Chapter 9

1K 52 0
                                    

Rora's Point of View


"Nakakatakot pala talaga ang emperor, kahit saang banda ay wala tayong laban sa kaniya," mahinang sambit ni Eunice at kinakabahan. 


Hindi naman siya nakakatakot, para sakin nakakatawa siya. Mukhang nakilala niya agad ako.


"Haha. Takot sa multong ginawa niya," bigkas ko habang nakalingon sa palace.


Aalis na sana kami ng biglang may sumigaw na mga maid at patungo samin, at ang nasa harapan nila ay...


Ang Princesa.


"Emperial Princess! Huwag kang tumakbo baka madapa ka," pagaalalang sigaw ng mga maid sa palasyo. 


"Habulin niyo ako, gusto kong makipaglaro. Bilisan ninyo!" pangangasar pa niya at hindi ata niya alam na narito kami para magmaging maligalig.


Shiny Hair like a golden sun and blue eyes like a morning sky. So she is a heroine, holy saintess, and a prophecy princess of the empire. Lahat ng karangalan at pagkatao niya ay kinaiingitan ng lahat, napakalungkot lang at unfair dahil nakuha niya yan without a effort. 


Napatingin ako sa gilid dahil nakahinto ang mga knights habang pinapanood ang prinsesa na tumatakbo. 


"Na aatract sila dyan, mukha ngang baliw na nakalaya sa facility," mahina kong saad kaya bigla akong siniko ni Eunice. 


"Rora, kailangan mong magbigay galang sa emperial princess," saad niya at yumuko. Yuyuko na sana ako pero bigla akong napaatras at napaupo sa sahig dahil nabangga niya ako.


"Ow! Patawad Miss, hindi ko sinasadya nagkataon lang na puting puti ang iyong damit kaya hindi ko napansin na may tao. Patawad," mahinhing paumanhin niya pero sa mata ng mga tao ay ako ang may kasalanan kahit siya ang nakabangga.


Pinilit kong ngumiti at kusang tumayo. "Don't worry, ayos lang ako."


"Teka, ikaw si Aurora Ruby White ang tinawag na Frost Lady ng Northern borders, hindi ko akalain na katulad ng pagdedescribe sa iyo personally mo ay ganong ganon ang makakaharap ko ngayon!" masaya niyang sambit at walang pasabing hinawakan ako sa kamay. So Childish and stupid!


"Emperial Princess, hindi na po White ang huling pangalan ni Madame Aurora kundi Walden. Ikinasal po siya sa second son ni Duke Walden," paliwanag ng personal maid niya at napatawa silang lahat bilang panghahamak sakin. 


"Ow! Sinabi mo bang second son? Madam Aurora, ang second son ay hindi magkakaroon ng kahit anong titulo at balita ko napasabak pa siya sa digmaan kaya widow kana. Buti nalang mabait ang asawa ng iyong ama para kupkupin ka," pangangasar niya at nakangiti na parang diandaan sa biro lahat. Nagsipagtawanan naman ang nasa paligid.


Smile. "Emperial Princess, mukhang hindi mo ata sinabi sa publiko na ang asawa ko ang pinaka candidate para maging asawa mo. Malungkot ka siguro dahil si Dion mismo ang humingi ng pabor sa emperor para maging asawa ko. Emperial Princess, kung alam ko lang sa umpisa palang ang katotohanan ay mas pipiliin kong mamatay kaysa pakasalan ang candidate husband mo," tugon ko sa panghahamak niya.

Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now