Chapter 7

1.1K 65 3
                                    

Dion's Point of View


"Alagaan mo siya. Maging masaya sana kayo hanggang sa huli at hindi na ako makita pa. Dahil sa oras na magtagpo ang landas natin sa susunod kong buhay ay sisiguraduhin kong wala akong kikilalanin at kamumuhian ang imperyo!" 


Isang blonde hair with red eyes ang nakita ko at habang nakikita ko siyang natutumba ay unti unting nadudurog ang puso ko. 


Sino ka?


Bakit patuloy kang pumapasok sa isip ko at pinapahirapan ako sa pagtulog?


Ang mga katagang sinabi niya ay ang pinakamasakit na salitang narinig ko.


...


Napabangon ako at napahawak sa ulo ko sabay hinga ng malalim.


Napatingin ako sa aking kamay at iniisip ang aking pasisisi sa pangyayari na iyon.


Sigh.


Mukhang hindi pa iyon nagaganap kaya susubukan ko siyang protektahan. Ayoko ng magkamali muli at ibigay ang aking kamay sa maling tao.


"Pasensya na kung hindi kita nakilala agad. Hindi ko manlang napansin ang pagkakaiba ninyong dalawa," bigkas ko habang nakatingin sa kawalan at inaalala siya.


....


Rora's Point of View


"Anong relasyon ninyo ni Dion?" tanong ni Dad.


"Wala nga po. Ginawa niya lang iyon para iligtas ako," paliwanag ko at hindi siya kumbinsido.


"Rora!" sigaw ulit ni Dad sakin. 


"Hon, mukhang hindi naman talaga sinasadya iyon ni Rora kaya hayaan na natin ang issue na ito," pagpapakalma ni mommy.


Hay! Thank you Eunice, panig ka talaga sakin. Huhu.


"Alam mo ba na ang issues na ito ay mapapabot sa kapital at sa emperor? At wala akong magagawa kundi tanggapin ang utos niya sakaling mag baba siya utos kaya umamin ka may gusto ka ba kay Dion?" tanong ulit ni dad at gusto ko ng umiyak parang pinapapili niya ako pero ang gusto niyang marinig ay OO.


"Wala nga po at impossible na magbaba ang emperor ng kautusan para sa kasal. Hindi paglalaanan ng emperor ng oras ang katulad ko," sagot ko.


"Teka... Bakit ako lang ang tinatanong ng ganito? Oo, mali ako sa punto na gusto kong saktang ang representative pero si Dion ang naghanap ng palusot kaya dapat siya ang tinatanong niyo kung may gusto ba siya sakin," pikon kong salita at hindi na naintidihan ang pinagsasabi ko.


"Wala siyang gusto pero wiling siyang ikasal sayo," paliwanag ni ama na halos mabulunan ako sa sarili kong laway. 

Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now