Chapter 23

631 23 5
                                    

Nasaan ako?

Inilibot ko ang paningin ko at umaasang panaginip lang ang sinapit ng dad ko.

"Dawn?" taka ni Midnight at mabilis na inalalayan ako para makabangon.

"N-Nasaan tayo?" tanong ko at isa isa silang tiningnan.

"Sa kasamaang palad ay kailangan nating lumabas ng empire. Malawakan ang paghahanap sa atin kaya kailangan maging maingat," paliwanag ni Torrie.

Napatahimik lang ako at napayuko. "Kahit saang angulo ay ako ang may kasalanan. Nadamay ko kayo, hindi ko iniisip ang magiging buhay niyo pagtapos bg rebelyon. Akala ko kalkulado ko na ang lahat kaya nauwi ang lahat sa wala. Napakatanga ko, Ang bobo ko, wala akong kwenta at sarili lang ang iniisip!" paninisi ko sa sarili ko. Hindi ko mapigilang sakatan ang sarili ko pero bali wala parin ang ang sakit na ito kumpara sa sakit sa puso.

"Dawn, tumigil ka nga. Hindi mo kasalanan ang lahat! Kasalanan ng namumuno kaya huwag mong isisi ang lahat sayo!" pagpigil ni Midnight.

Kahit ano pang pagpapakalma nila sakin ay hindi ko parin matanggal ang konsensya ko. Napatingin ako sa kaniya at mukhang nanlalabo na ang paningin ko at hindi ko makontrol ang pagtawa ko sa walang dahilan. "Hahaha!"

"Haha. Kasalanan ko ito! KAHIT ANONG SABIHIN NIYO-... Wala paring magagawa yun. Kasalanan ko parin!" sigaw ko at muling umagos ang luha mula sa aking mga mata.

"Ang Ama ko. Kung hindi ako sumugod, sana buhay pa siya," dugtong ko at dahan dahang tumayo at pumunta sa terrace para lumasap ng sariwang hangin.

"Kung hindi ko iniisip ang paghihiganti para sa past life ko, anong buhay kaya ang tinatamasa ko ngayon?" bulong kosa hangin habang nakatingin sa kalangitan.

"Siguro buhay pa ang ama ko at masaya sila ng asawa niya. At ako na anak niya ay masaya rin bilang duchess," dagdag ko pa. Pinipilit kong ngumiti pero napakasakit, hindi ko kaya.

"Walang nagbago. Kahit ngayon, ako parin ang pumatay sa Archduke. WALA AKONG PINAGKAIBA KAY SHADOW! Lahat nang daanan ko ay sinasakop ng dilim," paninisi ko pa.

Nakakapagod umiyak, pinupwersa ako ng emotion ko para lumuha ng todo. Nakapagod.

"Dawn. Alam kong masakit parin sayo ang lahat pero kailangan mo paring malaman ang balita," pagputol ni Sunrise sa kalungkutan ko.

"May balita pa ba akong kailangan malaman? Patay na si dad, patay na ang tumuring sa akin na tao. Kaya, ano pang saysay ng pinaglalaban ko? Wala na... talo na ako," sagot ko. Biglang lumapit si Sunrise at hinawakan ako sa balikat.

"Wala tayong kakayahan para ibalik ang buhay ng patay pero DAWN, nandito pa kami. Hindi ba kami importante? Lalo na si Dion? Baliwala na lang ba kami?" tanong niya at hindi ako makasagot.

Lumapit naman si Kieffer at tiningnan ako. "Melanie Jung. Hindi ka ba curious kung anong koneksyon mo kay Melanie Jung. Tatapusin mo na ba ang laban pagtapos ng mga nangyari at buhay na nawala sayo?" tanong ni Kieffer.

"Dawn, kailangan nating iligtas ang asawa mo. Si Dion, dinakip nila at tinulong. Walang nakakaalam kung nasaan siya at ang katawan ng iyong ama ay sinabit sa tarangkahan at hindi binigyan ng maayos na libing. Dawn, hihinto ka parin ba?" tanong niya.

Sumiklab ang galit sa puso ko at napatindig agad. "ANO?"

Fast Forward...

Ika labing isa ng gabi, walang buwan na nagliliwanag sa kalangitan at rinig ang sitsitan ng mga kuliglig sa paligid. Ngayon ay natatanaw ako ang tinutuluyan naming bahay.

Marami akong naging mali, ngunit hindi ko hahayaan na maulit muli ang pagkakamali ko, at sisiguraduhin kong wala ng ibang dugo ang dadanak sa lupain na ito maliban sa akin at sa aking tunay na ama.

Sa ngayon isang liham lang ang iniwan ko pagtapos ng mahabang preparation namin sa paglusob muli.

Minamahal kong mga kaibigan.

Sunrise, Torrie, Midnight, and Kieffer.

Malalakas kayo pero at mga bata pa, hindi niyo pa nakikita ang magandang side ng mundo. Nais kong hanapin niyo yun para sakin at kalimutan na ang aninong ginawa natin. Masyado kayong maliwanag para magstay dun.

Hindi kayo nararapat sa tabi ko pero pinagmamalaki ko kayo. Pangako, ito na ang huhuling digmaan sa tuktok ng emperyo, walang dapat masaktan kundi ang iisa lang sa amin. Hindi ko alam kung makakabalik ako pero ipangako niyo sana na maging parte ng pagbabago. Tulungan niyo akong bumago sa emperyo nang hindi tinatahak ang landas ko. Ang anino ay mamatay bilang anino pero sa pagkakataon na ito ay pipilitin kong mamatay ng may tangal. Kaya kayo, tumahak kayo ng ibang landas, yung magliliwanag kayo at makikilala. Paalam at patawad kung hindi matutuloy ang plano natin.

Nagmamahal Duchess Aurora Ruby White-Walden a.k.a. Dawn

Umalis ako ng tahimik at magisang utinupad ang paghihiganti ko. Wala akong oras ipaglaban ang salitang pag-ibig o hanapin ang purpose ko sa pagsilang sa akin sa mundong ito. Ang tanging layunin ko nalang sa araw na ito ay pataubin ang emperyo para itatag ang panibagong kabanata.

"Melanie, sa wakas nagpakita ka ulit. Ngayon, pwede na ba natin ituloy ang laban?" bungad sakin ng emperor habang hawak ang isang lumang libro. Mukhang ancient language book kaya hindi ko na pinansin.

"Lilitaw sana ako sa harap mo ng palihim bilang Shadow pero I guess ini expect mo na makikita ako sa lugar na ito," sagot ko then he laughed.

"Lahat ng masasamang balak mo ay madali kong nalalaman kahit yung mga pinaplano mo palang. Actually, alam ko kung nasaan kayo nakatago pero hinintay ko lang na lubas ang daga sa lungga para exciting," sabat niya pa habang nakangiti.

Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya pero  mabilis akong kumalma dahil baka nagsisinungaling lang siya.

"Oh, kung hindi mo lang ako inabanduna bilang anak ay iisipin kong hindi mo ako pinadakip dahil may kakarampot paring awa sa puso mo," pangangasar ko.

"Don't make me laugh, hindi kita anak. Huwag mo akong tawaging ama dahil kahit kelan ay hindi kita matatanggap na anak. Isa lang ang anak ko, isa lang!" sigaw niya.

"Hindi ka parin nagbago, simula ng isilang ako ay hindi mo man lang ako tiningnan bilang anak. Kung hindi siguro ako nakaroon ng mapagmahal na ama ay masasaktan ako sa trato mo," sagot ko.

"Wala pa akong isip ay kinamumuhian mo ako. Medyo nakapagtataka tuloy kung ano ba talagang nagawa kong mali para siguraduhin akong patay o siguraduhing empyerno ang buhay ko? Ano bang makukuha mo ama kung makikita ako sa napakamahirap na sitwasyon?" tanong ko at ngumiti siya.

"Magagalak akong makita ka sa ganoong uri ng sitwasyon. Isa pa kahit kelan ay hindi ka matuturing na inusente kahit hindi mo pa bahiran ng dugo ang mga palad mo dahil umpisa palang ay ikaw na ang punot dulo ng lahat. Tandaan mong ikaw ang sumira sa emperyo!" galit na galit na sagot niya na ikinataka ko.

"Huwag mong baliktarin ang sitwasyon!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now