Chapter 18

686 47 4
                                    

Rora's Point of View 


"Inuutusan ng Emperador na makipaghiwalay hiwalay si Duke Dion kay Duchess Aurora Ruby White-W para sa ikaliligtas ng emperyo ay kailangan ni Duke Dion manirahan sa Empire uoang Emperial Princess Consort! Ito ang utos ng Emperador, give respect for a Sun of Empire! " sigaw na utos ni right hand man ng emperor. Inaasahan kong makikipagdivorce si Dion pero masyadong mabilis naman ito at may edict pa.


Habang nakaluhod ako ay tinapakan para tanggapin ang edict ay tinapakan ng prinsesa ang kamay ko." Duchess Aurora, I mean Lady Aurora nalang pala. Hindi ko kagustuhan ang masaklap mong kapalaran, ang totoo niyan ay pinigilan ko si ama pero buo ang desisyon niya. Alang alang sa Empire ay kailangan mong magparaya at isa pa hindi kayo bagay kaya..." Bigla siyang lunapit para bumulong sakin.


" Get lost, Rora. "


Hindi ko pinakita na nasasaktan na ako sa pagtapak niya sa palad ko at dahil kaharap ko ang edict ng emperor ay bawal akong tumayo dahil pagkakamalan akong taksil. Walang rito si Dion pero kahit nandito siya hindi ko siya maasahang tatayo para sa kapakanan ko dahil itong edict na ito ay good news sa kaniya. 


"Tanggapin mo na ang edict, Lady Aurora," utos ng right hand man ng emperor pero... bakit nag aalangan ako?


Gusto ko ba talaga makipag divorce? Hindi ko siya mahal at sigurado akong nalulungkot lang ako dahil nakasanayan ko na ang mamuhay rito. Habang inaabot ko ang papel ay hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko at gustong pag atras ko. 


"RORA!" Sa kalagitnaan ng pagtanggap ng edict ay biglang bumukas ang pinto ng mansion at narinig ko ang patawag ni Dion. 

Ang takot na kanina ko pa nararamdaman ay napalitan ng pag asa pero biglang umagos ang luha ko sa di malamang dahilan. 


"D-Dion? B-Bakit ako u-umiiyak?" tanong ko at hinawakan ang pisngi kong may luha. Dumiretso siya papunta sakin at agad akong niyakap. 


"Pasensya na nahuli ako," saad niya na lalong nagpasunod sa luha ko na bumagsak lalo. 


"Rora at Duke Dion! Tanggapin niyo na ang edict kung ayaw ninyong maging taksil sa Emperyo!" galit na galit na sigaw ng prinsesa at kinuha ang edict sa right hand man at inilahad sa harapan ko.


"Abutin niyo na! Mas mataas ako sa inyo kaya sundin niyo ako!" sigaw pa niya na umalingaw ngaw sa paligid. 


"Pati ba naman kasal at relasyon ng nasasakupan ng emperyo ay pakikialaman ninyo? Hindi niyo didiktahan ang puso kung sino ang mamahalin niya. Kahit anong mangyari asawa ko parin si Rora. Siya lang, wala ng iba!" matapang na pagtanggi ni Dion at tinabing ang hawak na edict ng prinsesa. 


" Duke Dion! Isa na ba itong uri ng parerebelde!" Sa pinapakita ng prinsesa ay nagmumukha na siyang desperada. Parang wala siya sa sarili niyang katinuan.


Nagawang pagbigyan ng emperor ang prinsesa at sakaling masabi man niyang hindi tinanggap ni Dion ang edict ay matuturing na itong rebellion. Isang bagong Duke palang si Dion at walang pakialam ang emperor kung mamatay siya. In fact, mas makakabuti iyon sa emperor dahil mawawalan ng backup si daddy. 

Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now