Chapter 22

669 35 11
                                    

"Oh? Tinatakot mo ba ako, Archduke White?" tanong niya at humalakhak ng malakas.

"Osige, bibitawan ko ang sinasabi mong anak dahil... Hahayaan ko kayong dalawang magpatayan,"saad niya at lumayo ng ilang hakbang sa akin.

"Shadow, patayin mo ang lahat ng mga kumakalaban sa emperyo! Patayin mo lahat sila pati ang sarili mo!" utos ng emperor at kumukusa ang sarili kong gumalaw base sa inuutos niya. Kahit pigilan ko ay hindi ko magawa, kahit anong gawin ko ay patuloy na humahakbang ang paa ko papunta sa gawi ng mga tinuturing kong pamilya.

Ayoko na. Ayoko nang pumatay pa ng mga inosenteng tao. Hindi ko na kayang bahiran pa ng dugo ng walang kasalanan ang kamay ko. Ayoko na maging shadow!

"D-Die!" saad ko at mabilis na nakalapit kay dad at tinapunan ng mga dragger. Walang buhay ang aking katawan na sumusunod sa pinapagawa sakin. Ang patayin ang kalaban ng emperyo, masama man o mabuti.

Mabilis na nailigan ni Archduke White at ni Dion pero ang mga knight sa paligid ay hindi nakaligtas.

"Ganyan nga! Bumalik ka sa dating ikaw, patayin mo lahat ng kumakalaban sakin. Alam mong ikaw ang alas ko, kaya mong pumatay ng milyong milyon na battalion ng sundalo kahit mag isa ka lang," papuri ng emperor pero nasusuklam ako. Kung pwede lang pigilan ang katawan na ito at itarak ang patalim ko sa puso ng tunay kong ama ay gagawin ko.

Sa bawat pag atake ko ay sinasalag lang nila. Kahit si Dion. Kahit marami na akong napatay na tao at sundalo sa paligid.

"Rora, please... Gumising ka. Kailangan kita, huwag kang magpapasakop sa kanila!" sigaw ni Dion kaya unti unti kong nagalaw ang bibig ko.

"D-Dion. P-patayin mo na ako, bago pa ako makapatay ng maraming tao," pagsusumama ko at ang kanina pang luha na kinikimkim ko ay tuluyan ng bumagsak.

Bigla naman akong nakaramdam ng may papalapit sa likod ko at hindi ko nakontrol ang aking katawan na lumingon at saksakin ang kung sino mang nasa likod. Pero, lubos kong pinagsisihan ang atake ko.

"R-Rora... Anakh."

Hindi ako makapagsalita, ang kaluluwa ko ay ayaw ng ginagawa ko pero paulit ulit sinasaksak ng katawan ko ang tunuring kong ama at nakikita mismo.

'No. Tigilan mo yan! Tumigil ka! Inuutusan ko ang sarili ko! Katawan ko to kaya sumunod ka! Tumigil ka!'

Kahit anong command ko ay walang nangyayari. Ang kamay ko ay nabahiran nanaman ng dugo ng inosenteng tao at dahil iyon sa isang utos. Wala akong nagawa kundi ang panoorin ang sarili kong saktan ang dad ko. Kahit nahihirapan ay pinigilan ni daddy ang dragger at niyakap ako na halos ikawasak ng puso ko.

"H-Hindi ikaw si S-Shadow, si Dawn, ang prinsesa o si Melanie. Ikaw ang anak ko sa buhay na ito. Ikaw si Aurora Ruby White, ang aking anak na takot sa dilim. Ang anak ko na nakikipaglaban sa masasama at pinipili ang tama. Ikaw yun. Wala ng iba, kaya gumising kana... U-Umuwi na t-tayo..." paghihingalong saad ni dad at hinaplos ang buhok ko. Kita ko ang unti unting pag puti muli ng buhok ko at ang pakiramdam na nalaban sa manipulation ang aking katawan. Nakaramdam ako na may naputol na lubit sa loob ko at pagtapos ay nasubukan kong ibuka ang aking bibig.

"D-Dad. Patawad, akala ko kaya ko na. Akala ko magagawa kong mabuti, lahat pala ay akala ko lang. Sana kinalimutan ko na ang pagiging second princess at naging totoo sa inyo," pagsisisi ko at parang may nabasak na salamin sa pagkatao nang bumagsak ang kamay ng daddy ko.

