Chapter 5

1.3K 61 6
                                    

'Slash'


'Slash'


"May mga wolf pa sa kanang bahagi!" sigaw ng sulok kaya napatakbo ako agad at pinatay lahat ng wolf sa isang wasiwas lang. 


"Salamat Lady White," sabay sabay na saad ng mga kawal. Wala akong planong sumali sa paglusob ng wolf den pero dahil sa biglang sulpot ng Male Lead ay wala akong magawa ngayon kundi kabahan. Kung mapapalapit ako sa kaniya ay dalawa lang kahinatnan ko. Ang maging Shadow o patayan ang Main Characters dahil hanggat buhay sila ay impossibleng sumang ayon sakin ang tadhana. 


Hindi! Hindi ako papayag na maglaho ang lahat ng dahil lang sa bwiset na story na ito! 


Napayuko at napakuyom ng kamao. "Wala na bang mission na pinautos sa inyo?" tanong ko na may seryosong boses.


"Wala na po bukod sa magbantay ng tarangkahan," sagot ng commander kaya napabuntong hininga ako pero biglang may kumaluskos sa isa sa mga puno at mukhang nagmamanman ito. Agad akong naglabas ng dagger at pinatama sa puno para lumabas siya. 


"Sino ka?" walang takot kong tanong. Inabanagan ko ang paglabas niya sa likod ng puno at halos hindi ako makagalaw sa gulat kung sino siya. 


"D-Dion?" taka ko at napaatras ng bahagya. 


"Akala ko isang kang mahinang babae na takot sa nakaitim pero hindi ko akalain na makikita kita sa ganitong sitwasyon," saad niya at malamig na nakatingin sakin. 


"Hindi ako takot sa nakaitim," pagtanggi ko at aalis na sana pero humarang siya. 


"Talaga ba? Kapala ng makita mo ako ay natakot ka? Bukod pa roon ay lagi kang nakasuot ng puti," paliwanag niya na ikinainis ko. 


"Lord Dion, ngayon lang tayo nagkita kaya hindi mo masasabi na laging white ang sinusuot ko. Tsaka isa pa, hindi tayo ganoon ka close para mag usap ng formal kaya maiwan na po kita," sagot ko at napataray. Mabilis akong naglakad papalayo sa kaniya at walang tumatakbo sa isip kundi ang lumayo sa kaniya sa lalong madaling panahon. 


"Lagi kang nakaputi at isang karangalan ang makausap ka ng matagal," bigla niyang sambit kaya napahinto ako. 


Isang karangalan? Tsk! 


"Kailangan ko ng umalis, maiwan ko na po kayo," magalang kong pammaaalam. 


"Sure kang babalik ka ng may mantsa ng dugo sa damit? Nag aalala si Marquis Owen sa iyo kaya hindi maganda kung babalik ka na ganiyan ang suot," saad niya pero hindi ko na siya nilingon pa at naglakad ng diretso. Nakatuon lang ang pansin ko sa paglalakad ng may biglang humawak sa balikat ko at nilagyan ako ng itim na cloak. 


" Huwag kang babalik na puno ng dugo sa katawan. Isa kang lady hindi sundalo tsaka puti ang kulay ng suot mo kaya madaling mahalata," pag aalala niya at halos mamilog ang mata ko at ikanginig ng kalamnan ko nang makita ako kulay ng cloak. Para akong naparalisa at naging statwa sa kinatatayuan ko. 

Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now