Chapter 20

797 59 10
                                    

Sunrise Vs Saintess


"Mahal kong mamamayan ng emperyo, muli ko kayong tinipon sa loob ng church upang ipakalat ang binigay ng babala sakin ng mga diyos. Tungkol sa lady ng White family, magiging banta siya sa emperyo at makakaroon ng tagutom dahil sa pagwasak niya sa emperyo. Inananais ng mga diyos na pigilan ko ito bilang isang Prophecy Princess, ngunit alam kong hindi ako nag iisa sa laban na ito. Tayong lahat ay makakaisa at sabay na sasaksihan ang bagong liwanag para sa atin. KAYA BILANG PROPHECY PRINCESS DINIDEKLARA KONG KAILANGAN NATING GAPIIN SI AURORA RUBY WHITE!" malakas na sigaw ng prinsesa sa loob ng church at may magic screen na nakalutang sa labas ng emperyo para makita ng lahat ng tao. 


"Just like my master said," bigkas ko habang nasa tore at pinagmamasdan ang kilos ng target ko. Masyado siyang maadhikain at nakakairita.


"Midnight, nasaan na yung bwis*t na wizard? Nakarating na ba sa capitolyo?" tanong ko kay Midnight na kausap ko using telepathy.


"Oo, kanina pa," saad niya. So hinihintay nalang pala namin ang go-signal ni Dawn. 


"Nasaan na ba si Rora ay este si Dawn pala," saad ko sabay buntong hininga.


"Sunrise, Midnight simulan na natin ang unang palabas. Bigyan niyo ako ng magandang resulta," saad ni Rora kaya napatawa ako ng bahagya.


"Ako ang star of the day here, pagdating sa ganitong field ay ako ang mas lamang," malakas kong loob na sabi ko bago tumalon pababa sa tore. 


"Welcome to my game," bungad ko sa harapan ng church sabay nagpasabog ng malakas para matuon ang pansin sakin ng lahat. 


"Protektahan ang Saintess!" aksyon agad ng mga kawal at pinalibutan ang paligid at pati narin ako. 


"Sino ka? Isa ka ba sa tagapagsunod ni Rora!" sigaw ng prinsesa na hindi man lang ako binati ng maayos. 


"No. Sino ba si Rora? Masama ba siya pero mukhang hindi naman kasi kung kalaban siya ng wicked princess malamang napakabait niya," panghahamak ko na lalong ikinagalit ng prinsesa at pagniningas ng damdamin ng knight para protektahan mahal nilang prinsesa.


"Sino ka para sasabihang wicked princess ang Prophecy Princess!" sigaw ng prinsesa kaya napahalakhak ako sa tawa.


"Haha. Ako? Okay magpapakilala ako, I'm Sunrise the 3rd master of Dawn Crow Association and also the second emperial princess subordinates," pagpapakilala ko na kinagulat ng lahat.


"S.Second Emperial Princess? Walang prinsesa sa emperyo maliban sakin! Huwag kang gumawa ng sarili mong kwento!" malakas niyang saad na halos nanginginig siya sa kinatatayuan niya.


"You get it! Tama, wala ngang second princess, asa ka namang sasabihin ng matapat na alagad kung sino ang master niya sa isang tanungan lang. Asa ka, halatang mahina utak mo. Wala kang kwenta kundi prinsesa lang," pagmamaliit ko ulit at halos hindi na makapaghintay ang mga knight na patayin agad ako at sumugod ang isa para puntiryahin ang leeg ko pero pinabagal ko ang pagwasiwas ng espada nila kaya naging slow motion silang mga knight.

Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now