Chapter 8

1.1K 68 4
                                    

"Simula ngayon ay ako na ang magiging Training Partner ng knight niya, Rora." 


Biglang umepal nanaman itong lalaking ito at nag volunteer para maging training partner ni Vince. Pero, ayos lang kaya ito? Ang Male Lead at Villain na magpapatayan sa huli ay magiging training partner. 


"Lord Dion, hindi ka pwede maging training partner niya dahil una sa lahat ay anak ka ng duke at  hindi knight," paliwanag ko.


"Knight na ako, sumali kinabukasan pagtapos mong ideklarang maging 'Knight' itong mahina na ito," sagot niya at nilait si Vince. Hindi siya aware na ang minamaliit niya ay ang pinaka villian.


"Isa pa, Lady ka kaya dapat nakakulong ka lang sa kwarto mo at nagbuburda," singit pa niya. 


"Tsk! Burda? Hoy! Mas mataas pa ako sa knight at bata palang ako ay sumalang na ako sa labanan kaya hwag mo akong maliitin! Burda? Baka ikaw ang kailangan mag burda!" pikon na sagot ko.


" Kailan ka ba magpapaka lady?" - Dion


"Maganda ako kaya kahit hindi ako maging mahinhin ay mukha akong elegante. Tsaka nasa borders naman ako kaya wala akong restrictions!" sagot ko.


"Maganda ka?" 


"Oo! Aminin mo na nagagandahan ka rin sakin kasi kung hindi ay hindi mo sasabihin kay dad na pumapayag kang maging asawa mo ako. Inaasar mo akong hindi lady pero hindi ka man lang tatanggi sa alok ni dad!" asar ko na halatang kinainis niya.


" Naawa lang ako sayo kasi impossible na may nagkagusto sa barumbadong dalaga na katulad mo!" sigaw niya at napatahimik kaming dalawa ng maalalang nasa gilid pala namin si Vince.


"Pumapayag akong maging training partner mo, Lord Dion." Ngumiti siya at nag draw ng espada.


"Kung yan ang gusto mo, isang karangalan ang maging training partner mo, Commander Vince." 


Mukhang ang bigat ng atmosphere sa paligid nila. Mas maganda siguro kung iinom muna ako ng fruit juice.


...


"The emperial decrees arrived!!" biglang sigaw ng representative isang araw bago magtungo sila dad sa death forest. Tuwing napunta sila rito sa borders ay nasisira ang araw namin at ayoko man na sumunod sa kanila ay kailangan kong gawin. Iyon ang utos ni daddy.


"Bilang representative ng emperor, nais kong ipahayag ang desisyon ng emperor sa pagpapakasal ni Lady Aurora Ruby White kay Lord Dion Walden. Pagtapos ang kasalan ay isasabak sa digmaan si Lord Dion Walden bilang kalahok sa pagpuksa ng Black Dragon at babalik sa kapital ang mag-ina ni Archduke White. This is an emperial decree!" pagbabalita ng representative ng halos ikawasak ng mundo ko. Isa itong hukay para ilibing kaming pamilya.


"Kalokohan!" pagsigaw ni dad at sinugod ang representative. Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si daddy. 


"Tinanggap ko na ako nalang ang sasabak sa digmaan at handa mamatay para sa kinabukasan ng aking anak at sa emperyo! Lahat ng ginagawa ko ay para sakin anak pero hindi pa kaya nakuntento at balak siyang idamay!" pangagalaiti ni daddy pero sinabi niya ang weakness niya sa kalaban.

Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now