Chapter 35

142 10 0
                                    

Arcadia's Point of View

Chapter 35

" hindi ka paba magpapahinga.? " nakaupo lang ako sa kama at namumuni muni ng pumasok si indra muntik ko ng hindi maramdaman ang pagpasok nya dahil sa lutang kong isip

hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagkuha ng libro

" hindi pa ako dinadalaw ng antok, Ikaw ba bakit hindi kapa nagpapahinga.? " umusog ako ng kaunti upang makaupo sya sa tabi

" naramdaman kong' hindi ka pa tulog kaya pumasok ako dito, meron bang gumugulo sa isip mo.? " bahagya akong nagulat dahil sa paglagay nya ng kanyang ulo sa balikat ko

" walang gumugulo sa isip ko, hindi lang ako makapaniwala na kasama na kita ngayon at nagagawa mo narin ito sakin,. " sagot ko sakanya agad itonv nag angat ng tingin kaya nagkasalubong ang mga mata namin

" dapat mas pinaaga kopa, hindi nako nagsayang ng dalawang libong taon " seryosong ani nya kaya naman ay bahagya akong natawa na alam ko namang narinig nya

" kung hindi ako nawala ng dalawang libong taon Hindi mo magagawang sabihin sakin lahat ng ito, tama ba ako? " agad itong nag iwas ng tingin kaya naman pasimple akong napangiti

" pero mas maganda rin na nawala ako marami akong natutunan, at syempre nasa- " Hindi kona nagawang tapusin ang sasabihin ko ng mabilis syang tumayo walang imik syang lumabas ng aking silid kaya nagtataka akong sinundan sya ng tingin

May nasabi ba akong kakaiba?



Nagising ako dahil sa may kung anong tumatapik sa pisngi ko kaya kahit ay inaantok parin nagmulat nako ng mga mata bumungad sakin ang mukha ni imre.

" kailangan na nating' simulan ang plano, " seryosong aniya na syang nakapag pawala ng antok ko

Hindi kona muling makausap si indra simula ng umalis sya sa silid ko, tinanong ko sya Kay kine ngunit ang sabi nito ay marami itong ginagawa at ayaw magpa istorbo

Pati ako away ayaw nyang istorbuhin sya

" paano kung Wala iyon sa palasyo ng ng prinsesa ng durram.? " tanong ko kay imre, nandito kami ngayon sa palasyo ng prinsesa ng durram mabuti nalang at wala dito ang prinsesa at bumalik muli sa kanilang tirahan

" maaaring nasa punong dyos' na iyon " natigilan at napalingon ako sa dahil sa sinabi ni imre

" anong ibig mong sabihin.? "

" kapag wala iyon sa prinsesa, nasa punong dyos' iyon kailangan kong kunin sakanya ang libro lalo't malaking kapahamakan kapag nasakanya ang libro " aniya na kaya hindi ko mapigilag Hindi mag-alala dahil sobrang mahiwaga ng libro na pati ako ay hindi maintindihan ang nilalaman non

" ngunit imre, Hindi magagawang linlangin ang punong dyos' at kunin ang libro mula sakanya " kita ko ang pakunot ng noo nito

" anong Ibig mong sabihin.? "

malalim akong bumuntong hininga at deretsong tumingin sakanya " kami na ng punong dyos' nagmamahalan na kami- " agad nya akong pinutol sa pagsasalita

" alam mo bang sa ginagawa mo ay malalagay sa panganib ang buhay mo.? Hindi kaba nag iisip? " nakaramdam ako ng kakaiba dahil ito ang unang beses na pagtaasan ako ng boses ni imre ngunit agad din syang natauhan matapos nya akong masigawan

" a-ayoko lang matulad ka sa kaibigan ko ng dahil sa pag ibig isinakripisyo nya ang sarili nyang buhay ayokong mangyari sayo ang pangyayari nayon , arcadia ayokong mawalan muli ng kaibigan " ramdam ko ang pangungulila nya sa tono

" pero hindi ako ang kaibigan mo imre, iba ako sakanya at kahit kailan hindi ko sasapitin ang ginawa nya " matapang kong sagot at tinignan sya sa mata

nauna na akong umalis at tumungo sa silid ng prinsesa ng durram malinis ang lugar ngunit may mga alikabok narin gawa ng hindi na nalilinisan, agad akong natungo sa silid aklatan nito at hinanap ang libro natigilan ako ng may makitang liwanag dati ko ng nasaksihan ang ganitong pangyayari at ito ang unang pagkikita namin ng libro na iyon

Kung ganon' ay wala ang libro kay indra

" nakita kona " agad na kinuha ni imre ang libro mula sa kamay ko walang alinlangan nga iyong binuksan at isang nakakasilaw lang na liwanag ang bumungad sakanya'

nang una ko iyong buksan ay merong lumitaw na silita ngunit wala syang nabasa?

" ito nga ang pinaka ii-ngatan nyang commentarius " mahigpit nya itong niyakap sandali akong napatitig sa libro at may kakaibang naramdaman. alam kong nakita kona ito ng unang beses ngunit bakit ganito sa pakiramdam? bakit sobra akong nangungulila ng dahil lang sa libro ?

Hindi muna ako bumalik sa palasyo ni indra sa palasyo ko ni yair nang-galing upang bisitahin ang dalawa kong kaibigan natanaw ko agad silang nalilinis ng mga nahulog na dahon mula sa tapat ng palasyo ni yair, nakita agad ako ni lily at mabilis na hinagkan

" buti nalang at pumunta ka, akal ko hindi kana bibisita dito " aniya at iginaya ako sa bagong upuan lumapit din sa amin si heys matapos magwalis

" nakakapanibago hindi parin bumabalik ang kamahalang yair, ang sabi nya ay ngayon ang balik nya " nakangusong saad ni heys

" pwede ba heys pang ilang beses mo ng sinabi ang mga salitang yan, napaghahalatan kang may gusto sa kamahalang yair " puna agad ni lily agad namang namula ang mga pisngi nito

Ilang minuto kaming nag uusap ng may mga gwardya ang nakita naming papunta sa palasyo ng prinsesa ng durram

" anong nangyayari? ngayon lang ulit nag-kaganyan ang mga gwardya " nagtatakang tanong ni lily habang ako naman ay pinagmamasdan lang sila

malalaman kaya nilang kami ang kumuha? may inilagay ba silang mahika sa libro upang malaman kung sino ang kumuha non hindi ba malalagay sa panganib si imre?

" anong iniisip mo arcadia? " napatingin ako kay heys ng kalabitin nya ako, sya kasi ang malapit sakin tanging' pag ngiti at iling lang ang iginawad ko sakanila mas magandang huwag' ko ng silang idamau sa gulong meron ako

bumuntong hininga ako at tumingin sa kawalan

" iniisip ko lang na patal ng patal ay maraming pagbabago ang hindi natin inaasahan " ngumiti ako at inayos ang sarili

" pero ganito talaga ang takbo ng buhay natin maraming pagbabago ang darating mga pagsubok " ginulo ko ang buhok nito na syang ikinabusangot nya

" kakaiba kana magsalita hindi na ikaw ang madaldal na si heys na nakilala ko " pagbibiro ko dito naramdaman ko ang pagtingin sakin ni lily ngunit agad din syang umiwas

may problema ba sya?


Nang bumalik ako sa palasyo ni indra ay wala pa sya doon siguro ay marami pa itong ginagawang importante

Nawala ang pagmumuni-muni ko ng makita ang pigura ni kine napa-ayos ako ng tindig dahil sa seryosong mukha ni kine na papunta na sa akin

" may problema, nandito ang prinsesa ng durram at kasalukuyan nilang pinag uusapan ang kasal sa sagradong bulwagan. " narinig kona rin itong kasal at Hindi rin sumang ayon si indra mula dito

" kung ganon' anong sabi ni indra? sya ba ang nagpapunta sayo dito,? " tumango sya at may inabot na porselas naging pamilyar ito sakin dahil ito rin ang ibinigay nyang proselas saakin dati

" mas mainam na dito ka muna upang hindi malaman na nagbalik kana, yun ang nais na gustong sabihin ni pinuno " tumango nalang ako sa sinabi nya, kapag nag kataon na nakita ako ng prinsesa ng durram magkakaroon na naman ng kaguluhan






Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now