Chapter 16

755 38 2
                                    

Kailangan kong makaisip kung paano ko magkikita ang dalawang main character. Pero kahit anong isip ko ay walang napasok sa utak ko. 


Wuah! Bakit ang ko sa pagpaplano ng invasion pero pag sa match making ay halos sumabog utak ko. 


"Rora, ano bang problema mo ngayon? Hindi ka ba masaya na dumating ng buhay si Duke Dion at naging Duchess ka? Sa totoo lang pinagkakainggitan ka ng mga kababaihan, napakaswerte mo raw," panggugulo ni Brigit sakin at napakalakas ng boses. 


"Oh? Anong kakaingitan nila? Tsk!" Kung alam lang nila ang kahihinatnan ko baka maluha kayo.  


"Lahat! Lahat sa pagkatao mo. And as a friend maraming nagtatanong sakin kung ano ang pabango mo, at miski design ng damit mo at kulay ay ginagaya nila," paliwanag niya pa na halos ibuga ko ang tea na iniinom ko dahil sa sinabi niya. 


"Gosh! Rora, magdahan dahan ka nga! Baka may makakita sayo at pagtawanan ka," pag-aalala niyang sambit sabay bigay sakin ng panyo.


"Paano magdadahan dahan? Sa sinabi mo parang napakaswerte ko dahil kinasal ako sa duke na kahit kelan hindi magkakagusto sakin! Alam niyo bang binabangungot ako araw-araw?" reklamo ko sa kaniya. 


Umiling si Brigit bago nagsabi, "Bakit ka mababangungot kung sa mukha palang niya ay dadalhin ka na sa paraiso! Ayiee!"


Medyo naiinis na ako ngayon palang sa pagmumukha niya. Although, kaibigan ko siya pero pwede rin namang patahimikin ko siya agad. 


"By the way, may alam ka ba about sa love?" pagbabago ko ng usapan. 


"Oo naman kaso hindi ako mananalo sayo. Alam ko namang expert ka na dyan, the way palang kung paano ka nakakuha ng isang hero ng emperyo at ideal husband ng lahat. Gosh, nahihilo ako," saad niya with matching acting ng nahihilo sabay hawak sa ulo. 


"Ano ba hindi ako nakikipagbiruan. Kailangan ko ng payo ng may alam kung ano ang love!" pikon kong paliwanag pero mukhang na misinterpret niya ata. Namilog ang mata niya at labi na akala mong may iniisip na hindi maganda. 


"Rora, bad yan! Dapat hayaan mo siyang gumawa ng first move. Huwag kang atat," kinikilig niyang sambit. 


"Whua! Suko na ako bahala ka na dyan!" inis kong saad at padabog na umalis sa harapan niya. 


"Rora, sandali lang!" pahabol pa niyang saad pero medyo busy ako kaya hindi ko inilingon. Hanggang sa makarating ako sa mansion ay ang iniisip ko parin ang kung paano magkakalapit ang dalawang main character. 


"Saan ka galing?"


Bumungad siya agad sakin na may cold na expression at nakacross arm. Ilang oras lang akong nawala pero sa tingin ko sa mukha niya ay parang ilang araw na niya akong hinahanap.


"Tsk! Sa friend ko," ikling sagot ko at inilagpasan siya.


Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now