Chapter 1

1.7K 91 7
                                    

  Sa magarang kasiyahan sa palasyo kung saan pinagdiriwang ang kasalan ni Princess Yesenia Florist and Duke Dion Walden. Sila ang mga bayani ng mundo. Ang Duke na nakikipaglaban sa battlefield at ang Prophecy Princess na magliligtas sa mundo sa pamamagitan ng palikha ng milagro at pagiging saintess ng Polemis Empire.

"Mabuhay sa susunod na emperor and empress!" paulit na sigaw ng tao sa labas.

Masaya ako para sa kaniya.

Masayang masaya kahit na matanaw ko lang ang ngiti niya. Ang ngiti ng kambal ko. Ang ngiti ng pinakamamahal kong kapatid.

Habang nasa malayo at tinatanaw siya suot ang itim na damit at cloak ay hindi ko mapigilang mapaluha. Gusto ko siyang batiin pero alam kong bawal, kahit kelan ay hindi niya nalaman na mayroon siyang kambal. Nakakatawa mang isipin pero para akong isang itim na uwak na nakatingin sa dalawang kalapati na nagmamahalan.

Balang araw araw ay makakalapit rin ako sa kaniya at masasabi kong ako ang kambal niya. Hinihintay ko nalang ang anunsyo ng Emperor na ipakilala ako, sa totoo lang ay naghirap ako para ma acknowledge bilang prinsesa. Lahat ginawa ko magkapangalan at mahalin ng pamilya ko. At sa wakas ay magaganap na iyon.

"Shadow," tawag sakin. Isang code name kung saan ginagamit ko. Simula bata ay walang nakakakita ng aking mukha at naglalakad ako na parang anino lang. Pinapatay ang mga magbabanta sa empire. Si Shadow, ang pinakamisteryosong nilalang sa mundo ang pinuno ng

Dawn Crow Association, ang guild na may alam ng lahat ng impormasyon sa mundo.

Blood Crescent Assassin, ang secret assassin ng empire.

Lahat ng tao ay naniniwala sa milagro pero isang malaking palabas lang iyon. Walang nasa tuktok na malinis kahit pa ang dakilang emperor. The empire is just a stage play ang tunay na laban ay nasa likod at walang nakakakita ng laban na iyon dahil masyadong madugo.

Sabi ng karamihan kapag may spy ka ay katumbas ito ng higit sa isang libong kawal. Kaya mahalaga ako sa empire cause I'm more than a spy. A princess who doesn't acknowledge and force to do evil deeds. A warrior in a shadow who killed many aristocrat and influenced person in empire.

That's me, a genius, a witch, a princess in a dark. A Shadow.

Nangmakarating ako sa office ng emperor ay nanlaki ang mata ko ng bigla akong harangin ng imperial knights. "Ipinapautos ng emperor na tanggalin mo lahat ng weapon sa katawan mo bago humarap sa kaniya," utos nila na ikinataka ko.

"Lagi akong may dalang patalim pagnakikipagkita sa emperor kaya bakit biglang nagbago ang pakikitungo niyo?" malamig na tanong ko.

"Nasa loob po ang prinsesa," sagot nila kaya agad kong tinanggal lahat ng daggers, whip at sword ko at pumasok agad ng office.

Hindi na ako makapaghintay na magkasama sama kaming tatlo: ang emperor, ang prinsesa at ako na isang shadow.

Because of my excitement, I let my guards down in front of my family but... -

Hindi ako makagalaw ng may biglang bumangga saking knight at sumakit ang aking tyan ng biglaan. Habang papalapit sa emperor na nakaupo at sa prinsesa na nasa gilid niya. Napatingin ako sa Knight na bumangga sakin at sa tyan ko na may tarak ng dagger at naagos ang dugo.

"Patawad Shadow, isang utos ito mula sa emperor at ayokong sumuway at napagbintangan na taksil," saad niya at mas naunang umiyak kaysa sa akin.

Hindi ko magawang umiyak o magalit dahil gusto kong malaman kung bakit inutos ito ng emperor. Kung may mali ba ako?

Bigla siyang napatawa at lumapit sakin." Poor Child, who always beg of father's love, " saad niya na ikibilog ng mata ko nang magtagpo ang mata namin. Ang mata niya na na walang pagkaawa.

Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now