"D-Dad?" tawag ko sakaniya. Halos bumaha ng luha ang aking pisngi at hindi alam kung matatawa o hahagulgol sa iyak. Parang natutulog lang ang aking ama at siguro ay panaginip lang ito.

"G-Gumising kana po. D-Dad please, sabihin m-mong biro lang ito..." Hinawakan ko ang kamay ni dad pero bumasag ito. Wala narin siyang pulso kaya parang gustong mandilim ng paningin ko at isa lang ang nakikita kong pwedeng sisihin rito.

Bigla akong nakarinig ng halakhak mula sa taong kinaiinisan ko kaya halos gusto ko na siyang ihatid na impyerno para doon ituloy ang halakhak niya.

"Ikaw! Walangya ka! Napakasama mo!" Susugod na sana ako ng bigla akong huminto sa isang titigan niya lang.

"Melanie Jung, akala mo siguro ay dahil pinangalan ka ng peke mong ama ay mananatili ka ng si Aurora? Itanim mo sa kokote mo na ang nakatarak sa kaluluwa mo ay ang pangalang Melanie Jung at hindi na magbabago yun!" panghahamak niya sabay tawa.

"Ngayon, patayin mo ang sarili mo," utos niya kaya sumusunod ang katawan ko.

Kumuha ako ng dragger na pinangsasak ko sa dad ko at inangat ito para buwelyo sa pagsasak sa dibdib ko. Wala na akong magawa dahil nilamon na ako ng kawalan ng pag asa at takot dahil mas malakas ang emperor. Napapikit nalang ako at hinintay na tumarak sa dibdib ko ang dragger.

"Rora, tumigil ka!" sigaw ni Dion at nang minulat ko ang aking mata ay siya ang nakita ko habang pinipigilan ang dragger.

"H-Hindi ako papayag na wala ka!" sigaw niya at pinipigilan ang dragger kahit na magkadugo dugo na ang kamay niya.

"P-please... let me do this. Let me kill myself para matapos na ito. Dion, gusto kong aminin sayo..." pagmamakaawa ko sabay hinga ng malalim bago tumingin sa kaniya na may matang pangungulila.

"Dion, gusto kong sabihin sayo na patawad kasi minahal kita at ngayon ko lang naintindihan. Hindi ko na realize dahil hindi ko alam anong ibig sabihin ng love. Mahal kita at gusto kong makasama ka pero hindi pwede dahil hindi ako ang heroine. I'm just a Shadow, wala ng iba. Hindi ako mahalaga sa love story niyo at hindi kailangan maging action ang genre nito dahil sakin. Ito ang mundo na ginawa para sa pagmamahalan niyo," paliwanag ko kahit alam kong hindi niya ako mauunawaan ang iba sa sinabi ko. Tinabing ang kamay niya at malakas na itatarak sana sa dibdib ko ng walang alinlangan.

"Kahit ngayon lang... GLASS BUTTERFLY RELEASE!" Biglang may lumitaw na tao mula sa hangin at kasama ang mga butterfly sa paligid niya. Bigla akong nakagalaw pati narin sina Sunrise at Midnight.

"Torrie?"

"Torrie, nagawa mo! Salamat dumating ka!" sigaw sa saya ni Sunrise at tumakbo papunta kay Torrie pero mabilis akong nilapitan ni Torrie at hinatak ako palalayo kay Dion.

"Kieffer, ngayon na!" Nang sumenyas si Torrie ay agad na gumawa ng dimension si Keiffer para agad kaming makatas pero habang naglalaho ay naka Dion lang nakabaling ang atensyon ko.

Si Dion, ang male lead para sa kwento. Ang makakatuluyan ng kapatid ko. Kung hinto bumalik ang kwento sa unang pahina ano kayang buhay meron sila? Ang Saintess at ang Legendary Duke, malamang magiging masaya ang lahat at maraming maiinggit sa relasyon na meron sila. Hindi ko sana sinira ang magandang buhay na naghihintay sa kanila.

Isa lang akong Shadow pero shadow lang ba talaga ako? Bakit parang napakahalaga ko pa ata kaysa sa extra? Sino ba talaga ako?

Melanie Jung, ang pangalan na nakaukit sa kaluluwa ko pero parang foreign ang apelyedo. Jung? Saan galing ang pangalan ko at bakit iba kami ng apelyedo ng kambal ko.

Parang may alaala akong nakalimutan. Parang nakalimutan ko ang pinakamahalagang parte ng buhay ko. Ano ba yun? Malakas ang kutob kong naroon ang kasagutan sa lahat ng nangyayari ngayon.

Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now