Chapter 11

955 51 0
                                    

Cracking*


Kuminang ang magicstone at handang mahulog sa pwesto nito. 


"Watch Out!" sigaw ko dahil mahuhulog sa mga tao ang magicstone. Halos magpanic ang mga tao at nagsihawian pero ang prinsesa ay hindi makapaniwala at hindi man lang umalis sa kinauupuan niya. 


"Protektahan niyo ang prinsesa!" sigaw ng mga kawal at lalapitan siya kaso sa bilis ng oras ay hindi nila maliligtas ang prinsesa. 


Biglang nagkusa ang katawan ko at nag teleport sa tabi ng prinsesa. 


'Shield!' -enchant


Pinalibutan kami ng Shield at halos mawalan ako enerhiya lalo pa't ang napakalakas ng Mana na nasa loob ng magicstone. 


"Whua!"


"Princess!"


"Rora!"


Nagsigawan ang lahat at hindi ko masilayan ang mga tao sa kapal ng usok na glitters na kumikinang ang paligid. 


Nang nawala ang usok sa paligid ay ang unang nahinap ko ay ang prinsesa. Mabuti naman naligtas ko siya kaso bakit ko pa niligtas ito? Pinatay niya ako noon kaya dapat lang hayaan ko siya at hindi ko kasalanan na hindi siya tumakbo kahit na binalaan ko na sila. 


Dahil rin sa ginawa ko ay halos mawalan ako ng energy at napuno ako ng sugat sa katawan.


"Rora!" sigaw ni Eunice pero pinigilan ko siyang lumapit sakin lalo na dahil maraming basag na magicstone sa paligid.


"Witch! Isa isang Witch! Balak niyang patayin ang prinsesa!" sigaw mula sa mga tao kaya nagsipagtinginan sakin at tinutukan ako ng espada sa leeg.


"Tsk! Kung gusto kong patayin ang prinsesa ay hindi ko siya ililigtas," sagot ko. 


"N-Natatakot ako? Hindi ako naniniwala sayo! Paano mo nagawang gumawa ng masama sa loob pa mismo ng church kung saan maraming taong mahihirap! Hindi porque wala silang kwenta sa paningin mo dahil pinanganak kang mayaman ay papatayin mo na sila basta-basta!" sigaw sakin ng prinsesa na ikinabagting ng tainga ko. 


Agad kong inagaw ang espada sa kawal at tinutok sa leeg ng prinsesa na hindi makapagisip ng tama.


"Pinanganak ng marangya at papatay ng mahihirap? Sayo ba talaga galing yan mahal na prinsesa?!" tanong ko na naggagalaiti sa galit. Nanlaki ang mata niya at halos mamutla. 


"Sanggol pa lang ako ng ipatapon kami ng ama ko sa Northern borders upang iligtas ang napakaraming tao. Hindi ako naging pabigat sa daddy ko at kasamang lumalaban sa mga monsters. Kung sasabihin mong pinanganak akong mayaman ay kahit titulo ng sinasabi mo ay hindi ko pinakinabangan dahil sapilitan akong pinakasal upang maging widow! Buong buhay ko hindi naging maganda sa mga kamay niyo! Buong angkan namin ay pinoprotektahan ang emperyo kaya wag mo akong husgahan!" Halos manggalaiti ko na hindi na inisip kung anong katungkulan ng taong nasa harapan ko.

Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now