Chapter 15

790 40 0
                                    

"Confirmed," I murmured habang nakapalupot sakin ang makapal na kumot nakasandal sa headboard ng higaan. 


"Ano po ang na kumpira ninyo duchess?" tanong ng personal maid ko kaya agad ko siyang nilisakan ng mata para matakot sakin. 


Papatayin niya ako sa paglason kaysa mag divorce kami. So mga spy lahat ng mga katulong na nasa katabi ko!


Anong klaseng lason ba ang bingay niya sakin para bumilis ang tibok ng puso ko tuwing nasa harapan ko siya. 

Halos parang mamatay ako sa suffocation. 


Bigla akong nainis tuwing naalala ang tungkol sa kaniya at kakaibang kilos niya. Ibang taktika ng pagpatay sa kalaban, masyado ko siyang minaliit kaya ako ngayon ang nagsusuffer. 


"HINDI TO MAAARI! Akala niya papayag akong mapaapi apihan? Ako si Shadow ang reyna ng underworld battle kaya hindi ako magpapatalo dahil lang sa... Gwapo siya!" sigaw ko at nagbago ang huling part dahil sa naalala ko nanaman ang mukha niya kaya napatawa ang mga maid.


Ano ba itong nasa isip ko? Rora, isa kang mabagsik na white werewolf ng Northern borders at sa past life mo ay hindi ka basta basta. Ang hamak na duke na katulad niya ay walang laban sayo!


"Tama. Tama. Wuahaha! Nasa sa akin ng huling halakhak at sisiguraduhin kong magmamakakaawa kayo sakin ng Female Lead mo!"  bulaslas kong salita at lumabas ng kwarto para pumunta sa office niya. 


"Nasaan ang office ni Dion? Ituro niyo sakin kung ayaw niyong madamay!" banta ko sa mga butler pero mukhang hindi nila ako sineseryoso. Nakangiti sila at pinipigilang tumawa habang pinagbabantaan ko sila. 


Wala na ba ang angas ko? 


"Bakit kayo natawa? Hindi ba kayo natatakot sakin? Marami na akong napatay kaya madali nalang kayong ubusin lahat! Okay! LAPIT! Papakita ko ang bagsik ni Rora!" hamon ko pero wala paring nagbago sa expression ng mukha nila at ngayon lang na pahiya ng ganito kalala. 


Wala na akong kwenta...


"Duchess, pasensya na po kung hindi po namin mapigilang ngumiti. Masyadong cute po kasi kayo pagnaaasar katulad ng ikinukwento ni Duke Dion. At higit sa lahat ay kakaiba ka pong babae kumpara sa laging nadikit kay Duke," paliwanag ng head maid.


Parang may pumukpok sa ulo ko at ang papuri niyang kasing talim ng kutsilyo. Nagmukha akong walang kwentang sa harap nila? 


Ang wild wolf ay nagmukhang pahard to get na pusa. Ang layo ng differensya. Gusto ko ng bumalik sa pagiging shadow.


"Honey~" Biglang may nagsalita ng medyo nakakadiring terminology ng mga couple na kulang sa pansin. Nakakatakot at tumataas ang buhok ko sa balat. 


"Ang sweet nila Duke," rinig ko sa bulong bulungan sa mga maid.


Halos hindi ako makapagisip ng tama at ayoko na makipagtalo. "Sumusuko na ako kaya sana bigay niyo na sakin ang divorce paper ko," bulong ko sa sarili ko. Napatingin ako ng matamlay sa kaniya at walan ng pag asa dahil sa pangiti niya. 

Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now