Chapter 2

1.5K 93 9
                                    


"Beep!" 


" Whooosh! "


Napakaingay ng paligid at parang mababasag ang tainga ko. 


Nang minulat ko ang mata ko ay bumungad sakin ang napakatatas na bahay na hugis rectangle. Ang mga kwaheng mabibilis ang takbo kahit walang kabayo at puno ng ilaw ang kalsada na aakalain mong maaga pa. 


Hindi ko alam kung nasaan ako o nasa langit ba ako. Isa lang ang alam ko, hindi ko ito mundo. 


Kakaiba ang mga damit ng tao rito at mas vulgar ang kanilang damit na halos makita ang binti.  Pinilit kong tumayo at alalahanin ang sugat ko pero napagtanto kong wala na ang sugat. 


"Nasaan ako? " taka ko at nagpalingon lingon hbanag alerto sa paligid. Nang pagtayo ko ay nasipa akong sa pamagat kaya nagkainteresado akong basahin. 'The romance of Prophecy Princess and the Legendary Duke'


Nang pagpakli ko sa pahina ay halos ikaluwa ng mata ko ang nakita ko. Characters description: Princess Yesenia, Duke Dion etc. 


Mabilis ko lang nababasa ang libro dahil sa magic ko pero base sa kwento ay patungkol lang ito sa kapatid ko at sa asawa niya. 


Story: 'Sa pamamagitan ng pagdarasal ko sa mga may sakit ay mabilis itong gumagaling na tila milagro.' - basa ko sa story na halos ikataas ng isa kong kilay. 


"Eh?" 


Back then, nasa poste ako nun at halos maubusan ng lakas kakapagaling sa may sakit. Hindi gagaling iyon ng dasal lang kumbaga hindi gagaling yon kung hindi mo dadalhin sa healer. Hindi naman siya healer, isa siyang prinsesa na masyadong maraming oras kaya nakatambay lang sa church! 


Lagi siyang nakaputi at maamong nagdarasal palagi. Ngayon na naalala ko iyon ay nagbago ang pananaw ko sa pangyayaring iyon. Imbis na mag aral siya ng magic ay nagdasal siya, nagiintay na kainin ang pagkaing pinaghirapan ko. Para siyang baliw imbis na saintess. 


Story :'Tumindig ako sa harapan ng nagkakagulong mga aristocrat at pinaglaban ang mga commoners. Dahil sa tapang ko at hindi pagpapakita ng takot sa kanila ay pumayag sila sa gusto ko. ' - basa ko ulit. 


Iyong araw na ito ay nang blackmail ako ng lahat ng aristocrat at pinatay ang hindi sumang ayon. Paano papayag ang aristocrats na paburan ang mga commoners? Parang nagsayang lang sila ng pera kung magbibigay sila ng lupa at bababaan ang buwis para sa mga mahihirap! Kaya impossible na kusa nilang gagawin iyon! 


'Hay~' 


Kung ganoon ito ang mundo na ito ay ang mundo ng may likha samin? At umpisa palang ay nakatala na sa kanila ang mangyayari sa aking mundo?


Paano na ako... may isa akong sinabi rito sa aklat pero ang, 'Masusunod mahal na emperador.'  lang ang dialogue ko. Kahit isa ay walang nakalagay na may kambal ang prinsesa dahil nakasulat ito base sa View ng prinsesa. Hindi niya nalaman ang existence ko at ang ending ng libro ay nang ikasal na sila. Pagtapos niyang ikasal tsaka pa niya ako nakilala at pinatay. 

Shadow's reborn as Perfect VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon