Chapter 10

992 60 0
                                    

Emperor's Point of View


"MAHAL NA EMPEROR!" sigaw ng knight patakbo sakin pagtapos kong ipatingin ang pagsabog sa likod ng palasyo. 


"Wala pong nasira sa gitna ng gubat kahit isang puno," pagbalita niya na ikinataka ko. 


Hindi ko makontact si Solarium kahit isang assassin sa paligid ko ay wala akong maramdaman. Hindi maaaring may nakapasok sa dimension at pinatay lahat ng assassin.

"Haha... Impossible na matalo ng kahit na sino ang mga alagad ko. Walang kahit na sino ang makakagawa nun," pagpaniniwala ko sa aking sarili pero umaasa akong hindi matatalo ang mga assassin ko.


"You may all, dismissed!" utos ko at ng maiwan ako magisa ay tsaka ako kumilos papuntang hideout. Isa akong walang kwentang emperor kung wala sila, hindi ako sinusunod ng mga aristocrats dahil kay Archduke White. Sila ang alas ko sa laban ko. 


Nang makarating ako ay halos gumuho ang aking pag asa sa aking nadatnan. Walang buhay kahit isa at puno ng sunog na katawan ang paligid ng hideout pero kaunti lang ito kaya siguro nakatakas ang iba. 


"K-Kamahalan..." May tumawag mula sa labas kaya agad kong nilingon at ito ay si Solarium, may saksak sa tagilirin at sira sira ang damit.


"May nagpanggap na ako at siya ang pumunta sa mission para patayin si Archduke White. Pagkaalis nila ay sumabog ang hideout kaya maraming namatay," paliwanag niya sa nangyari habang naghihina.


"SINONG PANGAHAS ANG GAGAWA NITO! May sumabotahe sa plano ko at kung alam niya ang hideout ay malamang nandito lang siya," panggagalaiti ko at nilisikan siya ng mata. 


"Solarium, alam mong kayo lang ni Orionid ang pinagkakatiwalaan ko," madiin kong bigkas at binaon ang kuko ko sa braso niya. 


"Hindi ko po nakakalimutan iyan," nanghihina niyang sambit habang iniinda ang sakit.


"Kung ganoon, inuutusan kitang paramihin pa ang mga assassin at hanapin kung sino ang may kagagawan nito!" utos ko bago umalis. 


Mukhang kailangan ko nanamang magtanggal ng mga knight sa emperyo at ilogmok sila para kumapit sa patalim. Sa ganoong paraan ko lang makukuha ang tiwala ng mga knight habang hindi nagpapakita ng kilos sa mga aristocrats. 


...


Rora's Point of View


"Rora, hindi parin maayos ang iyong kalusugan kaya mas mabuting magpahinga ka muna," pagpupumilit ni Eunice. 


Hindi ako pwedeng tumunganga habang nasa kapital ako. Hindi ko alam ang takbo ng utak ng Emperor kaya mapapahamak ako kung ibaba ko ang depensa ko at magiging mahina.


"Kailangan kong makapag isip gamit ang pageensayo sa espada," saad ko at pinilit tumayo pero bigla akong natumba nang biglang napaubo ako na mau kasamang dugo.


"Rora! Ang sabi ko naman sayo magpahinga ka muna!" pag aalala niya.


Shadow's reborn as Perfect VillainessKde žijí příběhy. Začni objevovat