Chapter 4

1.3K 75 2
                                    

 Marquis Owen's Point of View.

Nakarating sakin ang isang sulat na papunta ang pangalawang anak ni Duke Walden na si Dion Walden kaya nagmadali agad akong pumunta sa office ni Archduke White.

"Hindi ka manlang ba kakatok bago pumasok sa office, Marquis Owen?" Bungad niya sakin. Napabuntong hininga ako at inilapag ang letter.

"Papunta rito ang anak ng duke. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang mahalagang balita ang sasabihin sayo kaya ang mismong anak na niya ang pinapunta," paliwanag ko. Binuksan niya ang sulat at napangiti na parang may inaasahan.

"Lihim ang pagpunta niya kaya baka nandito na iyon, ano mang oras," paliwanag niya at katulad ng sinabi niya ay dumating na nga ang kaso ay...

"Blag!"

Napalingon ako sa bintana at nag draw ng espada matapos may pumasok ng walang pasabi sa bintana. Nakasuot ng black cloak kaya mahirap malaman kung assassin ba o hindi.

"Pagbati, Archduke White," unang pagsabi niya at gumalang bago tinanggal ang cloak niya.

'Eh?'

" Nababaliw ka na ba? Bakit ka sa bintana dumaan?" aniko at lumapit sa kaniya, walang iba kundi ang anak ni Duke Walden.

"Wala bang nakakita sayo?" ikling tanong ni Archduke White.

"Wala po, Your Grace."

Hyst! Mabuti wala rito si Rora dahil kundi ako nagkakamali ay tungkol ito sa pagkatao niya.

"Anong balita sa pinapahanap ko sa iyo?"

"Buhay pa po ang Head Maid ng Emperial Palace, kasalukuyan siyang nasa pangangalaga namin," balita niya na ikinagulat ko.

Matapos namin siyang iligtas noon ay tumakbo siya palayo at hindi namin naabutan. Kung malaman na buhay ay tatargetin siya ng emperor para patahimikin. Maaring maging banta si Rora sa Emperial Prophecy Princess kaya sisiguraduhin niyang kailangan mamatay ni Rora. Naawa ako para sa bata.

Kahit hindi namin turuan si Rora ay likas na siyang matalino at malakas. Hindi ko akalain na napakalakas ng bloodline ng empire kaso napakainosente niya para mapasok sa political war.

A lonely ruby in the winter desert.

"Ano mang taon ay maguutos na ang emperor na pabalikin ka sa kapital, kahit ayaw niya man ay kailangan dahil sa achievements mo. Sa oras na bumalik si Rora sa emperyo ay manganganib na ang buhay niya," pag aalala kong sabi sa archduke. Hindi ko matago ang pangamba ko para sa batang iyon.

"Malaki ang tiwala ko sa aking anak. Hindi siya basta basta mapapatahimik ng emperador, nakikisigurado ako," blanko niyang salita.

"May isa pa po palang gustong sabihin ang aking ama..." biglang singit sa usapan ni Master Dion kaya napatahimik kami.

"...Nagkaroon kami ng leak na hindi totoo ang prophecy," dagdag niya na ikinagulat namin. Marami akong gustong itanong pero biglang may bumukas ng pinto at bumungad sakin ang anak ko at hinihingal.

"Your Grace! S-Si Rora, nahimatay!" biglang sad niya kaya kinabahan ako pati ang archduke.

"Saan si Rora/ Nasaan ang anak ko?" pag-aalalang tanong naming sabay ni archduke.

Hindi na pinaliwanag ni archduke si Cyprus at nagmadaling nagtungo sa silid ni Rora kaya sumunod na rin kami.

"Your Grace?" Biglang bungad ni Lady Eunice habang inaalalayan si Rorang uminom ng gamot pangpakalma.

...

Aurora's Point of View

Napakadilim ng paligid sa gitna ng gubat sa ilalim ng bilog na buwan ay nakasakay kami isang kulungang karwahe at binabantayan ng mga nakacloak na nakasakay sa kabayo. Lahat kami ay puro bata... nanginginig sa takot.

Shadow's reborn as Perfect VillainessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora