang anak.  " 

" Ilang bilyong taon na ang lumipas ng ginawa ang buong mundo, nag atas ang ating ama ng magiging tagapagbantay ng mundo nyang ginawa at tayo yon, tayo ang mamumuno sa mundong ginawa nya ngunit ang kapalit, ay ang sarili nating buhay. "  malungkot itong ngumiti.

"  Ako ang unang punong dyos' na syang inatasan nyang maging pinuno ng mundong ginawa nya, sabay tayong isinilang sa purong kapangyarihan ng ating ama ngunit dahil sa dalawa tayo ay isa lamang ang pwedeng puntahan ang kapangyarihan at sa akin iyon napunta "  k-kung ganon sya ang laging kinukwento sakin nig mga kakilala ko.

" Ilang libong taon ng sinubukang angkinin ng kadiliman ang mundong ito ngunit pinigilan ko iyon gamti ang sarili kong buhay. "  kung ganon..

" Isinakripisyo mo ang sarili mong buhay. "  ngumiti naman sya at tumango, agad akong nakaramdam ng galit sa nilalang na gumawa samin.

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now